Hold-up

9 0 0
                                    

Tumila na ang ulan. Hating gabi na at halos wala nang tao. Wala na ring dumadaang mga sasakyan. 


Naglalakad ako sa gilid ng medyo madilim na kalsada, nang biglang may tumakip sa bibig ko mula sa likod.

Sa gulat ko, hindi ako nakagalaw o nakapagsalita. Naramdaman kong may nakatutok din sa likod ko.

Tsk tsk...mukhang na holdap ako. bad trip!

"Wag kang sisigaw, kung ayaw mong masaktan."

Itinaas ko ang kamay ko. Wala naman akong balak lumaban. Wala rin naman kasi syang makukuha sakin.


Habang kinakapa nya ang mga bulsa ko, may biglang dumapo sa braso ko na ipis. Napatalon ako sa sobrang takot at nasiko ko yung holdaper ko. Paglingon ko, nakadapa sya at nakita kong baril pala ang hawak nya.

Tumakbo ako papalayo. Alam kong pagkakataon ko na yon.

"Hoy! Bumalik ka dito!", narinig ko na tumatakbo na rin sya.

Lumiko ako sa isang eskinita at nagpasikot sikot doon. Pero mukhang alam nya lahat ng mga pinapasukan ko. Siguro taga rito tong holdaper na to. Bwisit!!

Nung nakaramdam na ko ng pagod, nagtago ako sa sulong ng isang bahay. Makakatakas na sana ko nang biglang may tumahol na aso galing sa loob ng bahay. Syempre takbo ulit ako.

Dahil sa sobrang katangahan ko, napunta ako sa isang dead end.

Naabutan na rin ako ng holdaper ko.

"Kala mo siguro, makakatakas ka no.", hingal nyang sabi.

Nag-iisip ako ng mga paraan para makatakas.


Tumayo na sya ng deretso para hindi ako makalusot sa kanya...


Masyadong mataas yung mga dingding para akyatin...


Itinaas na nya yung baril at itinapat sakin...


Walang kahit ano dito na pwede kong magamit para ipanglaban sa kanya...


Itinutok na nyang mabuti yung baril...



Ito na siguro ang huli. Kailangan tanggapin ko na, na mamamatay ako.
...




Tumingin ako sa kanya ng deretso at inantay ko sya....






Kinalabit nya ang galityo at pumutok ang baril....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bigla akong nagising at nalaglag sa kama ko...  

Potpourri: A Collection of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon