Kwarto

9 0 0
                                    

Pagtatatuwa: Ang istoryang ito ay kathang-isip lamang. Ang pagkakatulad sa mga totoong tao, buhay man o patay, ay pagkakataon lamang.

Rated SPG: Striktong patnubay at gabay ng magulang ay kailangan. Ito ay maaring may maseselang tema, linguahe, karahasan, seksual, o droga, na hindi angkop sa mga bata.

You've been warned.

------------

Sa mga nakakakilala sakin, alam nyong hindi ako duwag. Hindi ako madaling matakot sa kahit anong bagay. Patay na ilaw man yan sa bahay, lasing sa kalsada o Nasusunog na kapitbahay, hindi ako madaling matakot. Alam ko alam nyo yan.

Pero nitong mga nakakaraaang araw, may mga bagay na nangyari sakin na hindi ko na kayang pagtiisan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Well, alam ko. Pero hindi ko kaya. Pakiramdam ko mamamatay na ko sa sobrang takot.

Mabuti pa, mag-umpisa ako sa simula.

Nung nakaraang linggo, una kong napansin na parang may kakaiba sa kwarto ko. Alam nyo naman ako na kwarto ko lang talaga ang totoong tambayan ko. Lalo na ngayong dito lang ako sa bahay.

Mag-isa lang ako sa buong bahay. Nanonood lang ng movie sa laptop ko. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong gininaw. Napatingin ako sa bintana, pero nakasara yon. Nagtaka naman ako. Kasi nakapatay naman ang electric fan at nakasarado rin ang pinto. Walang hanging pumapasok.

Ayoko namang sumilip sa bintana at pinto, dahil baka may makita akong kung ano at lalo lang akong matakot.

Kahit na may kakaiba na kong pakiramdam, hindi ko pinansin. Naisip ko kasi na baka sa malamig na tubig lang yon kung bakit ako biglang gininaw. Wala nang ibang nangyari nung gabing yon.

Nung sumunod na gabi, ganon ulit. Bigla akong gininaw nang walang dahilan. Medyo kinabahan na ko. Mag-isa lang kasi ako sa bahay dahil mga 8 pa lang noon.

Binuksan ko yung electric fan, sinaksan yung speaker at binuksan ko rin yung dalawa kong ilaw sa kwarto. Hininto ko na rin yung sinusulat ko sa laptop. Naglaro na lang ako sa FB. Nag lock rin ako ng pinto.

Okay na sana. Pero nung mga 11 something, may naramdaman ulit ako. Nanonood na ko ulit at pinatay ko na rin yung speakers ko dahil tulog na sila mama sa kabilang kwarto. Pinause ko muna yung movie at pinakinggan ko kung anong meron. Una yung mga butiki lang ang naririnig ko. Pero maya maya, may naririnig ako sa labas na parang lumilipad.

Kinakabahan na ko nito. Kasi 2 days nang medyo weird yung feeling ko sa kwarto. Tapos may lumilipad pang kung ano sa labas.

Alam kong di na ko makakatulog noon, kaya nanood na lang ako ng movies buong magdamag. Pero nakatulog rin siguro ako dahil tanghali na nung nagising ako.

Sumunod na dalawang gabi, walang nangyari. Nakalimutan ko na rin nga yung mga nangyari eh. Akala ko okay na.

Pero hindi pala.

Pang-limang gabi simula nung una kong nakaramdam ng kung ano sa kwarto ko, nanaginip ako ng masama. Okay lang sana kasi lagi naman akong nananaginip. Pero iba tong panaginip na to eh.

Nasa kwarto daw ako, nanonood ng movie. Nagpapaantok. Biglang bumukas yung pinto at may pumasok. Hindi ko na matandaan kung ano o sino. Basta ang alam ko lang, biglang dumilim yung kwarto pagpasok nito. Wala rin tong mukha, parang si slender man.

Sunod, wala na ko sa kwarto. Parang nasa gubat na ko at tumatakbo papalayo dun sa humahabol sakin. Alam kong nananaginip ako pero di ako magising at di rin makapagsalita. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at sobrang laki ng takot na nararamdaman ko. Hanggang sa napagod akong tumakbo. Nilakasan ko ang loob ko at hinarap ko yung humahabol sa kin. Bigla akong nagising.

Paggising ko, pawis na pawis ako. Tiningnan ko kung anong oras na, 2:59 a.m. Di ko yon makalimutan kasi ayaw na ayaw kong nagigising nang alas tres ng madaling araw. Pakiramdam ko kasi, may nakatingin sakin.

Nakiramdam muna ko. Sobrang tahimik. Mga butiki lang ang maririnig mo, na para bang sobrang lakas dahil walang ibang tunog. Sinara ko yung dalawang bintana ko na nakabukas. Sinara ko rin yung pinto ko at binuksan yung flourescent na ilaw, pati electric fan.

Pakiramdam ko, may nagmamasid sakin. Hindi na ko makatulog ulit sa sobrang pag-iisip. Nanood na lang ako ulit ng movie sa laptop.

Nung mga 4 siguro, may narinig akong lumilipad. Pinakinggan ko kung saan nanggagaling, sa labas na naman. Buti na lang at sarado yung bintana ko. Naisip ko kasi na baka paruparo o langgaw yon. Marami kasing pumapasok na ganoon sa kwarto ko eh. Pati mga lamok.

Sa mga sumunod na gabi, wala namang kakaibang nangyari. Hanggang kagabi.

Kung iniisip nyo na matindi na yung nangyari sakin nung huling linggo, nagkakamali kayo.

Kagabi kasi, late akong umuwi. Mga 10 na. Tulog na sila mama noon at tahimik sa bahay.

Balak ko talagang dumiretso na ng tulog pagpasok ko, pero may kasama pala ko sa kwarto.

Hindi ko sya napansin agad. Nagmamadali kasi ako dahil pagod at gustong matulog. Sinara ko lang yung pinto tsaka humiga sa kama. Wala pang 1 minuto akong nakahiga, nag-iba na naman yung pakiramdam ko. Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit, pero nanlamig ako at parang gusto kong lumabas ng kwarto.

Pero gusto ko ring matulog, kaya binalewala ko lang yon at pinilit na ipikit ang mga mata ko.

Nakatulog nga ata ako dahil nung naalimpungatan ako, past 12 na.

Nandoon na naman yung pakiramdam na may nakatingin sakin at may gagawing masama pag natulog ako. Umupo ako sa kama. Pagdilat ko, wala akong makita. Naalala ko na hindi pala ko nagbukas ng ilaw dahil humiga ako kaagad at natulog.

Kinapa ko yung flashlight sa kama ko. Lagi kasi akong may katabing flashlight. Binuksan ko at itinapat ko sa laptop ko. Naka sleep mode lang ito kaya binuksan ko. Naisip kong buksan yung isa kong ilaw, kaya itinapat ko yung flashlight sa switch.

Sa split second na dumaan yung flashlight sa pinto, parang may nakita ako. Pagtapat ko, wala namang kahit ano doon. Lalo akong kinabahan kaya binuksan ko kaagad yung ilaw. Tinitigan ko ng matagal yung pinto ko pero wala talaga.

Nakumbinsi ko na yung sarili ko na wala ngang kahit ano doon, pero paglingon ko sa bintana. Nandoon sya. Nakasandal at nakatingin sakin. Maliit lang sya pero sobrang laki ng takot na naramdaman ko nang makita ko sya. Hindi ako nakagalaw sa kama ko. Inaantay ko kung anong gagawin nya, pero nandoon lang sya. Nakatingin sakin.

May pakpak sya pero hindi ko makita ang mga mata nya. Wala ata. Pero alam kong nakatingin sya sakin. Nag-aantay kung anong gagawin ko. Siguro ilang minuto rin kaming nagtititigan.

Dahan dahan akong tumayo habang nakatingin sa kanya. Unti unti kong binuksan yung pinto sa likod ko. Naang alam kong kasya na ko, nagmadali akong lumabas at sinara ang pinto. Halos ibalibag ko na nga eh.

Nakita ko rin syang lumipad papunta sa kin, pero siguro nauntog sya sa pinto.

Akala ko ligtas na ko, huminga pa ko ng malalim. Pero paglingon ko, nakita kong nakaharap sya sakin. Nagkatitigan ulit kami.

Pano sya nakapunta sa harap ko ng ganoon kabilis?

Bwisit.. Yung bintana ko hindi ko nasara kanina.

Nagfreeze ulit ako. Sya din naka freeze. Hindi sya gumagalaw. Parang hindi nga humihinga eh.

Alam kong no choice ako, kaya tinalunan ko sya at tumakbo ko ng sobrang bilis pababa ng hagdan namin.

Doon, hindi nya ko sinundan. Pero alam kong nandoon pa rin sya sa kwarto ko.

Doon na ko nakatulog sa baba.

Kinabukasan, sinabi ko kay mama yung nangyari kagabi. Sabi nya wala na raw yon sa kwarto ko. Tiningnan nya kanina.

Sabi ko nandoon lang yon, nagtatago lang. O kaya balikan ako mamayang gabi.

Sabi nya sigurado daw sya dahil pinatay na raw yon ni Papa kanina. Dalawa pa nga raw eh.

Hindi nyo lang alam kung gaano ko ka relieved nang marinig ko yon.

Bwisit na mga ipis talaga eh.

Potpourri: A Collection of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon