I'D ALSO SEEN a lot in Cremeo. His charm, the thing that lies beneath his helplessness made me feel good about life. He's a guy of grand gestures. I'd seen the soul inside him. And (this, only I knows) he's a Mama's boy. He was my best friend and I'm glad I got to witness all the sweet stuff he did that nobody else knew he was capable of doing.
Years gone by... who would have known that between the laughter and joys, something was waiting to be discovered? I FOUND LOVE... Oo. Ako lang ang malas na tinamaan ng pana ni Kupido!
Noong una, nahirapan ako sa sitwasyon ko. I fell in love with my best friend. And it was painful... so painful not being able to do anything. That all I did was watch. That even though I could get close to him, I COULDN'T stand by his side all the time.
It's painful that I came too late to grab that chance to love him.
"Cremeo!" tawag ko sa kanya isang araw nang makarating ako sa lugar na t-in-ext niya sa 'kin. Late na naman ako no'n. Kasi naman hindi ko kabisado ang lugar na 'yon. It was in an old street somewhere near Intramuros.
Naalala ko pa hanggang ngayon ang expression sa mukha ni Cremeo pagdating ko. He had a nervous smile plastered on his face. Napansin ko rin no'n na pinagpapawisan siya na parang katatapos niya lang takas an ang m-in-urder niya. Pero agad din napalitan 'yon ng kanyang ultimate supermodel smile nang nakalapit na ako sa kanya.
"Ano 'yan?" nagtatakang tanong ko sa kanya nang mapansin ko ang bitbit niyang boquet of roses.
Inabot niya yon sa 'kin. "Para sa 'yo," sabi niya.
My heart raced. I grew excited as I waited for him to tell me the things I wanted to hear ever since I fell for him— that he felt the same for me; that he loved me, too.
Pero hindi nangyari ang inaasahan ko nang may ituro siya sa itaas. I looked up at the street post over our heads.
"FRIENDSHIP," it read.
"I was strolling on this street when I saw that street post. Ikaw ang una kong naisip no'ng ma-discover ko ang lugar na 'to," mahinang pagkwento niya. "Na-excite talaga akong dalhin ka rito para ipakita 'to sa 'yo. Ang cute, 'no? Check out that one across the street." Tinuro naman niya 'yong sigh post sa kabilang kalye.
"LOVE" naman ang nakasulat do'n.
Sandaling wala akong nasabi. Sumama ang pakiramdam ko. I felt my heart sinki to the deepest depression. That time, I just stared at him— silently asking if we could cross the street and stand under the post that said "LOVE." Pero wala akong sinabi. Ang tanging nagawa ko lang sa huli ay ngumiti. Siguro natanggap ko agad na hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya sa 'kin. Or maybe, matagal ko na natanggap ang katotohanang 'yon dahil mula pa no'ng ma-discover ko ang nararamdaman ko para sa kanya, may hinala na akong kahit kalian, hinding hindi magiging pareho ang nararamdaman namin.
Hindi ko alam kung open-minded lang ba talga ako, o playing-safe ba ako dahil ayaw kong masaktan nang sobra. Ayokong ma-reject kaya tinanggap ko agad na hanggang kaibigan lang ako sa kanya.
"Ikaw ba 'yan, Cremeo? Ang mushy mo 'ata ngayon? Kumain ka na ba?" nakuha ko pang biruin siya.
Tumawa siya, at medyo gumaan na rin ang loob ko.
"Hindi pa nga," sagot niya. "Tara na nga. Sa'n mo gusto kumain? Libre ko."
Ang dami kong gusto sabihin sa kanya no'ng araw na 'yon. Mga bagay na dapat matagal ko na inamin. Pero naisip ko, 'yon na marahil ang hint ni Tadahana— at ni Cremeo— na magiging magkaibigan na lang kami habang-buhay.
__________________________________
'miishu loves you!^^
YOU ARE READING
The Day We Were Here [short story]
Teen FictionSometimes, by being late- even just for a second- there is a chance that the next moment of your life will change and may become different from how it should have been. And all that would be left are the annoying "what ifs." That's Destiny, poking...