|The Day We Were Here |[short story]

738 14 8
                                    


____________________________________________

|The Day We Were Here |

|one|

I'M LATE. Again.

But, hey! What's new? I'm always late. I never come on time.

Noong mag-junior high school ako, ni minsan, hindi na ako naka-attend ng flag ceremony, even once. Tuwing may pupuntahan naman kaming party o simpleng gimik ng mga kaibigan ko, ako ang pinakahuling nakakarating sa venue. My date hafto wait for at least half an hour before I show up. May mga na-drop na rin akong subjects ngayong college dahil lagi akong late sa class, o hindi ako nakaka-take ng exam dahil nga... LATE AKO.

So that made me, "The Late" Happy Riz Villanueva. 'Yon ang tinawag sa 'kin ng teacher ko no'ng highschool.  Kaya naging laughingstock ako nang wala sa oras. Ish!

I'm always late. And I never run out of reasons: I slept in; my alarm clock didn't ring (I think it's conked up); traffic sa intersection; nasiraan 'yong jeep na sinasakyan ko; gosh, may emergency kanina sa bahay; my blow dryer isn't working, so I hafto wait for my hair to dry before I can do it... "Destiny didn't want me to come on time."

Pero hindi ko naman gawa-gawa ang mga excuses na 'yon. They are true. Nakakainis nga. Parang paborito akong pag-trip-an ni Fate—and I want to think the whole universe always join forces to keep me from arriving on time. Kung kailan nagmamadali ako, tsaka naman may nangyayaring napaka-unfortunate na nagiging dahilan ng pagkahuli ko.

Ngayon naman, malakas ang ulan at sobrang traffic pa. 30 minutes na akong late sa pupuntahan kong party ni Cremeo...

I wonder if Cremeo's waiting for me at the entrance of the café-restaurant where he is holding a party. Sa imagination ko, hindi siya mapakali habang pabalik-balik at pasulyap-sulyap sa labas ng entrance kung malapit na ba ako. 'Pag nakarating ang sinasakyan kong taxi ro'n, sasalubungin niya agad ako ng payong— at ng mainit na yakap at ngiti— at aalalayan ako hanggang sa makapasok na kami sa loob ng venue. He would lead me to a table where our close friends are seated, then would pull the chair for me. He would introduce me to his new friends. And he would be sweet, caring and attentive to me... as if I'm his real girlfriend.

Pero sabi ko nga, IMAGINATION ko lang lahat 'to. Mas ini-expect ko pa maginig ang linyang "Happy, late ka na naman. Tsk. Hindi ka na nagbago. Do you know what you've missed?" mula kay Cremeo.

In reality, Cremeo used to be my best friend. The closest male friend I ever had. And, if given a chance, I would like to keep him that way forever. But then, things between us changed.

 Nakilala ko si Cremeo no'ng junior high school.

First day of school year 'yon, late na ako sa first class ko. Nagmamadali ako sa paglakad nang mabangga ako kay Cremeo sa hallway. Sa lakas ng pagkakabangga ko sa kanya, muntik na ako matumba... Pero bago pa tuluyang mahalikan ng mukha ko ang malamig na tiled floor, nasalo niya ako sa isang braso.

Kung hindi lang ako nagmamadali no'ng mga oras na 'yon, I would have appreciated the scene where things around me and Cremeo turned into a blur as I looked up and met his eyes. If I wasn't in a hurry, I would have taken note of how... nice I felt being held in his arm. How wonderful I felt as we stare into each other's eyes... that romantic novel-like scene between us...

Pero biglang nag-ring ang school bell. At natapos ang munting moment na 'yon. Kung hindi lang ako late, hindi sana ako nagmamadali!

Lumayo ako sa kanya at pinulot ang bag ko na nahulog sa sahig. "Salamat," sabi ko sa kanya bago nagmadaling tumakbo na ako sa first subject ko.

Pagdating ko sa classroom, may naka-save na na upuan para sa 'kin ang mga kaibigan ko.  At buti na lang, hindi ako late— or at least, mas nauna ako sa teacher namin. Nagkamustahan kaming magkakaklase nang dumating ang bago naming classmate— si CREMEO.

Silence filled the entire room for a moment as he stepped in, like some VIP came. Ang totoo, last school year pa kasi hinihintay ng mga girl classmates ko si Cremeo. He transferred in our school the year before and instantly became popular to most of the female population because, well, he's charming and drop-dead gorgeous— no protest about that. Pero sa ibang section siya nag-enrol kahit qualified ang grades niya sa section namin...

Everyone in our school with "xx chromosomes" in their bloodstreams were LITERALLY chasing after him— BUT ME. Hindi ko naiintindihan ang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya no'n. Mula no'ng unang beses kong nakita si Cremeo, ang tingin ko sa kanya ay magandang lalaki na naglalakad sa lupa. 'YON LANG. Hindi ko pa naman kasi siya kilala personally– at siguradong 90% din ng mga member ng fans club niya (yeah, may fans club siya) ay hindi siya kilala nang personal. Kaya hindi ko masabi no'n if he was worth a breath...

And then, naging mag-seat mate kami...

Pagpasok ni Cremeo sa classroom, nagprisinta agad 'yong kaibigan ko na nakaupo sa tabi ko na ibigay kay Cremeo ang upuan niya. Hindi naman tinanggihan ni Cremeo 'yon. And we ended up being seatmates. Alangan na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya. Pero siya, napaka... uhm, gandang bungisngis ang bati niya sa 'kin. And everything started there...


Hindi naman mahirap pakisamahan si Cremeo. He was talkative and charming, at may mga bagay na pareho naming napagkakasunduan. He's got good sense of humor. Mabait siya, witty, artistic... and there are many more nice adjectives to describe him.

Months later, at hindi na talaga kami mapaghiwalay. Pareho kaming late-comers, so lagi kaming magkasama sa school detention. Tuwing exam week, sabay kaming nagre-review. Pag-absent ang isa sa 'min, one would take notes and email it to the other so no one got left behind the lessons... We had shared a lot of experiences, laughter, secrets, miryenda, reviewer, kodigo, and even pillow.


I'd learned a lot from Cremeo. Maraming siyang naituro sa 'kin simula ng maging kaibigan ko siya. Mula sa simpleng dance steps hanggang sa mga mahahalagang bagay tungkol sa buhay. Natuto akong maging mas mapagkumbaba, makatao, at natuto akong magpahalaga sa oras dahil sa kanya. He stirred many emotions that were once unknown to me. I learned how holding-hands feel like. Naranasan kong tumawa hanggang sa sumakit ang t'yan ko, matulala kai-imagine ng mga bagay-bagay at kiligin kai-imagine, mapuyat, madapa sa kamamadali pagpasok dahil exited na akong makita siya ulit... mabigo, umiyak at madala.

Natutuhan kong maging aware sa mga tao sa paligid namin— na hindi lang ako ang dapat laging kasama ni Cremeo. I grew up and learned that trust isn't just handed over magically. That happiness lasts like everything else in this world. Lumaki ang mundo ko dahil kay Cremeo...


At higit sa lahat, natutuhan kong... magmahal.

________________________

miishu loves you!



The Day We Were Here [short story]Where stories live. Discover now