TUMIGIL NA ang taxing sinasakyan ko. Sa wakas, nakarating na rin ako sa party ni Cremeo. Nagmadali akong bumaba para tumakbo papunta sa entrance ng restaurant.
"Happy!"
Tumingala ako satumawag sa akin. Si Cremeo. Si Cremeo? Bakit nakatayo siya sa entrance... at sinasalubong na niya ako ng payong.
"Happy," tawag niya ulit sa 'kin. Tapos niyakap niya ako. Mainit na yakap.
KATULAD NG IMAGINATION KO KANINA.
"Kumusta?" tanong niya.
Wala pa rin akong imik.Nabigla kasi ako sa mga ginawa niya. Totoo ba 'to? I look at him. He's smiling at me the same way he did before. Na parang walang nangyaring gap sa pagitan namin.
Ang totoo, pagkatapos ng arawna 'yon na'ng pumunta kami sa lumang kalye na 'yon kung saan niya pinakita sa 'kin ang street post na "Friendship", naging awkward na ang feeling ko tuwing kasama siya. At gano'n din marahil ang naging feeling niya dahil naramdaman ko ang unti-unti niya paglayo sa 'kin no'n— na okay lang sa 'kin, in a way. Pakiramdam ko kasi, mas magiging odd ang pakikitungo namin sa isa't isa kung lagi pa kaming magsasama.
Kaya ang nangyari, nawala ang dati naming closeness. Suddenly, we stopped speaking to each other, and then we stopped being friends, I think.
Nang mag-college kami, hindi ko alam na sa parehong university pala kami nag-enrol dahil nga wala kaming communication. Tsaka ko lang nalaman nang magkita kami sa acquaintance night ng university.
And that night, I got a small chance of being happy. But that chance, that little chance only brought me unhappiness in the end.
Pinakilala ako ni Cremeo sa mga blockmates niya as his girlfriend. I KNOW, THAT WAS RIDICULOUS. Pero para sanagmamahal, malaking bagay 'yon... I enjoyed that night immensely, savoring the feeling of being his "girlfriend," praying that he meant it.
Kaya lang, pagkatapos ng gabing 'yon, mas naging awkward kami sa isa't isa ni Cremeo. Nakita at naramdaman ko naman na nagri-reach out siya sa 'kin. Pero pinili ko na hindi siya pagbigyan. Dahil kung magpapatuloy lang ang pretend namin na 'yon, mas magiging masakit.
I want to be his REAL girlfriend. I'm sorry I'm pushy. I just want this to be real. BECAUSE I LOVE HIM. Alam ko, maiintindihan ako ng lahat ng nagmamahal.
And so, ang gap sa pagitan namin no'n ay mas naging malaki.
Kalian lang ako ulit nagkaroon ng communication kay Cremeo. Last week lang. He texted me na may get-together daw kami ngayong lunch ng mga friends namin from high school. Cremeo loves partying kahit sa simpleng dahilan na masaya lang siya. Pero ano kaya ang occasion ngayon at kasama ang high school barkada namin? At ngayon niya lang ako naisip imbitahan ulit?
"Uy, sabi ko. kumusta?" Kinayaw pa ni Cremeo ang kamay niya sa harap ng mukha ko. "Hmm?"
"Uhm... a-ayos lang," sagotko. "Ikaw, kumusta?"
"Okay din. I missed you, Happy. Pa-hug nga ulit."
Yeah. Cremeo loooooves hugging. And he really says "I miss you" when he does feel like it.
"Uhm, nababasa na tayo," sabi ko. Nararamdaman ko na ang ulan sa braso ko na ayaw ko iyakap sa kanya. Ayoko siyang yakapin, baka maging awkward ulit kami sa isa'tisa.
Tumawa siya.
Ahhh... na-miss ko ang tawa na 'yan!
"Tara na sa loob. Kanina pa kitahinihintay."
"Talaga?"
"Yeah."
OMG. My imagination is turning into reality. Hinihintay niya nga ako!
Pumasok na kami sa loob ng café. Naghanda na akong salubungin ng ngiti ang iba pang naimbitahan ni Cremeo sa party niya. But I see no sign of the "party" that I expected. At ang tanging na-recognize lang ng mata ko ay ang mga tao na nakaupo sa isang corner table. Our high school classmates— Sissy, his boyfriend Josh, and Vance. Sila ang closest classmates namin ni Cremeo noong high school. I feel happy to meet them today, pero... bakit sila lang? Mali yata ako ng in-expect.
Nakalapitna kami sa mesa na ino-occupy ng mga kaibigan namin ni Cremeo. Nagbatian kami, kumustahan, bago kami kumain. This is not the party I expected, but still, Cremeo is being so attentive— and sweet— to me while we are eating. The way he was to me before, and in my imaginations.
"Enjoy ba?' tanong ni Cremeo pagka-serve sa amin ng waiter ng dessert.
"Ayos lang," sagotko. sa ilang oras na naming nagdadaldalan habang kumakain ng tanghalian, naging magaan na ulit ang pakiramdam ko. Medyo nagiging awkward lang ulit pag bigala kaming mawawalan ng pag-uusapan at magpo-pause.
"Himala nga, eh. Ano bang pumasok sa isip mo ngayon, Crem, bakit nanlibre ka?" tanong ni Sissy.
"Nanalo ka sa DotA, dude?" tanong ni Vance.
"O may bago kang girlfriend? Sandali, hihintayin pa ba natin siya? Halos matatapos na tayong ma-lunch, ah," sabi naman ni Josh.
"'Lol. Kung may bago akong girlfriend, ipagkakalatkoagad 'yon sa inyo, sa Facebook at Multiply, 'no," simlengsagot ni Cremeo. Sumubo siya ulit ng in-order naming dessert na Halo-halo Espesyal.
Hindi ako nag-react.Wala akong masabi. Nagiging uneasy na naman kasi ang pakiramdam ko. Hindi ko feel ang topic namin tungkol sa lovelife ni Cremeo, kahit na sinabi niyang wala naman siyang girlfriend ngayon.
Pero mas magiging tahimik pa pala ako sa mga susunod niyang sasabihin...
YOU ARE READING
The Day We Were Here [short story]
Fiksi RemajaSometimes, by being late- even just for a second- there is a chance that the next moment of your life will change and may become different from how it should have been. And all that would be left are the annoying "what ifs." That's Destiny, poking...