Chapter Four

5.9K 330 37
                                    

NANG nakita niyang tila mahihimatay ang dalaga ay maagap niya itong sinalo. Bumagsak ito sa mga braso niya. Napaupo siya sa semento habang nasa mga braso niya ang dalaga.

Tinapik niya ang magkabilang pisngi nito.

" Hoy, babae gumising ka!"

Hindi ito gumalaw. Talaga ba'ng nahimatay ito o niloloko lamang siya?

" Hoy babae sabi nang gumising ka eh! Huwag mo ako'ng niloloko. O.A masyado ang reaksyon mo. Parents ko nga hindi nahimatay nung nalaman pagkatao ko tapos ikaw may pa-pass out-pass out ka pa'ng nalalaman dyan. Wake up!"

Kahit pinisil na niya ang pisngi nito ay hindi pa rin ito gumalaw.Nag-panic na siya saka naiinis na binuhat ito at muling pumasok sa loob ng bahay.

Nagtaka ang mga magulang nila nang bumalik siya na buhat-buhat ang dalaga.

" What happened, Kit?" nag-aalalang tanong ng Tita Leny niya at patakbong lumapit ang mga ito sa kanila.

Inilapag niya ang dalaga sa couch.

" I don't know, Tita. She just passed out."

Lumapit ang Mommy ng dalaga sa ulunan nito at pilit itong ginigising.

" Anak, wake up!"

" I will call Doctor Alvarez." sabi ng Tito Glen niya at mabilis na tumungo sa kinalalagyan ng landline.

" Is she sick?" tanong niya naman.

" No. I think she's tired and stressed. She just arrived from Japan. Ito na nga ba sinasabi ko sa batang ito. I told her to rest first before we invite you guys to dinner. Pero makulit masyadong excited na makita ka. Walang pahinga pa hayan hinimatay siguro sa pagod."

Napakunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ng Tita Leny niya. Excited raw itong makita siya? Bakit ito mai-excite gayong hindi naman na sila ganoon ka-close.

" Dr. Alvarez will be here in thiry minutes." pagbibigay alam nang Tito Glen niya nang magbalik ito sa sala.

" Okay. I will leave now. Sige po kayo na ang bahala kay Brielle." at nagmamadali na siyang lumabas.

Laking pasasalamat niya nang hindi na siya pinigilan ng mga magulang niya. Pagpasok sa sasakyan ay pinilit niyang nakauwi kahit na wala siyang headlights. Mabuti na lamang at medyo maliwanag ang buwan ngayong gabi at maraming poste ng ilaw sa daan pauwi sa kanila. At makalipas ang trenta minutos ay nakauwi siya ng mapayapa.

MAY naririnig siyang ilang boses nang nagkukwentuhan. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya. Una niyang nakita ang puting kisame nila. Napalinga siya sa paligid. Nasa living room pala siya at nakahiga sa couch. Ano'ng nangyari?

" She's awake." narinig niyang sabi ng Mama niya na papalapit sa kanya.

Nakita niyang lumabas mula sa dining room ang Daddy niya at ang parents ni Kit. Pero nasaan ang binata?

Dahan-dahan siyang bumangon.

" How do you feel, anak?" tanong ng Daddy niya.

" I'm fine, Dad. What happen?" tanong niya habang pilit inaalala ang nangyari kanina. Hanggang sa biglang pumasok sa isip niya ang pag-amin ni Kit sa pagkatao nito hanggang sa magdilim ang paningin niya.

Napakunot noo siya. Did she actually pass out?

" Hinimatay ka kanina, anak. Pinapunta namin si Dr. Alvarez dito kanina and he said that you are just tired and stressed. Wala ka naman daw sakit. Ano ba'ng nangyari sa labas kanina?"

Suddenly, I'm Inlove COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon