Chapter Thirteen

6.7K 472 64
                                    

PAGKARATING niya sa airport ay kaaagad siyang lumipat sa departure area. Connecting flight siya papuntang Cebu. Nasa departure area naghihintay ang buong team nila.

Kaagad siyang kinawayan ni Feny nang makita siya nito.

" Brielle, here!" narinig niyang sigaw ng dalaga.

Nasa may pangalawang entrance door ang mga ito. Nakaupo sa mga upuan na nakahilera doon. Nilapitan niya ang kaibigan.

" Blooming ah. Ano ng chika?" usisa kaagad nito sa kanya.

" Mamaya na pagdating natin sa hotel." sagot niya sa kaibigan at pagkuway lumapit muna sa manager nilang bakla at bumati rito. Pati na rin sa iba nilang kasamahan.

" Si Liam na lang ang kulang. Nasa'n na ba ang lalake na yun? We need to check in now." sabi ng manager nila.

" Here he is. Ayan na si Liam, Momma." sabi ni Feny nang makita ang binata na tumatakbo palapit sa direksyon nila.

" Hi guys. I'm not late right?" nakangiting bati nito sa kanila.

" Late ka ng one minute! Let's go guys. Check in na tayo." sabi ng manager nila at nagpatiuna na itong lumakad sa pila.

" Hi, Brielle. Hindi mo kasama fiance mo?" tanong ni Liam nang sumabay ito sa kanila ni Feny sa paglalakad.

" He's busy." maikling tugon niya. Sa totoo lang gusto niyang isama ang binata. Kaso natatakot siya na baka kiligin na naman ito kapag nakakita ng mga abs sa photoshoot nila.

Sa Island ang location ng photoshoot nila at mga swimsuits ang ia-advertise nila. Mahirap nang dalhin niya si Kit dito.

Matapos nila mag-check in ay kumain muna silang lahat. Light snack lang since wala silang enough time para kumain ng matagal. Pagkakain nila ay dumiretso sabay-sabay na silang nag-boarding. Katabi niya sina Feny at Liam sa upuan.

Naglagay siya ng headset sa tenga at nagplay ng music. Habang ang dalawa naman ay naglabas ng libro. Makalipas ang ilang oras ay nasa Cebu na sila.
Mula sa airport ay may mini bus na sumundo sa kanila para dalhin sila sa port. Doon sila sumakay sa isang ferry na maghahatid sa kanila sa isang Island resort. Halos isang oras lamang ang byahe by sea at nakadaong na rin sila sa isang white beach resort.

Malaki ang nasabing isla dahil may mga villas at cottages. Sobrang puti ng buhangin at napakalinaw pa ng tubig.

" This Island is a paradise. I can live here forever!" si Feny na kaagad na dumakot ng buhangin.

" How come we never discover this?" sabi niya naman.

" They just open last year." si Liam.

May sumalubong na tatlong lalake sa kanila na nakasuot ng hawaian polo at shorts. Magiliw silang binati ng mga ito.

" Guys, follow them first. Ihahatid nila kayo sa mga assigned cottages ninyo." sabi ng manager nila.

Sinundan nila ang mga staffs para ihatid sila sa kanya-kanyang cottage. Nang maipasok ang mga gamit ay lumabas rin kaagad sila para kumain. Doon sila dinala sa floating cottage restaurant para sa late lunch nila and at the same time meeting for this project.

Habang kumakain sila ay nagdi-discuss ang secretary ng boss nila. Matapos ang maiksing meeting at lunch ay kaagad na nagsitalunan sa tubig ang mga kasama nila. Bukas pa magsisimula ang project kaya may time sila para mag-enjoy ngayong araw.

" Swimming tayo girl." aya ni Feny sa kanya.

Nakahiga siya sa lounging chair na nasa floating restaurant. Napagod siya sa byahe at inaantok pa siya. Gusto na nga niyang bumalik sa cottage niya kaso ayaw niya namang iwan si Feny na mukhang nag-i-enjoy na agad sa view.

Suddenly, I'm Inlove COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon