Rocky's POV:
Sa panahon ngayon alam kong mas uso pang mag selfie (gamit ang camera 360... o di naman kaya ay retrica) kesa magsuot ng pagkahaba-haba at pagkabigat-bigat na wedding gown at maglakad mula sa pintuan ng simbahan papunta sa altar...... kung saan kayo magpapalitan ng iyong minamahal ng mga matatamis na salitang... "I do"
mga salitang magtatali sa inyo sa isa't-isa mula sa oras na binanggit niyo ang mga salitang iyon hanggang sa dulo ng walang hanggan, at walang kamatayang pagsasama at pagmamahalan ninyong dalawa habang buhay.
Hahaha. ang weird talaga ng life. Ako itong hindi na masyadong naniniwala sa kasal kasal na yan...... tapos ako pa itong naglalakad ngayon papuntang altar habang suot-suot ko itong nakakairita na wedding gown na ito. Tsk. -_-
Hindi ko alam kung tinakbo ko na ba ang distansya na mayroon sa pagitan ng pinto at altar..... kasi hindi ko namalayan na nanduon na pala ako sa harapan........ at tinatanong na pala si Rocco ng pari.
Rocco Espiritu do you take Rocky Dela Cruz to be your wife? Do you promise to be true to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and honor her all the days of your life?
"I do"
Pero bago niya sabihin ang mga salitang iyon ay nakita kong medyo sumama ang timpla ng kanyang mukha........... at alam kung kung bibigyan lamang siya ng pagkakataon para icross ang kanyang fingers eh alam kong gagawin niya talaga iyon.Matapos marinig ng pari ang sagot ni Rocco ay ako naman ang kanyang tinanong.
Rocky Dela Cruz, do you take Rocco Espiritu to be your husband? Do you promise to be true to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and honor him all the days of your life?
"I do"
Pagkatapos akong tanungin ni Fr. Santibanez ay marami pa siyang sinabi..... na hindi ko na naintindihan pa......... ngunit pagkatapos nun ay nagpalitan na kami ng singsing.At pagkatapos naman namin magpalitan ng singsing............ ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko..... parang itong naka metro ng taxi....... masyadong nagmamadali.....
"You may now kiss the bride!"
nang marinig ko kung anong sinabi ni Fr. eh mas lalo pang bumilis ang mabilis nang tibok ng aking puso.....
omygulay! ang first kiss ko! T_T
BINABASA MO ANG
Bride for rent.
RomanceRocky Dela Cruz. Rocco Espiritu. Dalawang taong nasa magkabilang bahagi ng barya. Isang mahirap at Isang mayaman; ngunit parehong matindi ang pangangailangan sa pera. Isang araw pinagtagpo sila ng tadhana at upang matugunan ang problema nila sa pera...