Break time
Haist, nasaan ba si Julia. Wala akong kasama. Napaka loner ko naman.
"Hoy!" Jerome
"Ahh!" Sigaw ko, "langya ka.. mabilis akong magulat wag kang ganun."
"Talaga? Hahaha ngayon alam ko na."
"Wag mo kong gugulatin tatadyakan kita."
"Hahahaha.. By the way, bakit mag-isa ka nasan si julia?" Jerome
"Nasa mooooon!" Sarcastic ako😂 "char, ewan. Hinihintay ko nga eh"
"Kawawa ka naman" Jerome
"Haha" (sarcastic laugh) "ang FC mo rin no? "Sino nagsabi sayong close tayo?" Sabi ko
"Bakit bawal ba?" Jerome "Kumain ka na ba? Kain tayo.. sa may food court"
"Ayoko di ako gutom" (gutom talaga ako eh, pero pahard to get lang)
"Talaga? Sige di nalang din muna ko kakain. Hihintayin kong magutom ka para sabay tayo maglunch" Jerome
"Ewan ko sayo! Maglunch ka na nga" (that feeling na pinapaalis ko sya pero i want him to stay emerged kinikilig ako)
"Tara na kasi" Jerome
"Mauna ka na nga"
"Ayoko nga, sige ka papayat ka!" Jerome
"HOY! grabe ka sakin.. alam ko mataba ako perodi ako ganun kataba! Kapal mo ahh.. payatot ka kasi! Mukha kang stick!" Oo sinigaw ko yun kasi nainis na ko😑
"Oh hala sya. Nagalit agad... tara na kasi!" Jerome
"Sigi na sigi na! Sasamahan na kita.. kakain narin ako!! Napaka kulit mo kasi langya ka!" Sabi ko, pero yung tono ng boses ko parang naiinis.
"Yes, haha" Jerome
*sa canteen*
(Wahh omg kasama ko ba talaga sya mag lunch.. yiee omg omg omg)
"Okay, Mara! Libre mo nga ako spaghetti" Jerome
" ha! Ano ka? Chicks? Di kita ililibre"
"Bakit ka naman ganyan sakin? Alam mo kung wala ako dun nagutom ka kakahintay kay Julia! Kung nagutom kapapayat ka. Alam mo nagutom din ako kakahintay at kakapilit sa'yo na kumain na.. tapos di mo ko ililibre?" Jerome
"Hala? Anong drama yan? Pinilit mo lang ba kong kumain para may manlibre sayo!? Ayoko! Bumili ka ng sarili mong pagkain!" Sabi ko sabay smirk like a boss
"Sigi na Mara! One time lang!" Jerome
"Sige.. pero babayaran mo ahh!"
"Oo ba" Jerome
* after lunch *
"You should pay me back!" Sabi ko
"Libre mo na yun! Di ko nababayaran ahh... thanks Mara" Jerome
"Hay nakoooo sige pero di na to mauulit!"
~ sa jeep~
Loner ako sa jeep. Pero ang iniisip ko lang ay tungkol sa lunch ko kanina.. akala ko gusto talaga nya kong makasama, papalibre lang naman pala.
Arrhggg
Nakakainis sya.
Pasalamat sya gwapo sya.
Nakita ko si Jerome nagaabang ng jeep mag-isa
Tapos pinara nya yung Jeep na sinasakyan ko.
Oh sh*t! Ano to? Hallucination?
Sumakay sya tapos tumabi sakin.
"Huy, Jerome!"
"Uy, Hi Mara... Thanks sa libre kanina ahh" Jerome
"Bakit ka nakasakay dito? Diba pa Calumpit ka?"
"Oo nga, ehh ikaw? Bakit ka nandito?" Jerome
"Pauwi na ko"
"Eh paCalumpit to eh" Jerome
"Ha? Manong para po!" Napasigaw ako ng malakas nung sinabi nyang paCalumpit yung nasakyan namin.
Bumaba ako nang walang sinasabing kahit ano kay Jerome. Grabe hiyang hiya ako.. panigurado aasarin nya ko bukas.
BINABASA MO ANG
Revenge
RomanceWhat's the worse that could happen kung gumanti ka sa taong nanakit sayo? Ito ang story kung saan nasaktan ako, at plinano kong gumanti. You would not believe the ending.