Chapter Six

172 8 2
                                    

Natapos ang klase ng araw na iyon....

excited si Erika para sa 'fishball date' nila ni Matt kaya naman dumiretso sya agad sa napag-usapan nilang bench sa campus.

naghintay sya....

naghintay...

naghintay...

almost 3 hours na syang naka-upo doon sa bench na iyon pero walang Matthew na dumating.

Hindi na napigilan pa ni Erika ang mga luha na kanina pa nagsusumigaw sa gilid ng mga mata nya. 

"Ano pa nga ba ang inaasahan ko? I am not that important sa kanya katulad ng inalala ko... kasi naman sya eh!! paasa masyado ...... what if ?? what if hindi ....... sya... mainlove sakin???" bulong nya sa sarili nya.

hindi na nya ininda ang mga taong pinagtitinginan sya... so what?? eh naiinis sya kay Matt eh..

"This was the first time na may nang-indian sakin na lalaki!! at take note, sya pa talaga nag-aya ah!" 

nagmumukha ng baliw si Erika kasi umiiyak na nga kinakausap pa ang sarili.

sa pagkakayuko nya, may isang panyong lumitaw sa harap nya mula sa isang maputing kamay! angel?? xD 

unti-unting tumingala si Erika... at literal na may nakita syang angel sa harap nya.. echoss! mukha lang anghel.... napaka-gwapong anghel.

Sa di malamang dahilan.... natulala ang dalaga sa kagwapuhang taglay ng kaharap nya.

Natauhan na lang sya ng maramdaman ang pagdampi ng panyo sa kanyang mukha.

"Ano bang ginagawa mo?!" hinawi ni Erika yung kamay ng lalaki.

"What? HAHAHAHA! I'm offering you a handkerchief but instead of accepting it, you just stared at me. So i did it for you." medyo slang na pagpapaliwanag ng lalaki. 

Halata sa accent nito na hindi sya normal na tao, ay este hindi sya pilipino .

Hindi naka-imik si Erika.

"so, natulala talaga ako sa lalaking toh?"  bulong nya sa sarili nya.

"It's ok, marami naman na akong na-encounter na ganyan. I am used to it, no need to worry." sabi nya ng may kasama pang matamis na ngiti.

So, marunong pala sya mag-tagalog? kaso... daig pa nya yung taong napukpok ang dila dahil sa pagka-slang nya. 

"I have to go. anyway, thank you na rin." sabi ni Erika.

"You owe me something." 

"WHAT?!" 

"I said, you owe me something"   *killer smile*

"WHAT?! Inutusan ba kitang punasan ang luha ko?! Siraulo ka palang alien ka eh!" muling tumubo ang inis sa dibdib na kanina pa nya iniipon dahil din sa pangi-indian sa kanya ni Matt.

Tinapunan nya lang ng matatalim na tingin ang gwapong nilalang pero isang nilalanggam sa tamis na ngiti lang ang isinagot nito.

Sa inis ni Erika ay tuluyan na syang umalis.

**

Naalimpungatan si Erika sa pagkaka-idlip ng maramdaman ang pagba-vibrate ng phone nya 

Nakalimutan pala nyang tanggalin ito sa pagkaka-silent.

16 missed calls 28 messages from My Matthew 

nag-vibrate ulit yung phone nya pero dahil hindi pa din humuhupa ang inis nya, hindi nya iyon sinagot.

"Matapos mo akong pagmukhaing tanga, tatawg-tawag ka ngayon?? I hate you! i hate you MATT!!" 

*one new message From: My Matthew*

Erika, i'm so sorry. Let me explain, please?

------------------------------

AN//:  sabaw lang ang UD ko xD sorry! may project eh. on the spot po kasi ako mag-UD kaya ganun.  Try ko dagdagan later =3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Modern Cinderello ft. Snow White (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon