Chapter Five

175 7 2
                                    

Tinatamad na pumasok si Matt sa school, as usual na naman kasi ay maaga syang nagising para pagsilbihan ang madrasta at mga 'kapatid' . Mas malala nga lang kanina kasi pinaglinis pa muna sya ng banyo bago pina-alis. oh diba bongga?! 

"Hey! anong oras na oh. Ganitong oras ka ba talaga pumapasok?" sabi ni Erika na hinaharangan sa pinto si Matt.

"Not now, littile girl." hinawi ni Matt ang dalaga para makadaan sya papasok sa classroom.

"I want Chocolate sundae." pilit na hinaharang ni Erika si Matt.

"I said not now!"  napataas ang boses ni Matt dahilan para pagtinginan sila.

dali-daling pumasok si Matt sa classroom nya, samantalang si Erika ay naiwan sa corridor.. tulaley.

"You know what girl? wag ka kasing masyadong papansin!" may tatlong babaeng lumapit sa kanya

"Wag feeling maganda!" sabi nung isa

"Wag kasing malandi." sabi naman nung pangatlo.

"At sino  naman kayo? at ako? malandi?" nabawi nya naman agad ang sarili nya mula sa pagkakatulala dahil sa sigaw ni Matt. 

"Hindi mo kami kilala?" sabi nung pinaka-malandi sa kanila.

"Sa tingin mo magtatanong ako kung kilala ko naman pala kayo?" sagot ko with naguumapaw na katarayan.

"ABA! Pilosopo! Ako lang naman si Candy" sabi nung medyo chubby.

"Ako naman si Cheesie"  sabi nung isa pa.

"At ako si Caramel, kami ang Triple Cs angels, ang tagapag-tanggol ni Prince Matthew" sabi nung nasa gitna. 

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Fans club??!?! HAHAHAHA may fans club ang mokong na yun? HAHAHA" 

"What did you just call our Prince?! you slut!!" sabi nung Caramel daw  (ang tamis ng name! xD enebeyen ) 

"SLUT?!?! hoy ikaw babaitang mukhang tinapa --- "  hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil isang malakas na sampal ang natanggap niya mula kay Caramel.

"What the hell?! how dare you!" sigaw ni Erika.

"How dare you too to call my Prince 'Mokong'! and what did you just call me? thinapha?! " sigaw din ni Caramel "Girls." sa isang salita ni Caramel parang robot na nagsikilusan ang dalawa nyang mga galamay at hinawakan sa magkabilang braso si Erika.

"Bitawan nyo nga ako pwede ba?!" pagpupumiglas ang dalaga.

"Alam mo bang pinaparusahan namin ang sino mang lumapastangan sa aming Prince? at higit sa lahat ang mga taong bastos na katulad mo" sabi ni Caramel habang nakahalukipkip ang mga braso.

"What the hell! Wala akong pakealam sa prince nyo! Just let me go!" 

"Let go your face" sabay batok nung Candy sa kanya.

Ubod ng lakas na inapakan ni Erika ang paa ni Candy dahilan para mabitawan sya nito. Lalayo na sana sya nang hilahin ni Caramel ang buhok nya tsaka siya pinagsasabunutan. Wala na din syang nagawa kundi ang gumanti. 

"STOP IT!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Pero hindi pa din tumigil ang tatlo na kasalukuyang pinagtutulungan si Erika. 

"I SAID STOP IT!" sigaw ni Matt na mas malakas kaysa sa una kaya naagaw na nya ang atensyon ng apat.

"Oh, h-hi M-Matt."  sabi ni Caramel habang inaayos ang buhok nya, with matching pa-cute.

Samantalang si Erika naman ay nakasalampak na sa sahig.

Lumapit si Matt sa mga babae..... lumapit sya kay Erika at kinuha ang kamay nito tsaka hinila paalis.

Walang umiimik...  walang nagsasalita sa kanilang dalawa. 

hanggang sa makarating sila sa likod ng main building. 

"What was that show ?!" sabi ni Matt.

"Ako ba ang nagsimula? HA?!" sagot ni Erika.

"Sana kasi di mo nalang pinatulan" 

"Hindi ko papatulan?!?! Ikaw kayang tawaging SLUT?! tsaka wala ka namang alam eh, ni hindi mo nga ako pinansin kanina, at sa totoo lang dahil naman talaga sayo kung bakit ako inaway ng mga pusit na iyon eh! kaya wag kang magsasalita dyan na para bang alam mo lahat ng nangyari at parang ako yung masama!" hindi na napigilan pa ni Erika ang mga luha nya.

"Hey... okay. I'm sorry. Sorry na, pagod lang talaga ako kanina kaya wala ako sa mood." 

"Sorry your face Manalili !" umiiyak na talaga ng bongga si Erika.

"Sorry na nga eh. Sorry na, Erika."  

Napatingala si Erika mula sa pagkaka-upo sa damuhan. 

"How did you know my name?" 

"Hmmmm.. hinulaan ko??? Bati na tayo?" sabi ni Matt na umupo sa harap ni Erika. 

Napansin nya na may kalmot si Erika sa may pisngi nito.

"Ano ba naman yan, hindi mo iniingatan yang mukha mo." sabi ni Matt at naglabas ng band-aid mula sa bulsa nya.

"Diba gusto mo ng fishball?" 

"hmm." 

"Sige, mamaya After class."  

May something na nararamdaman si Matt towards that girl....  something that is unexplainable. 

nag-ring ang phone ni Erika, 

*text message* 

You're such a good actress. Keep up the good work, remember you only have 1 month. A month to make him fall. 

~~~*

AN//:  Alam nyo bang Erika ang english name ni Kim Taeyeon na bias ni Matthew sa SNSD? At alam nyo din bang walang koneksyon ang title ng story na toh sa lablyf ng ating bida???  HAHAHAHAHAHA! sorry naman xD 

The Modern Cinderello ft. Snow White (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon