Chapter 6: Tease

94 3 0
                                    

Pagkatapos na pagkatapos ng shooting, umuwi ako sa bahay at nakatulala, iniisip yung mga sinabi ko kanina...Hindi ko alam bat lumabas sa bibig ko yung mga salita na yun, wala na akong mukhang ihaharap pag pinalabas na yung interview ko, wala na akong ilalabas na mukha kay Papa Yg a higit sa lahat kay G-Dragon,,wahhhh anong gagawin ko TT

Ilang araw ang lumipas, at dumating na ang araw na kinakatakutan ko huhu ngayon na i aair yung interview ko,wahhh anong gagawin ko neto..sana talaga di nila mapanuod lalong lalo na si GD, nakakahiya..

Hindi ko pinanuod yung interview ko dahil alam kong di ko kakayanin mapanuod yung sarili ko habang sinasabi yung tungkol kay GD. Natulog na lang ako at nagdasal na sana di nila mapanuod yun

Pagising ko pa lang ng umaga, bumungad na sa akin si Bom,.

Me: Good Morning

Bom: Good Morning, may ikwekwento ka ba ?

Me: Huh?Anong ikwekwento ko?

Minzy: Sus, Kunwari ka pa, yung tungkol dun sa interview mo haha

Dodooong!!!

Me: Ah eh, napanuod nyo ba?TT

CL: Oo naman,magkakasama kami nila GD kagabi at sakto napanuod namin lahat, grabe ka Unnie nagulat kame sa sinabi mo dun ah.

(Katapusan ko na, wala na, ayoko na, babalik na ako sa Pilipinas at titira sa isla kung saan walang makakakilala sa akin, huhuhu)

Me: Ah eh, wala lang yun, uhmm anong reaksyon ni...

Bom:Ah ni GD, wala mukhang tanga nangiti lang sya

Me: Ah ganun ba,sige sige maliligo na ako.(sabay karipas sa banyo, ang hirap ma hot seat)

(Wahh eotokke pano na to, need pa naman namin pumunta at mag practice sa YG dahil malapit na YG concert, ayoko na huhuhu TT)

At YG nakakaramdam ako ng matinding kaba at takot pagpasok pa lang sa studio kung saan kame mag prapractice. Gusto ko magtago dahil sa sobrang kahihiyan. 

CL: Tara, kain muna tayo dun sa pantry

Bom: Yehey, sana may mais...woo

Minzy: Mukha ka talagang mais Unnie, magagalit si Hwangssabu nyan, diet ka diba haha

Bom: Shhh!! wag kang maingay, oh dara tara

Sabay sabay kameng pumunta sa pantry ng biglang may naaaninag akong paparating, tila nanlalamig ang buo kong katawan ng napansin si GD papunta sa pantry kasama pa partida si Papa YG. Double Kill ako ya huhuhu

Me: Ah  wait lang may naiwan yata ako sa practice room, kukunin ko lang.

CL: Oh sige, hintayin ka namin dito.

(Dali dali akong pumunta sa studio room, grabe sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nag stay lang ako dun at tinext sila Bom, na hindi ako makakasunod)

Nagulat ako ng pumasok sila Seungri, TOP,Daesung at Taeyang

Seungri: Noona noona bat mag isa ka lang dito?

Me: Nagpapahinga lang ako, teka anong meron may practice din ba kayo dito?

Taeyang : Oo, di mo ba alam need nating magpractice para dun sa Lollipop performance natin.

(Doodoong, Ibig sabihin, wahhh magkikita kame ni Gd, wahh Di ko kaya!!!TT)

Bumukas ang pinto at bumungad sila CL,Bom at Minzy kasama si GD at Papa Yg, nagkatinginan kame sa mata ni GD. at nakita ko sya, nag smirk sya sa akin, hindeeee lagot na...)

Lumapit sa akin si GD, hindi ako makatingin sa kanya as in..nagulat ako ng may sinabi sya sa akin

GD: Dara Noona, baket kailangan mo pang sabihin sa tv na ideal type mo pala ako, dapat sinabi mo na lang sa akin ng personal (sabay smirk at ngiti)

Me: (Napatingin ako sa kanya) Wala lang yun, wag mong masyadong seryosohin yun keke

GD: Wala ng bawian, nasabi mo na alam na ng lahat (smirk ulit) Dapat sinabi mo na lang talaga sa akin, maiintindihan ko naman.

WAhhh nakaka badtrip tong GD na ito, di na ako tinantanan sa asar , ang yabang nya,  Grrr...nagkamali ako mula ngayon di na sya yung ideal type ko!!!!

Secret Love (Daragon inspired)Where stories live. Discover now