Hiding Beauty; Chapter One

1K 24 9
                                    

My name is Nico Marquez. 17 years of age. Oo, panlalaki yung pangalan ko pero babae ako ah. Sadyang gusto lang talaga ng papa ko ng lalaking anak. Kaya ayun. Pagkalabas ko palang, NICO na agad tinawag sakin. Ni hindi manlang tinanong kung lalake ako.

Kung siguro nakakapagsalita nako noon, minura ko na yung tatay ko tapos sinabi kong 'dapak! Dad, Im a girl!'

Pero syempre hindi ko talaga gagawin yun. Kahit ganon yung papa ko, love ko yun.

Mag-isa nalang ako sa buhay. Nag-abroad yung mama ko nung bata palang ako pero hindi na bumalik. Yung Papa ko naman, namatay na nung isang buwan.

Anong ginagawa ko ngayon? Heto, tumatakbo. Bakit? Hinahabol kasi ako ng mga lalaki. Ang sabi nila, ako daw ang dapat na magbayad sa naiwang utang ng papa ko.

"Tigil!" pinahinto ko sila dahil hindi ko na talaga kayang tumakbo.

"Ano, babayaran mo na ba kami?"

"Sige, ganito nalang...maghahanap lang ako ng perang pambayad sa inyo tapos balikan nyo nalang ako bukas."

"Sige. Basta siguraduhin mo lang na hindi ka magtatago. Dahil kahit saan ka pumunta, hahanapin ka parin namin. Naiintindihan mo?!"

"O-Oo." napapalunok kong sabi.

-----+

"Hayysss!!!" sigaw ko pagkapasok sa apartment na tinitirhan ko.

Dali-dali akong umakyat sa kwarto ko at nag-impake.

Oo, tatakas ako. May naisip akong paraan para hindi nila ako mahanap.

Mag-susuot ako ng prosthetics. Yung parang maskara. May kakilala akong magaling sa ganyang mga bagay.

Sana lang hindi talaga nila ako mahanap...

Hays...sana...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hiding BeautyWhere stories live. Discover now