Khalil’s POV
“Khalil tingin ka dito sa camera”.Utos ng photographer.
Kasalukuyan akong nasa isang photoshoot para sa isang sikat na clothing line.
Hindi ko pa pala napapakilala ang sarili ko, Im Khalil Joseph Ramirez, 12 years old. Bata pa ako no? Pero model na ako, eto kasi ang gusto kung gawin kaya sinusuportahan lang ako ni mom and dad, sa totoo nga lang,di ko naman kailangan magtrabaho eh,mayaman naman kami,may company naman ang parents ko,but this is what I want. Dito ako masaya, kahit na minsan nakakapagod na.
“Nice work khalil, sige pahinga ka muna parating na din daw si Sue” sabi ng photographer kaya sinunod ko naman siya.
Si Sue? Siya ang kasama ko sa photoshoot na'to? 11 years old na siya..Sue Anna Dodd ang full name nya...1 year older ako sa kanya,close friends ang parents namin kaya sabay kaming lumaki..Bespren ko sya pero habang lumalaki kami, naiiba yung pagtingin ko sa kanya..parang CRUSH ko na ata sya eh...Teka,dami ko ng kuwento,tama na muna,back to the story muna tayo...
Nasaan na kaya ang babaeng yun? Late na siya eh.. ewan ko ba sa babaeng yan ang kupad-kupad kumilos, pasalamat siya maganda siya. Ehem ehem, hihintayin ko na nga lang siya.
Sue’s POV
Patay! Paniguradong late na ako paano ba naman kase di ako nagising ng maaga,idagdag mo pa ang traffic...Haaay!Baka magalit na naman si Khalil nyan sakin eh... Halos patakbo na ang paglalakad ko sa sobrang pagmamadali, nako po! Sana makaabot pa ako, sayang naman kung di ko maabutan.
Pagdating ko sa set hingal na hingal ako,
“late na ba ako?” tanong ko sa isang staff.
“hindi pa naman miss Sue, bilisan niyo na lang po ang paghahanda para di po kayo mapagalitan”sagot ng staff, tumango nalang ako bilang tugon
Agad-agad naman akong pumasok sa dressing room para maayosan na ako after 10 minutes natapos na rin. Ang ganda ko talaga! Pasensya naman po pinuri ko ang sarili ko, nagsasabi lang po ng katutuhanan. ^_^ Paglabas ko, nakita ko si Khalil na nakatayo sa labas ng pinto, ang gwapo talaga niya lalo na’t may dimples siya. Uggh pinupuri ko na naman si Khalil ,haaaaay pero wag kayo di ko type yan, sabay lang talaga kaming lumaki kaya kilalang-kilala ko na siya, nakakasawa na nga pagmumukha niya eh . JOKE !
“Oh? Ganon ba ko ka-cute at ka-gwapo para mapanganga ka dyan?” kahit kailan talaga feeler din tong lalaking to,pero teka bakit nga ba ako nakanganga sa harap nya??pero eto talaga ha,secret lang natin,ang gwapo nya talaga eh.... di ko na babanggitin sa kanya at baka lumaki pa ang ulo nyan..
“Feeler mo talaga, halika na nga at baka mapagalitan pa tayo” sabi ko sa kanya,nginitian nya lang ako at sumunod na siya sakin
Matapos ang napaka-raming take ng pictures...sa wakas!! natapos na rin kami, nakakapagod man pero masaya pa rin.
“Sue,uuwi ka na?” tanong saakin ni Khalil, ngumiti naman ako sa kanya
“oo eh, gusto ko ng magpahinga,alam mo naman, nakakapagod tsaka may pasok pa sa school bukas” sagot ko naman sa kanya, at nagsimula na din syang kunin ang mga gamit nya..
Pagkatapos nun...
“halika na sabay ka na sakin,nagtxt na si manong,malapit na daw sya,traffic lang daw".pag-anyaya nya....ang bait talaga nitong Bespren ko..simula pagkabata ganyan na siya napakacaring and over protective..
“wag na Khalil salamat nalang, parating na rin kasi si manong para sunduin ako.sabay nalang tayo lumabas sa may gate..sabi ko sa kanya at naglakad na kami palabas sa may gate para antayin ang mga sundo namin.
Pagdating namin doon..after 5 minutes dumating na din si manong driver..kaya nagpaalam na ko kay Khalil..
Khalil,una na ako ha..andyan na si manong..ikamusta mo nalang ako kela Tita and Tito..cge bye na!! Ingat!! sabi ko sa kanya...sumagot naman sya..
Ok,see you tomorrow nalang sa photoshoot!! Ingat ka din! Good night!..sabi nya,ngumiti naman ako bilang tugon sa sinabi nya at sumakay na din ako sa kotse..
Khalil’s POV
Pinanood ko nalang ang pagalis ng car nila Sue..Grabe ang ganda nya talaga,kahit mayaman sya,simple lang at hindi maldita..pero kailan nya kaya ako mapapansin?Yun bang hindi bilang bespren nya...kundi bilang mahal nya..pero mga bata pa naman kami eh,marami pang time para maghintay ako..at studies & career first...Nagulat naman ako ng biglang may tumawag sakin,ang manager ko pala...
“Khalil,Khalil wait!! sigaw nya..
Sumagot naman ako...Bakit po manager?
Uuwi ka na ba? tanong ng manager ko, actually pareho kami ng manager ni Sue. Ang swerte namin sa manager namin kase ang bait nya,kahit ilang beses ng nalelate si Sue iniintindi niya pa rin. at higit sa lahat,ang galing nyang mag-manage samin ni Sue..hindi kami nawawalan ng endorsements...
“Uuwi na po,inaantay ko lang po si manong.Bakit po manager?” sabi ko sa kanya ngumiti na man siya
“You did a great job Khalil!, kayong dalawa ni Sue..masaya lang ako at di kayo sakit sa ulo. Alam mo sa tingin ko dapat na kayong kumuha ng P.A para naman di na kayo mahirapan at isa pa ang bata niyo pa kaya kailangan niyo talaga ng katulong” napaisip naman ako sa sinabi ni manager, siguro nga tama siya
“sige po manager,sasabihin ko po kay Sue pag nagkita na kami” tumango naman si Manager...kaya paalis na dapat ako ngunit pinigil ulit ako ni manager...
Khalil,wait! May sasabihin pa ko...pigil nya ulit sakin..
Ano po yun manager? sagot ko naman..
Uhm,nothing....bukas ko nalang sasabihin sayo pag andito din si Sue...sabi nya..
Ah cge po...bukas nalang po..ba-bye...sabi ko kay manager at umalis na ako dahil dumating na din si manong driver..
Pagdating ko sa bahay,tinanong ko si yaya kung andyan na sila mom and dad,wala pa daw.. kaya kumain nalang ako mag-isa, siguro may meeting na naman sila. Pagkatapos kung kumain, naligo na ako at nagbihis..
Nang makahiga na ko sa aking kama,napaisip ako sa dapat sasabihin ni manager sakin kanina,ngunit ipinagpaliban nya,bukas nalang daw pag kasama ko si Sue..Sa kakaisip ko..di ko namalayan,nakatulog na pala ako..
Sue’s POV
Safe naman akong nakauwi ng bahay, itext ko kaya si Khalil?... Huwag nalang baka nagpapahinga na yon,
Pagpasok ko pa lang sinalubong na ako ni Mommy
“Anak, how was your day?” mommy talaga napakacaring kaya nga love na love namin siya ni daddy
“Okay naman po ma, nakakapagod nga lang” niyakap naman ako ni mommy
“Sige magbihis ka na ng makakain ka na at nang makapagpahinga na rin” ngumiti lang ako kay mama at umakyat narin ako papuntang kwarto ko
Pagkatapos naming kumain ni mommy nagpaalam na akong aakyat na, gusto ko na talagang humiga sa kama. Di ko nalang hihintayin si Dad baka busy pa yon sa mga meetings niya.. nakahiga na ako sa kama...Habang nakahiga,iniisip ko pa din ang nangyari kanina..na natulala ako kay Khalil..super nakakahiya talaga..baka isipin nun,cursh ko sya...pero hindi no,he's not my type at bata pa kami para dun...kakaisip di ko na namalayan dinalaw na ako ng antok.
![](https://img.wattpad.com/cover/11534726-288-k270134.jpg)