A/N:
Sorry sa matagal na di pagu-update guys…sadyang naging busy lang talaga…lalo na ako…kaka-graduate ko lang po ng elementary,masyadong maraming nangyari…
sobrang naging busy sa pag-aayos ng clearance,requirements,sa preparations para sa graduation namin,practices,etc…..basta sobrang naging busy…ewan ko lang si ate Aeizl,siguro naging sobrang busy din…hahaha…
tama na kakasatsat ko dito,eto na yung ud namin….
SUE’s POV
“Taya!” sigaw ni Jason sabay ng pag hawak nya sa may balikat ko..Oo naglalaro kami ng habulan,kahit pangit pakinggan dahil malalaki na kami,hindi na kami yung mga 5 yrs. Old na mga bata na puedeng maghabulan sa park..pero wala eh,nasabik kami,lalo na ako,dahil matagal-tagal narin since nung huli akong nakapunta sa park,dahil na din sa busy schedule ko,sa studies at sa maraming photoshoots na ginawa namin…
grabe ang sarap ng pakiramdam ko ngayon,kc favorite place ko ang park,feeling ko sobrang nakaka-relax,nakakawala ng pagod…dati kasi dito ako madalas nagpupunta pag gusto kong mag-relax pero bakit parang iba yung saya ko ngayon??iba din yung pakiramdam ko eh,different sa nararamdaman ko dati pag kami lang ni Khalil ang nagpupunta dito…dahil ba to kay Jason??
Feeling ko ang gaan-gaan ng pakiramdam ko pag kasama ko sya,feeling ko lagi akong safe pag kasama ko sya…Crush ko ba sya??? Ahhh!!! Tama na Sue!! Kung ano-ano iniisip mo eh…Di mo crush si Jason!! Sadyang mabait lang sya kaya magaan ang pakiramdam mo sa kanya…tama na..bata pa kayo…
“Boo!!!!”panggugulat ni Jason..nagulat naman ako,di ko napansin kanina pa pala ako nakatulala,naglalaro ang mga bagay na yun sa utak ko..mga bagay tungkol kay Jason…
“Bakit?” sagot ko naman kay Jason..
“May problema ba?” tanong nya
“Ah wala,may naisip lang ako.”
“Ano yun?” tanong ulit nya,pero bago pa ako may masagot,naalala ko nga pala na ako ang taya sa habulan naming kaya bigla ko syang hinawakan sa may braso tsaka sinabing
“Taya!!!” at agad naman akong tumakbo papalayo sa kanya para di nya ako mahabol agad…nakita ko namang napangiti sya kaya nagsimula na din syang tumakbo para habulin ako..
Hanggang ngayon di nya pa din ako nahahabol,medyo napapagod na ako..Pero nagulat ako ng biglang sumigaw si Khalil at tinawag ako, “Sue!”,kaya huminto ako at lumingon sa kanya..sabay sabing
“Ano yun?” tanong ko…bakit parang ang sad ng face nya??di ba sya nage-enjoy??dba gusto nya din lagging pumupunta dito? Nare-relax din daw sya,pero bakit ngayon parang iba yung mood nya??hay nako..tama na nga kakaisip ko…
“I’ll go ahead,pagod na ako” malungkot nyang sabi..parang iba talaga sya ngayon,medyo cold sya sakin,kanina pa…hhmm..never mind baka talagang pagod lang sya,kaya ganyan sya,hayaan ko nalang syang umuwi at magpahinga..
“Ah ganun ba,cge bye,ingat!” yun nalang ang sinagot ko sa kanya,di ko alam kung anong sasabihin ko eh..nakita kong tumayo na sya at naglakad papunta sa taxi,kitang kita ko sa mukha nya na malungkot sya,bakit kaya??ano bang problema nya??di naman sya ganyan dati ah,pag may problema naman sya sinasabi nya agad sakin,kaya nga bestfriends kami eh..parang nag-iba yung pakikitungo nya sakin..talagang cold sya sakin ngayon..
Nagulat naman ako bigla nung may humaplos sa likod ko si Jason pala,at sinabi nyang “TAYA!” ,ay oo nga pala naghahabulan pa kami ni Jason,bukas ko nalang iisipi ang tungkol kay Khalil,kakausapin ko nalang sya bukas…At dahil dun,tumakbo na din ako para mahabol ko si Jason..ang hirap nyang habulin sobra!!
Ang bilis nya kasing tumakbo eh,para syang snatcher,hahaha…joke lang…habang hinahabol ko pa din sya,bigla akong nakaramdam ng pagod,medyo naninikip ang dibdib ko kaya bigla akong tumigil,pinipilit kong habulin ang hininga ko pero hirap ako…kaya tumakbo papalapit sa akin si Jason..
“Ok ka lang ba??May masakit ba sayo?” nag-aalala nyang tanong
“Ok lang ako,medyo…” di ko na natuloy ang sasabihin ko,bigla nalang akong nanghina,naramdaman ko nalang na bigla akong natumba,pagkatapos nun di ko na alam ang nangyari….
*
SHORT UPDATE LANG PO !
BABAWI KAMI SA NEXT CHAPTER :)
TSAKA SUSUBUKAN PO NAMING ARAW-ARAWIN ANG PAG-UUPDATE PARA MAKABAWI :)
SANA MAG VOTE AT MAG COMMENT KAYO :)
![](https://img.wattpad.com/cover/11534726-288-k270134.jpg)