Jason’s POV
“Sue!” sambit ko habang binubuhat sya patayo dahil nahimatay sya..Anong nangyari sa kanya???Nag-aalala na ako!! Kailangan syang madala sa ospital…
“Kuya Benjo,tulungan mo ako,dalhin natin si Sue sa ospital!!”sigaw ko sa driver ko dahil medyo malayo din sya sa amin,andun kc sya nakasandal sa may pinto ng kotse ko…Tumakbo naman sya papalapit sa amin…at tinulungan nya akong buhatin si Sue…Kumaripas ako ng takbo para mabuksan ang pinto ng kotse..pagkasakay naming ay agad kaming nagtungo sa pinakamalapit na ospital…
Pagdating namin sa ospital agad namang dinala sa emergency room si Sue at dun sya chineck ng doctor..
Sobra na akong nag-aalala kay Sue…nakuha ko naman agad ang phone ni Sue sa purse nya…Agad kong hinanap ang number ng parents nya..Buti naman at naka-speed dial ito kaya agad ko silang kinontak….Saglit lang ay sumagot na ang mommy nya…
“Hello,baby where are you?Medyo late na ah..” yun ang bungad ng mommy ni Sue…kinakabahan naman ako,di ko alam kung saan ako magsisimula..Nagbuntong hininga nalang ako at sumagot na
“Hello po,si Jason po ito, kaibigan po ako ni Sue..kailangan nyo pong pumunta dito sa St.Luke’s General Hospital,bigla nalang pos yang hinimatay!!!..” nag-aalala kong sabi
“O cge iho,antayin nyo ako dyan!!”nag-aalala at umiiyak na sabi ng mommy ni Sue…halatang halata sa boses ng mommy nya ang pag-aalala….
Agad akong bumalik sa may emergency room dahil tinawag na ako ni kuya Benjo,andun na daw ang doctor…Nagmadali akong tumakbo para malaman na ang kalagayan ni Sue…
Nang makarating na ako,naabutan ko ang doctor, agad nya namang bungad sa akin
“Ijo,kaano-ano mo ang pasyente?” malumanay na tanong ng doctor..
“Kaibigan niya po ako.” Sabi ko naman
“Maaari mo na bang tawagan ang mga magulang nya o kung sino mang kamag-anak nya?” sagot naman ng doctor
“Natawagan ko nap o ang mommy nya…Ano po bang problema??!!! Ano pong nangyari kay Sue?” nag-aalala kong tanong
Di pa nakakasagot ang doctor,meron namang paparating na tumatakbo papalapit sa amin,sa tingin ko ay yun na ang mga magulang ni Sue…
“Doc,DOC!!! Kamusta na ho ang anak namin?” nag-aalalang sabi ng daddy ni Sue
Medyo matagal bago sumagot ang doctor,kaya medyo pasigaw na nagsalita ang mommy ni Sue..
“DOC! KUMUSTA NA PO SIYA, SUMAGOT NAMAN PO KAYO!!”
“May itatanong ho sana ako?” sabi ng doctor..nakatitig lang ang mga magulang ni Sue pati na din ako…
“May history ho ba ang pasyente sa isang sakit?” tanong ng doctor…
“Nagka- Cardiovascular Disease po sya noong 4 yrs. Old palang sya..”sabi ng daddy ni Sue..medyo masama ang mukha ng doctor…mukhang malaki talaga ang problema.
“Pero doc,matagal na yun..Napagamot na naming sya sa ibang bansa dati ! Kaya imposibleng bumalik iyon!!” sigaw ng mommy ni Sue..
“Posible ho maaring hindi naging sapat ang naging operasyon noon. May mga kaso talaga na bumabalik o di naman kaya di pa talga lubusang magaling” Sabi ng doctor..