Chapter 8

49 3 0
                                    

PAGNE's POV

Nasa Pampanga na kami ngayon. Angeles City to be exact. Medyo mahaba-habang panahon din kaming magsstay dito.

Sinong kasama ko?

Si Zander. >______________<

At si Jiro. ^_____________^

Ewan ko ba kung bakit pati si Jiro kasama pero okay na yon kesa naman kaming dalawa lang ni Zander, e ang isip bata non. Baka imbes na matapos naming ang mission sa isang buwan, umabot pa kami ng isang taon dahil sa pag-aaway. Reklamador yun eh!

Pansamantala kaming titira sa isang pinauupahang bahay dito sa Angeles City. Maliit lang yung bahay. Isa lang yung kwarto pero nakahati sya sa dalawa. May harang na plywood ata yon. Basta may nakaharang. Sobrang liit naman ng space sa isa kaya dun nalang sila nag-set up ng mga monitors na gagamitin namin. Sila lang gumawa, tinatamad ako eh. ^_________^ Yung sa kabila naman may malaking kama at isang sofa bed sa kabilang side. Dalawa naman yung bathroom. Isa malapit sa kusina at isa dito sa kwarto.

Yung mission namin? Kumuha ng maraming ebidensya mag-amang Mayor at Congressman ng Pampanga. Mayor Carlos Agustin is into Human trafficking while his father Congressman Carlito Agustin is the head of the syndicate who sell drugs. Partner namin sa kasong ito ang PDEA at CIDG Pampanga. Ilang beses na kasi nilang nahuhuli ang mga bata ng mag-amang ito pero lumalabas din agad dahil sa kakulangan ng ebidensya. Natatakot na rin ang PDEA na banggain ang mag-ama dahil hawak ni Mayor Carlos ang nag-iisang anak ni PDEA head Pablo Suarez.

Minamanmanan namin ngayon ang mga alagad ni Carlito. Mahusay sila. Hindi mo iisipin na sindikato sila dahil hindi sila nakatira sa isang mansyon. They're not the typical syndicate. Kung hindi lang namin nacheck yung mga background nila, iisipin kong isa lang silang dakilang mamamayan sa lugar na ito. Pero pagsapit daw ng gabi naglalabasan ang mga sungay ng mga ito. Talamak ang drugs dito, kahit sa mga eskinita lang nakakapagdrugs sila. Hindi naman makapagsumbong ang mga kapit-bahay nila. Haaaay!

Dahil tanghali pa lang wala pang tao sa daan. Naglagay kami-- I mean, sila ng microphone and camera sa paligid ng bahay. Semi squatter kasi ang lugar na 'to. Dikit-dikit lang ang mga bahay, walang pagitan pero maaayos naman.

At dahil wala akong ginagawa kaya inaantok ako ngayon ... Haaaay! Ang boring kaya. -_____-  Si Zander natutulog na ata. Si Jiro naman busy sa laptop nya. Makatulog na nga lang.

"Ji, tulog muna ako, huh?" Untag ko sa kanya.

"Okay." Sabi nya. Hindi man lang lumingon. -________- Bahala ka nga dyan!

Pumasok ako sa kwarto. Nakita kong nakahiga si Zander. Inaayos ko ang pagkakahiga nya para magkasya kami ng magsalita si Jiro.

" Tatabi ka sa kanya?" Tanong nya. Nakakunot na naman ang noo nya.

"Malamang! Ano gusto mo pumatong ako sa kanya?" Para kasing baliw! -_______-

"Tss." Tinapik nya si Zander at inalog-alog. "Hoy! Tumayo ka dyan!"

"Hey! Natutulog yung tao! bakit mo ginigising?" Inalog-aog nya parin si Zander. Yan nagising tuloy! -_____-

"Oh, bakit bro?" Tanong ni Zander. Papungas-pungas syang umupo.

"Lipat ka sa sofa, matutulog si Pagne." O______O Seryoso? Ginising nya si Zander dahil lang matutulog ako? Abnormal talaga 'to! Nakakahiya tuloy kay Zander. O////O

STAR: Lion's Eye Unit (RP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon