Chapter 9

32 3 0
                                    

PAGNE's POV

"Ready?" tanong sakin ni Jiro. Tumingin ako sa kanya habang inaayos ang buhok ko. Kailangan naming makipagsocialize sa mga tao dito. We need a lot of proof. At kailangan naming malaman kung paano ang kalakaran nila dito. Kung paano sila nakakapagbenta ng droga at kung saan nila nakukuha ito.

"Kailangan ba talagang ikaw?"nakaismid kong tanong sa kanya. We'll pretend as a couple at kasalukuyang akong nasa stage ng paglilihi. >___________________< And it's all because of Zander. May nagtitinda kasi sa labas ng Balot, barbeque at kung ano-ano pang streetfoods, at yun daw ang pinakamagandang dahilan para hindi sila maghinala kung mag-sstay ako sa labas.

"What's wrong with that? We'll pretend lang naman kapag nasa labas! Wag mong gawing big deal!" galit na naman si Jiro sungit! Pwede naman kasing si Zander na lang. -________- Ay wag na pala! Adik yun eh.

Hindi ko na lang sya pinansin. Kumuha ako ng camera at nilagay sa collar ng jacket ko. Maliit na ribbon lang ito kaya mukha lang syang design sa jacket ko. Kumuha din ako ng Magic mole sa kit ko. It will serve as my earphone para marinig ko ang mga instructions ni Zander. He'll stay sa bahay para magbantay sa mga monitor. Sya rin ang magiging eyes ko. May microphone naman sa eyeglasses and watch ko. Yan! I'm all set na.

'I'm ready." Sabi ko sa kanila. Pumwesto na si Zander sa harap ng mga monitor. Si Jiro naman nakatingin lang sakin at huminga ng malalim.

"It's just for a week, Pagne." Sabi ni Jiro sakin. Napansin siguro nyang labag sa loob ko ang pagpapanggap namin. Eh kasi naman! Mag-Ex kame! For effin sake! Nakakailang din ahh!

"Yeah, yeah. Tara na." humawak ako sa braso nya at lumabas na kami ng bahay.

------

Paglabas namin agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Nandito nga ang mga target namin at kasalukuyan silang nakatingin samin. Lumapit kami sa nagtitinda ng streetfoods. Nasa mid 40's na ito.

"Be careful guys, nagtatanong na sila sa isa't-isa about sa inyo."

"Nanung kekayu, malago?" napakunot noo kaming dalawa ni Jiro. Napansin siguro yon ng tindera kaya nagtanong ulit sya using tagalog.

"Ohh. Hindi kayo nakakaintindi ng kapampangan?" tanong ni ateng tindera.

"Ako po nakakaintindi at nakakapagsalita ng kapampangan, siya po hindi." Turo ko kay Jiro. "Taga Maynila po kasi sya." pagpapatuloy ko.

"Ahh. Oh mekeni lukluk kayu." (Oh dito upo kayo) Alok samin ni Ate. Umupo naman kami ni Jiro. Napansin kong nakatingin parin samin yung mga tao sa daan.

"Oh nanu ing kekayu?" (Oh ano ang sa inyo?) tanong ulit ni ate. "Balut pu ing kanaku." (Balot po ang sakin) Inabutan nya ako ng balot. "Oh ing keng abe mu?" (Oh yung sa kasama mo?) tanong nya kung ano ang gusto ni Jiro.

"Hon ano daw sayo?" tanong ko kay Jiro. Napansin kong namula sya at medyo napapangiti. Pasimpleng nagtatanong na tumingin ako sa kanya. Umiling lang ang peste! -____-

"Balot na lang din HON" sagot nya sa tanong ko emphasizing HON. I heard Zander chuckle from my earphone. And it's now my turn to blush because I realized na ako ang naunang tumawag na hon. It was our endearment when we are still together!

"Miyasawa kayu ba?" (Mag-asawa ba kayo?) tanong ulit ni ate. Napansin kong matanong sya.

"Opu" (Opo) magalang na sagot ko. Tumingin ulit ako sa paligid, hindi na nakatingin samin yung mga tao.

STAR: Lion's Eye Unit (RP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon