Xander's POV
After lunchbreak sabay sabay na kaming pumunta sa room. Late yung teacher namin kaya kinuha ko yung phone ko at pinlug ang earphones ko at nagpatugtog ng slow beat songs. napatingin ako kay Elli, ang amo ng mukha niya, nagbabasa siya ng isang module I think History yun. Matalino din naman siya, maloko nga lang. Since Grade 2 kaklase ko na siya, pero grade 4 ko lang sya nakaclose dahil naging kapartner ko sya sa isang project. Dumating yung teacher namin at nagkaroon ng announement tungkol sa Graduation namin. Sa susunod na linggo na yun. After ng class namin niligpit ko na ang gamit ko at dumiretso kay Elli.
"Hey Elli, Anong balak natin nyan?' bungad ko sakanya.
"Hmmm. Ewan eh, Tanungin nalang natin yung dalawa." Sagot niya. Tumango ako at sabay na naming hinanap yung dalawa,nagcutting kasi sila. At ng malapit na kami sa gate nakita nami silang kumakaway.
"San kayo galing?"bungad ni Elli sakanila.
"Secret bestfriend" patawang sabi ni Gi. Inirapan lang siya ni Elli.
"San tayo?" Tanong ko sakanila.
"Magmilktea nalang tayo." Ani ni Gi. Tumango kami at naglakad papunta. Malapit lang naman yun dito.Pagdating namin dun di gaanong marami ang tao umupo kami malapit sa may counter. Nagprisinta si Elli na siya na ang magoorder. Pagbalik nya binigay nya na ang mga orders namin at damn napatitig nanaman ako saknya. Di ko dapat to nararamdaman. Parang nagslow motion ang lahat pag tinitignan ko siya. Nagulat ako nung makita ko siyang nakatitig sakin. umiwas agad ako at ininum ang milktea ko. May dalang Scrabble si Gi at sakto apat kaming naglaro. Biglang may tumawag kay Elli.
"Wait lang guys, tumatawag si mama." pagpapaalam nya. Tumango nalang kami.
"Guys pinapauwi nako ni mama. Mauna nako. Kayo ba?" Aniya.
"Ganon ba? Uuwi narin ako baka hinahanap narin ako ni mom" Sabi ni Allen.
"Sge sabay nako sainyo" Ani ni Gi.
"Ikaw Xander san ka nyan?" Tanong ni Elli.
"Ahmm. Magstay na muna ako dito" sagot ko sakanya habang nakangiti.
"Osge, so mauna na kami ah. See you tomorrow " Pagpapaalam nya.
"Bye xander" pagpapaalam ng dalawa at tinguan ko nalang sila.
Napaisip nanaman ako tungkol sa nararamdaman ko kay Elli. Di pwede to. Maraming dahilan na nagsasabi na hindi pwede. Una sa lahat ay ang pagiging boyish nya, baka pagtawanan nya lang ako pag sinabi ko saknya ang tungkol dito. Pangalawa naman ay yung friendship namin na kinakatakutan kong masira. Third ay maggagraduate nakami at bihira nalang kami magkita nun. Kaya naisip ko rin na lilipas din to. After 1 hour umuwi narin ako.
Paguwi ko ay dumiretso ako sa kwarto at natulog na. Kakalimutan ko na lang tong nararamdaman ko dahl hindi pwede...
-----------
Author's note.
Im here again. Please suggest or react about my story. Please tell me if ill continue this or just delete it. Thankyou guys. Loveyou all always Mwa :*