Xander's POV.
Tatlong araw na ang nakakaraan simula nung araw na pinanindigan ulit namin ni Carter ang pustahan namin. At simula non di pa kami nagkita ni Elli dahil sinama ako nila Mama at Papa sa Baler para magbakasyon. Mamayang hapon na ang uwi namin. Nakapamasyal na kami dito pero diko maenjoy yun dahil di mawala si Elli sa isip ko na kasama si Carter, Damn. Buti nalang talaga at makakauwi nakami mamaya.
After ng 5 hours na byahe, dumiretso kami sa bahay para makapagpahinga. Naisipan ko munang matulog at pumunta mamaya kila Elli. Binilhan ko siya ng shirt at key chain na may Baler at pangalan niya.
*******
Carter's POV.
Nasa isang hotel kami ni papa ngayon dahil may gig sila ng banda nila ng papa ni Elli. Sinama ako ni papa para may katulong siyang magbhat ng gamit at para daw maexpose na ako sa music industry. Ilang sandali pa dumating na ang papa ni Elli. Pinuntahan ko ito at tinulungan sa mga dala niyang gamit.
"Naku salamat ijo." Pagpapasalamat nito.
"Walang anuman po tito Elias"
"Nasan ang papa mo? Sino ng nandyan bukod sa amin?" pagtatanong niya
"Si Tito Marlon at Tito Eric po " sabi ko.
"ah ganun ba. Si Loren nalang pala ang wala, mga babae talaga." Aniya ng may pailing iling pa
Ngumiti nalang ako at hinatid siya sa table nila. tinulngan ko sila magset up.
"Tulungan na kita" napatalon ako sa boses ng babae. Si Elli yun di ako nagkakamali.lumingon ako at siya nga.
"E-elli?" baka nananaginip lang ako.
"Hi"aniya. So nandito nga siya.
"Buti nandito ka?"gulat parin ako.
"Ahm, sinama ako ni papa. Hehe, tsaka gusto ko na din makita pano ang mundo ng banda." aniya. nakakatuwa naman iyon.
"Tama yan. Susuportahan kita diyan." Nagthumbs up pako sakanya. Natawa nalang siya
"So? iset up na natin to."
Oo nga pala. Nakalimutan ko na nagsesetup ako.
Tinulungan ako ni Elli na magset up ng mga mic's, stands, wires at iba pa. Ng matapos kami magset up nagpaalam ako sakanya para ikuha siya nng maiinom. Ng pabalik nako nakita ko si Elli sa mesa na nakareserve para sa banda.
"Elli oh. Inum ka muna, baka napagod ka eh." patawa kong sabi
"Salamat"aniya ng nakangiti
"Ahm, By the way Elli. May tanong ako."
"ano yun?''
"Ahm, tomboy kaba?"Curious talaga ako
"Ano ba yang tanong mo. Di noh, di lang talaga ako girly girly gaya ng ibang babae" patawa niyang sabi
"Ah ganun ba, sorry curious lang hehehe"
Ilang sandali pa nagstart na ang banda. tinugtug nila yung one thing.(song above)
Nasa table kami sa harap ngayon. katabi ko si Elli. Nakikinig lang siya at sinasabayan ang beat ng pagtango tango. Kahit sideview lang ang ganda niya parin, at ang cool niyang tignan sa suot niyang camouflage shirt, jeans at white kicks niya. Siya ang nagpapatunay na Simplicity is beauty.
Simula ng nakilala ko si Elli, palagi ko na siyang naiisip. Natuto din ako magstalk dahil sakanya. Oo stalker niya ako. Nalaman ko na may 4 siyang kapatid 3 lalaki at 1 babae. At ikinasaya ko sa lahat ay ng malaman ko na kabanda ni papa ang papa niya. Small world sabi nga nila. Pati ang mga hobby niya ay inalam ko din. Alam ko din na may gusto siya kay Gian, kaya pati si Gi ay inistalk ko din. Nakilala ni Elli si Gi dahil kay Xander, magbabarkada sila ngayon. Di ko naman maikakaila na magandang lalaki si Gi, Matipunong katawan, katamtaman ang tangkad, singkit, matangos ang ilong, may manipis na labi at kulay kayumanggi. Pero mukhang kaibigan o kapatid lang ang turing ni Gi kay Elli.
"EARTH ON CARTER!!" sigaw ni elli habang kinakaway ang kamay niya sa mukha ko.
"Ay sorry hehehe. May iniisip lang ako" napakamot pa ako ng ulo.
"May problema ka ba? Ang lalim niyang iniisip mo eh" Tanong niya. Uyyy concern siyaaa. Kinikilig ako. Ang gay ko na Solid. Napangiti naman ako
"Wala noh, ano ka ba. Basta kasama kita okay na okay ako" Nag thumbs up pa ako.
"Sira ulo"Natawa siya.
"Sira ulo sayo"kinindatan ko siya. Namula siya hahaha. Kinikilig siyaaa.
"Hay nakoo Carter dont me."inisnab niya pa ako. Ang cute talaga niyaa. Nakakapanghina ang mga ekspresyon na ginagawa niya.
After ng 3 sets natapos na ang gig. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga hobby, hates, likes etc.. namin sa buhay. Pagkatapos namin nagligpit ay nagpaalam na kami sa isat isa. Binigay ko din kay Elli ang number ko para kahit paano ay may communication kami. Hehe.