...
"So boyfriend mo pala si Xander." He chuckled. Hay nakooo.
"Hindi noh. Were just friends, tsaka wala pa sa isip ko yang magkajowa. Marami pa akong kailangan iprioritize bukod sa love na yan." Sabi ko ng may pataastaas pa ng kilay.
"Napakamature naman ng isip mo. Why dont you just enjoy. Life is short Elli." Sabi niya ng seryoso.
"Hahaha. Hay nako. I dont know. Pero wala talaga akong interes." Tumawa lang siya.
"Ikaw bahala. Baka tumanda kang dalaga niyan, sayang naman yang ganda mo" Kumindat pa siya. Nagjojoke ba siya? Hahaha.
"Sira. Ako maganda? baka pogi? hahaha. Nice joke" patawa kong sabi
"Di nako makikipagtalo pa sayo. Alam ko namang di ako mananalo. Hahaha. Pero seryoso yun. Youre beautiful." Ngumiti siya sakin. Umiling nalang ako.
"Elli!" tawag ni kuya mula sa malayo habang kumakaway. Nakoo patay ako nito, mukhang mahaba habang sermunan ang magaganap mamaya. Napatingin si Carter kay kuya.
"Ahmmm. I think I need to go" Aniya at tinapik ang balikat ko. "Congrats ulit" pahabol pa niya. Tumango nalang ako.
Nilapitan ko si Kuya at Mama. Ninerbyos tuloy ako. Ito kasing Xander na to binigyan pa ako ng problema.
"Hoy Ellison Jeanne Enriquez, bakit di mo sinabi sakin na may boyfriend ka ha? Ang bata mo pa para diyan at-"
"Kuya di kami ni Xander, actually ni-reject ko nga siya eh kasi alam ko naman na bata pa ako at dapat mas priority ang studies. Kaya you don't have to worry." pagpuputol ko sa sermon niya.
"Sinabi ko bang si Xander?" Tumaas ang kilay niya.
"Huh? Eh sino?tanong ko.
"Yung kasama mo kanina bago ako dumating yung tumapik pa ng balikat mo" Hala siya napapraning na ang kuya ko.
"Kuya he is just a friend wala pa ngang 1 week nung nakilala KO siya eh. Ang OA mo masyado!" Pagpapaliwanag KO.
"Okay sige. Siguraduhin mo yan. I trust you" Anita at mukhang kumbinsido naman.
Lumabaa nakami ng school at dumiretso sa parking kung swan naghihintay si papa.
"Congrats Elli" bati ni papa.
"Thanks pa" sagot ko
"Diretso na tayo sa bahay at may thanksgiving party doon" ani papa
After 20mins Ay nakauwi nakami at may tarpaulin pa na. Congratulations Ellison! Sweet naman hahaha. Dumiretso kami ng dining at may mga bisita na doon. Inimbita ni papa ang mga kabanda niya, si mama Ay yung mga ninang at ninong KO. Nandito din ang iba naming relatives.
"Elli! Halika dito!" Tawag niya sakin kasama ang kaniyang mga kabanda. Lumapit ako at nagulat ako ng nakita KO si Carter. Nakatingin lang ako sakanya at nagulat ako ng tumingin din siya sakin at mukhang gulat din. Nagiwas ako at tinignan KO nalang si papa.
"Congrats ija"ani ng lalaki na katabi ni Carter at may inabot siyang regalo.
"Thankyou po" at inabot yun.
"Elli si tito Carson mo nga pala, ang Guitarist ng banda namin at ang anak nya si Carter, at sa school mo din siya nagaaral. Nagkita naba kayo dun?" sabi ni papa.
"Opo tito, palagi ko pong nakikita si Elli pero di niya ko kilala. Nakilala ko lang po siya nng nagdry run kami para sa Graduation namin" sagot ni Carter na dapat ako ang sasagot.
"Ahh. So close ba kayo?" tanong ni papa sakin.
"Di masyado pa but were friends"sabi ko ng nakangiti.
"By the way may instrument ka bang tinutugtog Carter?" tanong ni papa.
"Nagpapiano po ako and singer at the same time" Sagot niya ng may ngiting aso.
"Talaga? Great! pwede kayong gumawa ng banda nitong si Elli. Marunong siyang mag acoustic and electric guitar." aniya
"Pa diba wala akong interest sa pagbabanda. Nageenjoy lang akong tumugtog bilang libangan at di isang profesion" sabi ko sakanya.
"Awww. Sayang naman Elli. Akala ko may kasama akong gagawa ng banda sa Fatima. Huhu" What?! pareho kami ng school?
"Fatima ka din?" tanong ko sakanya.
"oo. mukhang palagi na tayong magkasama niyan hehe" sagot niya.
"Ohh ayun naman pala Elli. Just try" Kinindatan ako ni papa. "Pwede mo ba kaming ikuha ng soda?" tumango ako at tumalikod sa kanila para kumuha ng soda
"Samahan na kita elli" pahabol ni Carter. Tumango nalang ako.
"Pwedeng magtanong?" aniya
"Nagtatanong ka na kaya" Sarkastiko kong sabi sakanya.
"Grabe ang sungit naman neto" Nagpout pa siya. Ang cute niya. Huh?! cute? Di noh.
"Ano ba yung itatanong mo?"
"Ahm. Bakit ayaw mo magbanda?"
"I dont want to be exposed. Ayoko maging fame. I dont like attention. I just want to live in a simple way."
"Ohh. Pano naman yang pasion mo sa music? ipagpapaliban mo nalang? " aniya
"Hmmmm." Naghum nalang ako as a yes.
"Awww. okay sayang naman."
"Tara dalhin na natin to doon" Sabi ko sakanya. Tumango siya at ngumiti ng pilit. nakakatawa talaga to.
Diko alam pero parang biglaang gusto kong itry magbanda. Pagiisipan ko nalang to.
*********************
Carter's POV
"Tara dalhin na natin to doon" ani Elli.
Sayang naman yung talent niya kung di niya ipapakita. Pano ko kaya siya mapipilit? Gusto ko siyang makasama. Grade 3 palang ako nakikita ko na si Elli, Nung time na yun di nya kasama palagi ang the big three. she's always alone nagbabasa ng mga books nya pag breaktime at sinusundo ng kuya niya at minsan ng papa niya. Crush ko na siya nun. Ang ganda niya kasi tapos ang astig pa. D siya marunong magpatalo. Simula nung nag gr.4 kami dun niya na nakasama si Xander, Si Xander ay bestfriend ko nung nasa gr 1-3 pa kami, kaso nagaway kami. Ang pinag awayan namin ay tungkol kay Elli kasi crush niya din pala si Elli. At dahil mga bata pa kami nun we made a bet na kung sino ang makakuha kay Elli siya ang panalo. After nun we dont talk to each other anymore at dun niya na nakalose sina Gian at Allen. Never ko nging kaklase si Elli. Sayang noh. Hahaha. Pero kahit ganon palagi ko parin siyang sinusundan mala stalker ba. haha. kaya laking tuwa ko ng nalaman ko na kabanda pala ni papa ang papa ni Elli.
"EARTH ON CARTER!!" sigaw ni Elli sa harap ko. Napre occupied ako hahaha.
"Ay sorry hehe. may naisip lang ako bgla" Sagot ko.
"Nako nakoo. Tara na nga." aniya.
After namin nabigay yung mga soda, sinabihan ng papa ni Elli si Elli na ipakita sakin ang music room nila. tumango nalamg siya.