[3] - Hoy!

45 2 0
                                    

Chapter

Muntik na akong madulas sa sahig. Letse naman oh. Ba't ba basa ang sahig dito sa boy's locker.

Buti wala pang mga students dito kasi baka mapatay naman ako dito kapag nahuli ako ulit.

Agad agad akong pumunta sa locker niya tsaka ipinasok ang love letter na ginawa ko kagabi sa may space para malagay ko sa loob ng locker niya.

Ng nakalabas ako sa locker ng mga lalaki ay pumunta ako sa rooftop.

"Musta ang daily routine mo Klari?" tanong ng bestfriend ko.

"Okay lang naman pero kainis dahil muntik akong madulas" Sagot ko sa kanya.

Dahil sa bilis ng minuto ay muntik naming hindi napansin na nag bell na kaya pumunta na kami sa room namin.

Sad lang kasi di kami magkaklase ng taong mahal ko.

"I LOVE YOU JAXON ACE SY" wala akong pake kahit marinig ako ng mga kaklase at mga teachers ko

Normal na ito para sa kanila. Everybody knows na may gusto ako kay Jaxon ever since nung nag confess ako sa kanya.

***

Naguusap lang kaming magkaibigan, yung iba naman busy sa kanilang mga cellphone.

"Oy! Basta ngayong sabado ah! Blessing ng bahay namin" sabi ko sa kanila.

"Yes! Pupunta talaga kami!" sagot ni Xy.

May kumatok sa pintuan saka pumasok.

Lumaki yung mata ko "Is Aila Klarisse here?" agad akong tumayo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko

Itinaas niya yung kanang kamay niya. Hala! Sulat ko yun ah!

Naglakad siya patungo sa akin. Napangiti ako. Ito na ba yun?

Naging maingay ang mga kaklase ko.

Ibinigay niya sa akin ang letter na ibinigay ko sa kanya. May sinulat ba siyang reply dito?

"May gusto ka din ba sa akin?" masigla kong tanong ko sa kanya.

"Wrong spelling. Wrong grammar. Wrong spacing. Too many mistakes." Yumuko lang ako sa sinabi niya. Naglalakad siya palabas pero huminto siya.

Napatingin ako sa mga kaklase ko. Yung iba may cellphone na hinahawakan. Vinideohan ata nila.

"And one more. I hate dumb girls.... the most. So don't expect me to like you" sabi niya bago umalis.

Di ko alam pero kumukulo talaga yung dugo ko ngayon. Yun bang parang galit ka na gusto mong umiyak.

Dali dali akong umalis sa classroom para sundan siya.

"Hoy!" sigaw ko sa kanya. Nagbell na kaya nagsilabasan na ang mga students.

"Hoy Jaxon!" sigaw ko ulit. Ang dami ng estudyante na nakatingin sa amin.

Dahil sa inis ko, kinuha ko yung suot kong sapatos saka itinapon ko sa kanya.

Huminto siya sa paglakad saka lumingon.

"Hoy! Ikaw! Hambog! Dahil lang nasa Class A ka, di ka dapat ganyan! Oo matalino ka! Pero ang panget ng ugali mo" ngumiti lang siya sa akin.

"Wag mo akong maliitin! Dahil lang mababa yung mga scores ko? I'll prove you wrong!" sabi ko sa kanya.

"How?" tanong niya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpectedly Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon