Chapter 2
"José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda"
"José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda"
"José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda" bulong ko sa sarili ko."Hoy Aila! Kanina ka pa diyan ah" may lumapit sa akin pero binalewala ko lang.
Pinapatuloy ko lang ang pagsasabi ko ng "José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda"
"Anong nangyare sa kanya? Hoy Aila!"napatingin ako kay Xy na kasama si Meg, nagtataka yung mga mukha nila.
"Kasi naman, may test tayo, diba?" sabi ko sa kanila tapos nagtinginan silang dalawa na parang nagulat.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa librong hawak hawak ko ngayon. Dapat magsumikap ako!
"HAHAHA" sabay silang tumawa habang tinitignan ako.
"Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo kahapon Aila?" tumango lang ako sa sinabi nila ng biglang may pumasok at umupo sa tabi naming tatlo.
"Seryoso si Aila sa ano?" tanong ni Raven sa amin habang binubuksan ang bag niya.
"Hay jusko! Etong si Aila, gustong mapunta sa Class A para makasama si Jaxon" sabi nitong si Meg kay Raven. Napangiti lang ako ng narinig yung pangalan niya.
"BabyAila naman! Nandito naman ako oh! Andito si BabesRaven mo oh" sabi niya habang hinuhugis puso ang kamay niya. Inirapan lang namin siya tsaka tumawa kami.
"Oh Eto! May dala akong paborito mo BabyAila. Binake ko." sabi niya sa akin tapos nilabas ang isang lunch box.
"Wow!" sabay naming sabi ng binuksan ni Raven ang cover ng lunch box. Chocolate cake! Paborito ko ito~
Pero bago pa kami makakain ay dumating na ang teacher. Wahhh! Bad timing naman oh!
Nagsibalikan na ang mga kaklase ko sa kanilang mga upuan. "Good Morning Class 'F'" bati ng teacher namin.
"Good Morning Sir Edward!" sabay naming sabi sa kanya tapos umupo na kami.
"So class, gaya ng sinabi ko, may test tayo. Sinabi ko iyon sa inyo last week so I'm sure na very prepared na kayo." sabi niya with matching very-big-smile.
Binigyan na kami ng test paper. Eto na! Eto na yung inaralan ko for the past week! Kaya ko tu!
Tumingin ako sa window since yung seat ko is near the window. Nakuha ang atensyon ko sa lalaking naglalakad patungo sa cafeteria, habang may nakasabit sa kanyang uniform na 'Errand pass', Si Jaxon Ace Sy, yung lalaking may dahilan kung bakit gusto kong mapunta sa Class A.
Ang gwapo niya talaga kahit mukhang sno-- Aw! Snob pala siya.
Mas na-energized tuloy ako ng nakita ko siya! Itataas ko talaga ang score ko sa quiz na ito! Kayang kaya ko ito!
***
Kumakain kami ng cake ngayon since recess time na. Di talaga nawawala yung smile ko sa mukha ko ngayon. Hindi lang ito dahil kumakain ako ng chocolate cake.
"Oh? Ang laki ng ngisi mo Aila ah! Abot tenga talaga." sabi ni Xy sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya habang kumakain ng cake.
"Eh kasi naman Xy, siya yung highest sa class natin dun sa quiz ni Sir Edward" sagot ni Meg kay Xy. History yung quiz namin kanina.
"Oo ng eh. Bilib na kami sayo BabyAila!" sabi ni Raven sa akin.
Eto kasi yung nangyare kanina nang natapos na ni Sir ang pag-wasto sa test namin
"So.." napatingin kaming lahat kay Sir.
"I arrange these test papers sa mga scores niyo. Una kong tatatawagin ay yung pinaka low tsaka ang last naman ay yung may pinakamataas na score" sabi ng teacher sa amin habang hawak hawak yung mga papel namin.
"Mr. Lee" tumayo si Raven tsaka kinuha ang kanyang papel.
"Ms. Mendez" kinuha naman ng kaklase ko.
"Mr. Aseoche"
"Mr. Lumanas"
"Mr Quicoy"
"Ms. Santos"
Marami ng natawag. Natawag na din sila Xy tsaka si Meg. Yung iba ko naman kaklase ay nagsi-appearan dahil parehas yunv mga score nila.
Di ko pa pala nareceive yung papel ko. Fingers crossed!
"So na impress ako sa student na ito. For the first time sa class na ito, merong naka score ng ganito kataas" dahan dahan akong tumingin sa teacher at nakita kong isa lang papel ang hawak niya.
"Ms. Aila Klarisse Reyes!" Omaygosh! Thank you Lord. Tumayo ako tsaka kinuha ang papel ko. Nag-clap din mga kaklase ko.
So yan yung nangyari kanina.
Tumingin ako sa test paper ko. 9/20Ang nakuha ng mga kaklase ko ay 0 at 1, may iba naman na naka 4 at 5.
I can't believe this! Kahit konti lang ito ay nag improve ako.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Falling For You
Roman pour AdolescentsPaano kung may gusto ka sa isang tao? Pero ang hirap niyang abutin. Ito siguro yung tinatawag nilang one-sided love. Pero what if may bagong darating sa buhay mo? FeptzamG™