Nads' POV:
*kriiiiiiiiiing*
Napabalikwas agad ako ng tayo nang tumunog yung alarm clock ko.
************* 3:00 a.m.*************
"What the h*ck?! 3:00 a.m pa lang?". Napamura ako nang makita ang oras sa alarm clock. Bumalik agad ako sa pagkakahiga para maibalik ang tulog ko. Kaya lang kahit anong posisyon ng paghiga ang gawin ko nahirapan na akong makatulog.
Naisipan ko na lang na tumayo, pumunta sa kusina at mag-prepare na lang ng breakfast ko. Since ako lang ang tao sa condo unit ko, wala akong magagawa para gawin ang mga bagay for my ownself. My Yaya Tising lang ang nag-aasikaso sa akin. Kaya lang napunta lang siya sa condo kapag tinawagan ko siya or kailangan ko ng tulong. Dahil ang sabi nga niya, malaki na daw ako.
Nasa Pilipinas ngayon si Yaya Tising dahil namatay daw ang lolo niya. Kaya naisipan ko muna siyang tawagan habang wala pa akong ginagawa.
*kriing* *kriing* *kriing*
Nakaka-ilan pa lang naman ang ring ng phone niya ay nasagot na niya agad ito.
" Yaya Tising!! Kamusta na po kayo dyan? Nami-miss ko na po kayo." Nagsalita agad ako ng sagutin niya."Nako ayos lang naman ako dito Nadine. Eh miss na rin naman kitang bata ka. Hayaan mo sa linggo na ang libing ng lolo ko. Babalik na rin ako agad diyan."
Habang nagsasalita siya ay mahahalata mo sa boses ang araw-araw na pagluha niya. Hindi agad ako nakapag-salita dahil di ko maiwasang maawa sa kalungkutang nararamdaman niya. "Ah. Ganon po ba? Sige po Yaya mag-ingat po kayo sa pagbalik niyo dito. Tsaka pwede po bang humingi ng pabor?"
"Sige hija. Ano ba yon?"
"Pwede po ba kayong magdala ng mga paborito kong pagkain galing dyan?" May halong pagkasabik na parang bata ang sabi ko sa kanya.
"Oo naman. Sige."
"Thank you po!"😊 Agad na sagot ko sa kanya. Pagkatapos non ay nagpaalam na ako para maligo dahil may naka-schedule akong meeting mamaya.
Pagkatapos kong makakain at makabihis, sumakay na agad ako sa kotse ko papunta sa company. Nakarating naman ako agad ng maayos kase walang traffic at wala pang masyadong tao. Tinungo ko na rin ang parking lot. Habang naglalakad papunta sa entrance, marami na agad ang bumabati sa akin.
" Good morning, Mam."
Yan ang magiliw na pagbati sa akin ng mga empleyadong hindi masyadong malapit sa akin.
"Good morning, Mam Nadine."
Yan naman ang ibang naririnig ko kapag nakakasalubong ko ang mga empleyado naming minsan ko nang nakilala dahil sa mga teamed-up project na pinapagawa sa akin ni Daddy. Matagal ng alam ng lahat na I hate foreign languages. They also know that I prefer to speak in English and Tagalog only, the Philipines' pride language.
Tuluyan ko na ngang narating ang office ko. Pinatawag ko agad ang Assistant ko para ayusin yung mga document para sa meeting mamaya.
"Mam, you called me, right?"
YOU ARE READING
A Best Friends Story [Recently Starting]❤
Novela JuvenilHello there guys! Marj is here.This is my very first story na gagawin ko. Don't expect too much landi scenes kase di pa naman po ako ganon ka open-minded. So halata nyo naman kung tungkol saan ang story na'to. It's all about sa mga mag-bbestfriends...