Nad's POV:
Nakakapagod talaga 'tong buong week. Haist. Hassle yung couple na nagpa-sched sa akin para sa plano ng wedding nila. Shemay!! Tadtad ng kaartihan. Bakit ko ba kase tinanggap yun. Dapat pala sinabi ko na busy ako. "Buwisiiiii-------"
*tok* *tok* *tok"
"Huh? Sino ba yon? Hayyyy. Badtrip naman oh."
"Come in." Pinapasok ko na kahit di ko alam kung sino yun. You know why? Wala lang. Trip? Badtrip ako ngayon eh.
Bumukas ang pinto at sumilip naman si Yaya Tising.
"Nadine, nakahain na ang pagkain."-Yaya Tising.
"Di pa po ako gutom eh." Alibi ko naman.
"Okay ka lang ba? May problema ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo? May sakit ka ba? Ha?" Sunud-sunod na tanong niya sa akin dahil sa pag-aalala.
Napatawa na lang ako dahil dun. "Wala naman po Yaya. Okay lang po talaga ako. Gusto ko lang magpahinga."
"Ah. O-sige. Lumabas ka na lang kung kakain ka na para maipaghain ulit kita." Sabi ni Yaya.
"Okay po. Thank you, Yaya."
Sinarado na niya ito at umalis. Nag-iba bigla ang mood ko ng makita ko ang ang number 9 sa kalendaryo.
At eto nanaman tuloy ako. Naaalala ko nanaman siya.
10 years ago........
Halos tatlong linggo na ang nakakalipas simula nang magsimula ang pasukan (S.Y. 2015-2016).
"Uy Nads ano yung sagot mo sa 5?" Tanong ni Leslie. Halatang di nag-aaral ih. >////<
"Ha? San ba yan? Math?" Sa Math nga. "Oh eto kopyain mo na lang. Ididictate ko pa sayo? Nuka? Chix ka ba?" Sarkastikong sagot ko kay Leslie.
"Ay wait lang. Anong date muna ngayon? Feeling ko malapit na yong period ko."- Leslie
"Wait. Ahm... Ay eto! July 9, 2015. Oh ayern na!" Sabay tago sa bag ng phone ko.
"Paparating na si Mam, classmates."- Audrey.
"Uy Leslie andyan na daw si Maaaaaam. Bilisan mo dyan." Habang tinatapik si Leslie dahil sa sobrang kaba. Buti pa si Audrey di mahilig mangopya. Ipapahamak pa ata ko ni Leslie eh.
"Oo eto na nga! Wait lang kasi." Pagmamadaling sabi naman niya.
"Okay. Good morning. Lumabas muna lahat." Utos ni Mam. Bigla-bigla na lang sumusulpot si Mam eh. Nakakagulat.
"Oy tara na." Yaya ko sa dalawa.
"Yes!! Mukhang wala tayong klase ngayong first period." Tuwang-tuwa na sabi ni Audrey.
Lumabas lahat pinapila naman kami ni Mam by height. Naka-separate ang boys sa girls. At pinapunta niya sa harapan yung mga malalabo ang mata.
Medyo malayo sa akin si Audrey kaya lang nasa likuran na ng pila si Leslie. Antangkad kasi eh.
"Ms. Cortez, right?" Tukoy niya sa isa kong kaklase. Saka sila pumasok at may itinurong upuan si Mam sa kanya. Pinuntahan niya yon at dun umupo. "Huh? Andami namang seremonyas sa buhay ni Ma'am eh." Bulong ko.
At ganun ang ginawa niya sa iba. Alternate siyang nagtatawag ng studyante. Boys muna before girls. Or minsan, girls before boys.
Nakikita kong excited ang lahat na matawag.
YOU ARE READING
A Best Friends Story [Recently Starting]❤
Dla nastolatkówHello there guys! Marj is here.This is my very first story na gagawin ko. Don't expect too much landi scenes kase di pa naman po ako ganon ka open-minded. So halata nyo naman kung tungkol saan ang story na'to. It's all about sa mga mag-bbestfriends...