Luneta tambayan ng mga mag jojowa at kung anu-ano pa,
tambay nako dito dati pa minsan kasama ko ung bestfriend
ko minsan ako lang mag isa. so ngayon pinalad naman ako
dahil ako lang mag isa so pede ako mag yosi, kung itatanong
nyo di kasi alam ni bf na nagyoyosi ako, so pumunta ako sa loob
ng Japanese Garden. eh gabi pa nun so nadadaanan ko ung
mga mag syosyota na tumatambay nun. aber aber mga lintek
ang titindi mag isweetan at ako naman snub at san ka pa nung
papadaan nako dun sa bridge aber meh magsyota nakahiga,
property na nila ung tulay kelangan ko pa umikot takte talaga,
so nakapunta nako dun sa mga upuan dun at sinimulan ko na
ung pagyoyosi, tinignan ko sa bag ko kung meh laman pa ung
black (Malboro Black) ko. at sa kagandahang palad meron pang dalawa!
so sinimulan ko na ung pag yoyosi ko. tinignan ko uli ung mga
mag jojowa hindi ko talaga sila maintindihan puro sila ganun ganyan
tapos minsan bigla nalang magkikiss ewan ba. siguro dahil di pako nag
kakaboyfriend kaya di ko alam ung feeling pero okay lang sakin kasi kung
papipiliin mo ko masgugustuhin ko pang mag madre kesa mag boyfriend
hahaha. ayoko kasi ewan ko ba siguro man hater lang talaga ako o
ayoko lang aminin sa sarili ko na tomboy ako pero di naman cguro
kasi crush ko lalake siguro Bi lang hahaha ang galing no may crush ako
pero ayoko mag boyfriend aning na siguro ako. so naubos na ung una kong yosi
isa nalang natitira sinindihan ko na agad para makauwi nako dahil pinuputakte nako
ng tatay ko at kababae kong tao gabi ako umuuwi. nung sisindihan ko na ung natitira
kung yosi may biglang lumipad na ipis. napasigaw ako at narinig ito nung malalapit
na lovers sakin. SYET! at ang mas syet pa eh nahulog ko ung yosi at natapakan ko pa
malungkot lungkot ako nun nang biglan may lumapit sakin.
To Be Continued in Chapter 2...