Wednesday nanaman YES! hanggang 10:00am lang pasok namin kasi dalawa lang ang
subject namin sa school ngayon, Trigo tsaka Java. ito rin ang araw na pede uli ako
pumunta sa luneta dahil gagabihin nanaman ako nito kakagala kasama ang bestfriend
ko at iba kong kaibigan. at dahil sa sobrang kasabikan napaaga ata ang pagunta ko sa school
at ngayon nakahandusay lang ako sa isang white table malapit sa aming school clinic. habang
nakahiga lang ako iniisip ko parin ung sinabi nung lalake, para kasing ang weird nung sinabi niya
oh parang na hurt lang ako hahaha ewan. "HOY CHARLA!" biglang sigaw ng isang babaeng kulot
at kulay pula ang buhok. siya ang bestfriend ko, ang pangalan niya ay Apples isang maligalig
na babae na kinahuhumalingan ng maraming lalake sa school namin, lalo na nung mga classmate
namin. kumaway ako sa kanya at pumunta tsaka siya pumunta sakin. tapos ay binulong ko sa
kanya "ang ingay mo, hindi mo ba pansin tatlo kaming tumingin sayo, hindi lang
naman ako cguro ung tanging charla dito sa school" sabi ko sa kanya. "ginawa ko lang naman un
kasi kala ko matutuwa ka sakin" sabay simangot. tinignan ko ang mata niya at malapit na itong
umiyak. kaya banat agad ako ng "bestfriend natuwa naman ako sa ginawa mo as in tuwang tuwa
nga eh" sabay ngiti "you know what you just make my day". mali ata ako ng sinabi dahil napaiyak
ko ito pero hindi dahil sa lungkot pero dahil sa tuwa "I LOVE YOU TALAGA CHARLA" sabay yakap
sakin. well childish kasi ung bestfriend at halos kapatid na ang turing ko sa kanya. kaya pag
may lumalapit sa kanyang lalake eh nagiging personal bodyguard ako nitong bestfriend ko.
"ui galing ka daw sa luneta nung monday ah, bat di mo man lang ako sinama" tanong ni apples.
"eh wala akong load nun eh di kita ma txt" sabi ko sa kanya.
"ahh ganun ba.." sabay poker face.
SUCCESS! sabi ko sa isip ko dahil may load talaga ako nun ayaw ko lang siya isama kasi
gusto ko mag yosi nun.
"eh anung ginawa mo dun" tanong niya sakin.
"uhmmm... wala tumambay lang ako" sabi ko.
"may kasama ka noh??"
"wala"
"MAY KASAMA KA NOH!!!?" pasigaw niyang sinabi at galit.
"WALA NGA!! wag ka ngang sumigaw" sabi ko sa kanya habang tinitignan ko ung mga ususerot
ususera sa tabi namin.
"CHARLA!!!" sumisigaw parin siya.
".... best" pabulong ko namang sinabi.
nagtinginan kami sa isat isat ng matagal na matagal. sabay bigla niyang sinabi
"may....kasama....ka....noh?"
nag cross hands ako at sinabi ko.
"wala..."
tumingin siya sa ibang dereksyon at nakita kung galit siya.
at nung magsasalita nako nagdatingan na ung iba pa naming kabarkada at agad agad siyang
umalis at sumama agad sa kanila at ako naman ay wala nang nagawa kundi sumama narin sa
kanila. pagkatapos ng last subject namin. nagyaya ung kaibigan namin mag mall at pagkatapos
ay dumeretso na kami sa aming paboritong tambayan sa BAR.
To be Continued on Chapter 4