"pssst. miss ang ingay mo" sabi nung lalake. ako naman ay bahagyang
napahiya pero life goes on at di naman masyado pinansin so okay lang.
"pasensya na" sagot ko dun sa lalake. mukhang namang maayos at di
mukhang rapist ung lalake pero ang haggard niya ng konti at magulo ang
buhok niya. tumingin uli ako sa floor at tinignan ko ung black ko na sira na
medyo nalungkot ako pero sa katuwaang palad nag alok ung lalake ng
black niya at magkatabi kami nagyosi dun sa shed upuan or whatsoever
kung anung gusto mung itawag dun. nag salita siya bigla "10:00 na nang gabi
ah kay ganda mung tao di kaparin umuuwi at mag isa kalang" sabi niya sakin.
"hindi ayos lang sakin minsan nagtataxi naman ako pauwi so secure pati naka
redi naman ako" pinakita ko ung stun gun ko sa kanya. at natawa ako sa reaksyon
niya dahil parang ngayon lang siya nakakita ng stun gun sa buong talambuhay niya
"at nag tataekwondo rin ako black belter ako" pahabol kung sinabi na payabang.
"hanep!" sabay hithit ng yosi at buga "edi mayaman ka pala" patanong niyang sinabi.
"hindi ako mayaman" sagot ko. "porket ba may stun gun mayaman na?" dugtong ko.
"oo nga naman may point ka " sabi niya sabay tawa. "kakaiba karin eh noh? bat ka
nga pala nandito sa loob ng japanese garden eh lubluban toh nang mga mag syo
syota" tanong niya sakin. "eh ikaw muna?" sabay ngiti sa kanya. "ah ako? well wala lang
gusto ko lang tumambay mag isa dito" nag pause siya ng konti. "tapos tingin tingin lang
sa mga lovers swesweet nila noh" ngumiti siya sabay simangot."ganun.. ah ako naman
matagal ko nang gawain toh pati meh kasama naman talaga ako lagi ung bf ko" sabay
turo ako sa isang magpartner "at hindi sila sweet" at sabay kaming humalakhak na parang
praning pero worth it naman haha. "BF?" tanong niya sakin. "Bestfriend ho.." sagot ko. "ahh..
edi single ka pala?" sabay ngiti sakin."uhhhhhh.. oo" sabi ko naman "and sorry di ako
nagpapaligaw" sinabi ko agad inunahan ko na hahah.tumawa siya at biglang sinabi "ah sus
ayos lang kahit mainlove ako sayo di rin naman kita liligawan" sagot niya. nagtaka ako sa
sinagot niya at itananong ko sana kung bakit. pero tumawag nanaman ung tatay ko
at tinadtad ako ng "umuwi ka na" . kaya nagpaalam nako at iniwan ko siya dun garden at
deretsong umuwi na.
To be Continued on Chapter 3