Chapter 1

45 4 2
                                    

Must Read: A story full of errors and typos. Super not suitable for those readers who are perfectionist but free to suggest corrections, also to those sensitive in gore or gross image that you'll imagine and uncensored cusses too. Unless you are brave enough to read. There are protocols in this story and they are highly recommended to do: vote, comment, share, tweet and follow me. Peace v(-- ,) And as a demanding author...Love this story seriously.

This is not just an ordinary fantasy story, this is an awesome fantasy story. Take note of that. I'm honest.

|Chapter 1|

         Napabuga ako ng hangin dahil sa dismaya at napaupo sa swivel chair. It's been almost a year pero wala pa rin kaming natanggap na approval sa kanila. Talo ko pa ang lalaking naghihintay ng oo sa nililigawan, kating-kati na akong malaman ang sagot nila.

         Today's the expiration date. Kung ngayon araw ay wala kaming natanggap na approval, it's over, everything will be over. Mababaliwala ang paghihintay ko at masasayang lang ang pinaghirapan ko—namin.

         "Alam mo, Danilla, you need fresh air." Taas-kilay ko namang nilingon ang personal assistant kong si Joannie. "Ang haggard mo na, bes. Ano? Maghihintay ka na lang poreber sa wala?"

         By the way, hindi lang siya isang personal assistant, feeling best friend slash nanay ko rin.

         I rolled my eyes and tapped my fingers with rhythm on my table.

         "Joan, this is the last day and our last chance," seryosong wika ko sa kaniya at tinitigan siya nang maigi sa mata. "Hindi dapat puwede na magrelax-relax lang ako rito."

         Inilapag niya sa harapan ko ang kanina pang hawak na coffee cup. She crossed her arms and stayed in front of me.

         "Pero hindi ibig sabihin na kailangan mong pabayaan ang kalusogan mo." Napahinto ako sa ginagawa ko at ningiwian siya. Seriously, Joan? "Hindi ka nag-breakfast kanina." Umiwas ako nang tingin dahil sa sobrang tulis ng tingin niya sa'kin. Sorry po, Nanay Joan, nawala kasi sa isip ko. Letse. "Inumin mo 'yan kung hindi malilintekan ka sa 'kin," banta niya. "Bibili muna ako ng pancake." Inirapan niya muna ako bago niya ako iniwan sa opisina.

         Napailing naman ako at ngiting-ngiting hinihipan ang mainit na kape pagkalabas niya.

         Ang taray talaga niya and at the same time, caring.

         Nasa kalagitnaan ako sa pag-iinom ng kape nang biglang may kumatok. Inilayo ko nang bahagya sa labi ko ang coffee cup at lumingon sa pinto.

         "Come in," kaswal na wika ko at pinagpatuloy ang pag-inom habang inaabangan ang papasok na tao.

         When the door swung open, I almost choke when the person who entered was no other than, "Chairman Yu."

         Napatayo agad ako at yumuko bilang paggalang sa kaniya.

         Pinagmasdan ko ang chairman na mabagal na naglalakad at ang tanging nakaalalay ay ang sungkod niya.

         Mayro'ng dalawang lalaking naka black suit sa magkabilang gilid niya na may suot-suot na black shades at sa ibang direksyon nakatingin.

         Gosh. Ano ang ginagawa niya rito? Bakit siya pa mismo ang pumunta rito sa opisina ko?

         "Miss Danilla Xymon."

         Umalis agad ako sa puwesto ko at lumapit sa kaniya.

Supernatural Quest: The SovereignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon