Chapter 3

21 2 0
                                    

|Chapter 3|

         I thought I died and will found myself in front of a golden gate where Saint Peter is waiting with his big book. But it didn't happened, it's another way around.

         I woke up, gasping and staring at the ceiling. My heart is accelerating and my brain can't process what just happened.

         I tried recalling everything then blurry memories starts flashing in my mind. Parang may humahabol sa kanila dahil masyadong mabilis.

         Napabangon ako at natatarantang kinapa ang dibdib ko. Walang butas at ramdam ko ang pagtibok ng puso ko.

         "I'm alive," hindi makapaniwalang naibulas ko.

         Inilibot ko ang tingin ko sa kinaroroonan ko ngayon. Andito ako sa kuwarto ko.

         Paano ako napunta rito?

         Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili.

         "Just like your other nightmares, Danilla. Relax and don't take it seriously," I said to myself.

         Kahit nagtataka kung bakit napunta ako rito, umalis ako sa kama at tumahak palabas ng kuwarto.

         If I remember clearly, I was with Denver inside the janitor room. Hanggang doon na lang, wala na akong naalala pa na makapagsagot kung bakit nakauwi ako sa bahay.

         May teorya na ako pero kailangan kong makumpira, pero bago 'yan iinom muna ako ng gatas para tuloyang mapakalma ang loob ko.

         "Joan," takang wika ko nang naabutan ko siyang nagluluto sa kusina.

         "Oh, Danilla. Gising ka na pala," bati niya na hindi lumilingon sa 'kin.

         Dumiretso ako sa fridge at inilaklak ang isang bote ng soya milk.

         "Kamusta ang pakiramdam mo?"

         I wiped away the smudged milk near my mouth using my forearm before facing Joannie who's holding a plate with a meal.

         "Just fine," sagot ko at sinundan siya. "Ano ang ginagawa mo dito?"

         Inilapag niya sa lamesa ang ulam at nakapamaywang tumingin sa 'kin.

         "Taking care of you."

         Tinaasan ko siya ng kilay. "Why?"

         "You fainted," mabilis na sagot niya, mataray pa rin at taas-noo. So, I fainted. Great. "Well, Denver's the one who brought you here. Tinawag niya ako at sinabihang aasikasuhan ka dahil may lagnat ka. Bilang assistant mo, pumunta agad ako dito."

         "Ugh. Thanks," nakangiwing pasasalamat ko sa kaniya but I meant that thanks, though. Alam ko kasing may kasamang sermon 'yon.

         "Akala ko umuwi ka na kahapon 'yon pala nakipaglandian ka pa kay dilaw." Kita niyo na.

         "I'm not flirting with him," depensa ko. "So where is he?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Supernatural Quest: The SovereignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon