00

6K 98 6
                                    

00


"Tita Cha, dito na lang ako." Bumitaw sa hawak ko si Dale at tinignan ko naman siya.

"Eh tita, big boy na po ko. Wag mo na ko hatid. Punta ka na sa room mo." Pinatalikod niya pa ko at tinulak palayo sa kanya. Natatawa na lang ako, mukhang ang bubwit sa bahay eh lumalaki na.

Nag-goodbye lang naman ako at dumirecho na ko sa highschool department, dinaan ko lang kasi si Dale sa grade school. Sabay kami laging hinahatid. Nako pano pag graduate ko sino na sasabay sa bubwit na yun.

Pagdating ko naman sa room as usual, wala namang bago sa scenario/

May kanya-kanyang grupo, maingay na chismisan, tahimik na nagaaral, tulog pa. Well, school life it is.

"Hoy Cha! Thank God andito ka na, pacopy naman ng homework sa Calculus! Pleaaaase?" Nagpuppy face pa tong si Mae sa harap ko at para kong dinadasalan. Kaumay.

"Yuck Mae, anong mukha yan! Paupuin mo naman muna ko bago ka mangopya ano." Tumabi na ko sa iba pa naming friends at kinalkal na yung notebook ko.

"Oh. Hay nako ka, naturingang magaling sa math boyfriend mo, di ka dun magpaturo." Sabi ko at di naman siya umimik at tinginan tuloy kaming lahat sa kanya.

"Wait. Don't tell me, LQ na naman kayo Mae?" Tanong ni Bree, short for Brianna, kay Mae habang busy nagtetext. Katext siguro yung crush niya.

"And don't tell me na naniniwala ka sa crush mong crush ka rin niya, pinapakilig ka lang niyan noh!" Retort ni Mae. Asaran na naman tong dalawa.

"Shut up both of you. Mae, just copy the homework dadating na si Sir bahala ka." Singit ko sa dalawa bago pa magsagutan to.

While chatting with my friends and waiting for our always late professor, tumabi naman sakin ang seatmate kong si Andrei. Sumunod naman sa likod niya at umupo rin sa row sa likod namin ang mga friends niya.

"Cha, kitkat?" Offer ni Andrei na ewan ko laging may pagkaen 'to. Good thing we're seatmates, may hinihingan ako ng pagkaen tuwing gutom ako. But today, I declined since busog pa naman ako.

Everyday, ganito lang ang scenario sa school.

Walang bagong story.

Walang highlights.

I wonder if ever dadating pa ung moment, bago ko maggraduate ng highschool, na may iisipin din kaya akong LQ namin ng whoever-he-is? Or mapapangiti din kaya ako habang katext ang crush kong di nageexist? Joke, nevermind. Sakit lang sila sa ulo. 

"Cha, may extra ballpen ka?" I was lost in thoughts nang may kumalabit sakin sa likod.

"Kung meron, anong gagawin mo?" I ask at medyo inis dahil istorbo siya.

"Uh, hiramin? Kung mabait ka lang naman?" I rolled eyes at kinuha lang ang ballpen at padabog na inabot sa kanya.

"Sungit mo naman, Romero."

"Shut up, Rodriguez."


xxxxxxxxxxx

Hi girls! Just want to let you know na there's nothing extraordinary sa story na 'to. Yep, disclaimer agad agad. Hahahaha. I just want to write a typical story. This maybe cliche, and you may have read this a million times already sa ibang stories but I hope you could still support Chacha's lovestory. If you've read Broken Arrow 2: Band Aid (which is also a KN fanfic, always present si Chacha don). Anyway, naaalala niyo pa si DALE sa My Ex Suitor and Happy Never After? Bata pa siya dito. Hahahaha. Comment kayo pls?

Tweet me @erinxdizon or use #KNRxR on twitter. 

Romero x Rodriguez #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon