CHAPTER 7 WHERE'S SARAH?

277 14 0
                                    

The Bucket List

CHAPTER 7

WHERE’S SARAH?

ALONA’S POV

Nang dumating sina Sebastian, Jeff at yung magulang ni Sarah, agad ko silang sinalubong.

“Bago kayo pumasok, kung anuman ang malalaman niyo mas mabuting wag muna kayong magreact”

“Teka... ano bang nangyayari?” tanong sa akin ng mama ni Sarah.

“Basta po tita. Hmm, should we enter the room?”

Binuksan naman ni Jeff yung pintuan, kaso...

“Where’s Sarah?” sabi ko sa aking sarili.

SARAH’S POV

Nang magising ako, nakita ko namang nasa tabi ko si Alona. Halata mong pagod rin siya.

*vibrate* *vibrate*

Ano yun? Cellphone ata ni Alona?

Agad ko naman nahanap ang cellphone na nagvibrate- hawak lang pala yun ni Alona.

1 new message

Sebastian

Si Sebastian? Nagtetext kay Alona.

Oo na, chismosa na kung chismosa pero masama bang tignan yung message? Since boyfriend ko naman yung sender nun?

Malay mo, may secret affair pala ‘tong mga ito diba?

Pinindot ko yung “read button” at nabuksan ko yung message ni Sebastian.

Sebastian:

Oo, papunta na kami jan.

Ano bang meron?

-

Hala! Anong ibig sabihin nito?

FLASHBACK

“Kailangan nanilang malaman” sabi ni Alona.

“Hindi! Wag!” taliwas na pahayag ko.

“Diba yung step 3 ng The Bucket List is Tell them the truth? Dapat na nila itong malaman bago man...”

END OF FLASHBACK

-

Hindi! Hindi pwedeng si Alona ang gagawa ng step 3.

Ayoko!

Kailangan kong umalis...

Sorry Alona, ako ang dapat  gumawa ng step 3 at hindi ikaw...

Sorry...

SEBASTIAN’S POV

Nasaan naman kaya nagpunta si Sarah?

Kailangang mahanap ko siya.

Nagpunta akosa may parking lot, binuksan ko ang pintuan ng kotse ko at nagsimulang magdrive.

Saan ko naman kaya hahanapin yun?

Alam ko na!

(to be continued...)

iamloid:

Hello my readers!

Kamusta ang pamumuhay jan?

BTW, ilang updates na lang matatapos na ang TBL!

Keep supporting this story naman po and penge na rin ng votes xD

If there are some typo errors, sorry po about that. Wala po kasi akong oras na irecheck pa ito eh? Bali after typing, publishing agad ginagawa ko xD

So long guys :D

PS. Yung mga votes niyo ah? Penge ako! xD (iamloid) Xo

The Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon