CHAPTER 9.2 LET GO

286 9 0
                                    

The Bucket List

CHAPTER 9.2

LET GO

SARAH’S POV

“Hello Sebastian”

“Sarah... kamusta yung chemo mo?”

“Ayos naman. Bakit ka nga pala tumatawag?”

“Pinapasabi ni Alona na magtungo ka daw sa park”

“Sige, pupunta ako”

“Mamayang hapon ah?”

“Oo Sebastian”

“Bye, Sarah”

“Bye”

Inend ko na yung call at itinabi ko ang cellphone ko.

Ano kayang meron at bakit ako pinapapunta sa park?

PARK

Pagkarating ko sa park, agad naman akong sinalubong nina Jeff, Sebastian at Alona.

“Anong meron?” tanong ko habang papaupo kami sa isang bench.

“Dahil tapos na ang The Bucket List, siguro it’s the right time para maayos niyo ang relasyon niyo ni Sebastian”

Ah ganun naman pala. Pero kasi hindi na pwedeng maging kami ayokong mahirapan si Sebastian sa oras na mawala ako.

Life is so unexpected. You don’t know what will happen to you each second, minute, hour, day, month and year.

“Tol, alis muna kami ni Alona. Alam mo na, privacy” sabi ni Jeff at umalis silang dalawa ni Alona.

Ang kulit talaga nitong si Jeff. May privacy privacy pang nalalaman.

As if!

“Hmm, S-sarah”

“Hmm, S-sebastian”

Hay, ano bayan sabay pa kaming nagsalita.

“Mauna ka na” sabi ko.

“Ikaw na” sabi naman niya.

“Ikaw!”

“Ikaw!”

“Ako na nga lang”

“Ako na nga lang”

Ayan na  naman, sabay na naman kami.

Tama yan, lagi kaming sabay ng makapag usap kami ng maayos *sarcastic mode* >,<

“Mauna ka na kasi” sabi niya.

“Sige na nga”

At ayan, its my turn na.

“Sebastian, unang una maraming salamat at naging kaibigan at naging boyfriend kita. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Sorry dahil nailihim ko yung list sayo. At for the last sorry, sorry kasi nasasaktan na kita. Alam kong nagiging selfish ako pero I’m sorry. Ayoko na Sebastian. Ayoko ng maging tayo dahil pag nawala na ako, ayokong masaktan ka. Things were okay for both of us, but now everything has changed. Pero tatandaan mo, kung mamamatay man ako ngayon, gusto kong maging masaya ka’t maalala mo ako. Maalala mong dati kang minahal at patuloy na minamahal ng nag iisang, Sarah Watterson. Mawala man ang lahat, wag mong kalilimutang magkaroon ng pag asa hindi lang para sa sarili mo para din dapat sa mga taong nakapaligid sayo, ngayon at sa mga susunod pang nalalabi sa oras ng buhay mo”

After ko yun sabihin, hindi ko napigilang tumulo ang aking mga luha.

Niyakap naman ako ni Sebastian.

“Sssshhh, tama na.salamat din sa lahat lahat Sarah. Tatandaan kong mahal mo ako at ikaw tandaan mong mahal na mahal pa rin kita. Oo, siguro martir o tanga ako kasi alam kong unti unti ng nawawala yung spark ng pag iibigan natin dahil sa letcheng sakit na yan. Sana ako na lang yung nagka ganyan. Pero anong use ng mga sana ko kung anjan na ito. Ayan na Sarah oh, hindi na natin mababago ang lahat sa ating buhay. Sana may remote ang buhay. Yung pwedeng irewind to go back to your happiest memories, to pause to those memories you wanna savor to its last and to fast forward the things that were not okay for you and for other’s life.

Kaso hindi eh? Dahil tuloy tuloy lang ang daloy ng buhay, walang hinto hinto, walang fast forward. Ang dapat lang nating gawin ay tanggapin ito no matter what. No matter na masaktan tayo, no matter na mawala na ang lahat sayo. Acceptance is the key to find true happiness”

I’m so blessed to have him. Sana wag ng matapos ang lahat. Sana yung sakit na ito, sakit na balakid sa amin, sana ito’y imahinasyon lamang o isang ilusyong nakikipag laro sa isipan ng isang tao.

Yakap pa rin niya ako at habang nakatingin sa malayo, waring napakalalim ng iniisip. Hinihintay naming lumubog ang araw upang itoy’y maging saksi na sa araw na ito, lahat ay magbabago. Mula sa araw na ito, lahat ng sakit- sa isip at sa puso ay mawawala’t matatanggal na.

Nilapit ni Sebastian ang kanyang mukha sa akin at unti unting dumampi ang mga labi namin sa isa’t isa.

Salamat sa lahat Sebastian Cruz.

SALAMAT AT PAALAM...

(to be continued...)

A/N:

Hey, nagustuhan niyo po ba ang chapter na ito? Give it a vote naman. And sana’y suportahan niyo pa ito hanggang sa huli.

NEXT UPDATE: CHAPTER 10 [NEW LIFE]

Sorry sa typo errors and wrong spellings :P

‘Till next time guys (iamloid)

The Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon