Dali na Kuya France! Payagan mo na akong pumunta bukas! Pakiusap ko kay Kuya France ngunit ayaw pa rin niya akong payagan.
Paano akong makakasigurong hindi ka na iinom ng Ketamine? Tanong ni Kuya France sa akin.
Dahil lang diyan kaya hindi mo ako ipapasama bukas? Sagot ko sa kanya pagkatapos ay nag-face palm.
Sagutin mo muna ang tanong ko. Paano ako makakasigurong hindi ka na iinom ng Ketamine? Tanong niya ulit.
Paano kung hindi na talaga ako iinom nun? At paano kung hindi ko alam kung bakit ako umiinom nun? Tanong ko sa kanya.
Napansin ni lolo na mukhang nag-aaway na kami kaya sumali na rin siya sa usapan.
France, matanda na yang si Kurt! Hindi na dapat yan pinagbabawalang pumunta sa mga camping o kahit anumang aktibidad! Paunawa ni lolo.
Buti pa si lolo. Laging nasa panig ko. Yehet.
Sige. Ngayon lang ito a. Kapag may nabalitaan ako mula kay Nea na uminom ka nun, mental na ang abot mo. Pagpayag ni Kuya France.
YEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHHHHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEETTTTTTTTTTT! Sigaw ko sa tuwa.
Para kang bata. Tsk. Bulong ni Kuya France.
Ganun talaga. Sagot ko.
Kumain na agad ako ng hapunan para makatulog na ako. Nakakatuwa talaga ang araw na ito. Kahit minalas ako kaninang umaga, natuwa naman ako dahil ngayon. Napahiga na lamang ako sa dati kong kama sa bahay nina lolo. Nami-miss ko na ang pagkabata ko. Pero kailangan tumanda e.
♫ I’m struggling to find you who I cannot see
I’m struggling to find you who I cannot hear ♫
------ AYLLINEA CALLING -----
Wow. Diba masquerade ball ngayon? Bakit tumatawag si Nea. Bad.
Ako: Musta masquerade ball?
Nea: Umuwi na agad kami. Good Good Good News!
Ako: Ano?
Nea: Sasama si Ms. Domina bukas sa camping! Hooray!
Ako: Tapos?
Nea: Anong tapos?! Atleast may ka-bonding tayong ka-close natin. Hooray!
Ako: May ka-schoolmate din tayo for your information.
Nea: Tss. Basag trip ka talaga minsan. I hate you.
Ako: I hate you more. Okay. By-----
Nea: Wait!!
Ako: Ano? Dali.
Nea: Sampu daw tayong sasama bukas. And it would be fun they say.
Ako: Sampu?!! Sounds familiar.
Nea: Well, as I know, kasama si Kiara Choi, our very very famous Student League team leader.
Ako: Di kami close. Sino-sino pa ba kasama?
Nea: Maka-di kami close ka naman! Naging kaklase natin yun no’!

BINABASA MO ANG
Makakaligtas Ka Pa Ba?
Mystery / ThrillerBook 2 ng Makakaligtas Ka Ba? After a year and 5 months ay nagkaroon na ng sequel ang naging comedy-horror na Makakaligtas Ka Ba? Isang taon pagkatapos ang insidente sa Book 1, si Kurt, Ayllinea, at ang bago nilang kaibigan na sina Brian at Hannah...