♫ When you hold me I feel so out of place
I feel trapped I wanna run away
How come when I'm met by love it makes me weak and empty? ♫
Umagang-umaga eto ang maririnig ko. -_- Bakit naman kasi hindi ko pa pinapalitan ang alarm tone ng phone ko? It's been 2 years na naging ringtone ko 'to. Hindi ko alam pero may gusto akong alalahanin pero hindi ko maalala. At it's been 2 years since nangyari ang pinakamalulungkot na araw sa buhay ko. Ang mga kaibigan kong nasa langit na: sina Steven, Claire, Tofelle, Trisha, Zyrus, at Robert.
Ang ibang nakaligtas sa amin, pumunta na ng ibang bansa para mag-aral na doon. Ayaw nilang mamatay ng maaga. At eto kaming dalawa ni Nea, dahil mahirap ay nag-stay nalang dito sa Pinas.
♫ I’m struggling to find you who I cannot see
I’m struggling to find you who I cannot hear ♫
~Ayllinea Calling~
Yung ringtone ko na in-update ko 2 months ago. Hahaha.
Sinagot ko ang phone. Umagang-umaga tatawag si Ayllinea. Wow ha. Just wow.
Ako: Bakit ka napatawag ng napakaaga. 5:46 ng umaga tatawag ka. Buti't nagising na ako.
Nea: Kurt! May maganda akong sasabihin sa'yo!
Ako: Ano? Kapag 'yan hindi maganda, pipindutin ko 'tong end call.
Nea: Sobrang ganda ng sasabihin ko sa'yo. Promise!
Ako: Sabihin mo na. 10 seconds at end call ang katapat mo. 10...
Nea: Nanalo tayo sa raffle!
Raffle? Anong raffle?
Ako: Ahh. Anong reaction ko dapat?
Nea: Yah! Umayos ka kung ayaw mong hindi kita isama!
Ako: Kasama saan? Hongkong Disneyland ba yan? O sa Seoul? May tickets din ba sa concert ng SMTown? VIP o hindi?
Nea: Hindi! Ito yung sa premium giveaway promo ng Seaside Camp!
Seaside ano???
Ako: Ahh. Mangingisda tayo? Ayoko nga.
Nea: Aigoo. Hindi! Camping nga e!
Ako: Diba kapag camping minsan nangingisda. So my answer's relevant. You lost.
Nea: Isang-isa nalang ha. Sige ka, hindi kita isasama.
Ako: Wait. Tatandaan ko. Kailan ko bang ginusto mag-camping? Eh nung bata nga ako lagi akong talo pagdating sa camping activities e.
~ Flashback ~
8 years ago. Nag-camping kami kasama ang buong school. Kaya maraming-marami kami. At nagkaroon ng isang game sa camping na pinaka-inaayawan ko.
Boys scouts! Handa na ba kayo?! sigaw ng scout master sa amin.
Yes! We're ready. Ready na kami! sigaw nilang lahat maliban sa akin.
No. I am not. Gusto ko ng kumain. bulong ko.
Magkakaroon tayo ng isang laro na kung tawagin ay Last Man Standing. sabi ng scout master.
Ano yun?

BINABASA MO ANG
Makakaligtas Ka Pa Ba?
Misterio / SuspensoBook 2 ng Makakaligtas Ka Ba? After a year and 5 months ay nagkaroon na ng sequel ang naging comedy-horror na Makakaligtas Ka Ba? Isang taon pagkatapos ang insidente sa Book 1, si Kurt, Ayllinea, at ang bago nilang kaibigan na sina Brian at Hannah...