A/N:Undas na bukas ready ka na ba? +_+
-------------------------------------
[F L A S H B A C K]Gumising ako nang mga 6:30 dahil 8:00 ang pasok ko ngayon, Nag madali akong lumabas ng kama, at deretsyo ligo na at sipilyo. Pag katapos naman niyon ay nag bihis na ako't bumaba na ng kwarto.
"Musta nanaman kaya araw ko?"pang aasar ko sa sarili ko.
Naging magulo ang buhay ko dahil sa isang lalake na lagi nalang gustong sirain araw ko, maasarin siya at inisin kaya sa huli laging pikon. Nakahiligan na niya akong asarin Simula ng pasukan Namin noong mag tatatlong linggo na.
Naumpisa yon nang mabangga ko siya sa pasilyo ng Hindi sinasadya pero nagalit agad ito sa akin. Nag kasagutan kami at nagka bangayan pero natigil to nung lumabas ang Mrs.Principal na anak pala ang lalakeng nakabungguan ko.
Pinapasok niya kami sa office niya at agad pinaupo. Umaasa ako na ako ang pagagalitan pero nabigla ako nang mismong anak niya ang pinag sabihan at sinermonan.
Halos ako mahalakhak sa sinasabi ng principal, dirediretsyo ito mag salita at walang tigil sa pag Dada para lang matauhan ang taong nasa harap niya, pero wala. Dedma lang ang anak niya sakanya. Tiningnan niya naman ako at tiningnan ulo hanggang paa, nginisian niya lang ako at bigla nalang tumayo, "you will pay for this" sabi niya saakin at tumalikod na.Nag umpisa dyan ang lahat, sa Hindi inaasahang pangyayari, hanggang sa mag tuloy tuloy na ang mga araw na pinag iisahan na rin ako ng mga barkada niya.
Kaya eto ako ngayon, tulala sa kaiisip kung ano ang gagawin niya sakin ngayon. Masyado siyang bata para pag hanapan lang ng laruan at pag laruan lang ako, masyado akong iniingatan ng magulang ko kaya dapat alam niya yon pero walang modo yon bastos nga sa nanay niya, sa akin at sa iba pa kayang nakakatanda.
Napabuntong hininga nalang ako at nag Simula nang mag timpla ng gatas na iinumin ko.
Halos gatas lang ang laging laman ng tyan ko bawat umaga dahil nga tamad akong kumilos pag mag isa kaya inumin nalang para kahit papano may laman ang tyan.
Nag madali akong timplahin to at inumin at nag deretsyo na labas ng Bahay, sinilip ko muna ang pinto at nag Simula ng mag lakad papunta ng paaralan.
"Ano nanaman kaya nag iintay sakin sa school?" Tanong ko nalang sa sarili ko.
Napa buntong hininga nalang ako hanggang sa makarating na ako ng school nang tahimik.
Umaasa ako na walang maninira ng araw ko ngayon, kaya pursigido akong pumasok ng room. Tiningnan ko muna bawat sulok at bawat kaklase bago ako pumasok. Hindi ko naman nakita si Kieth at ang mga barkada niya kaya dumeretsyo punta na ako ng pwesto ko at umupo.
Habang naka upo ako may nararamdaman akong madikit at malapot sa pag kaka upo ko, kaya tumayo ako bahagya at
"BWISET!"sigaw ko nalang.
Tiningnan ko mga kaklase ko at pansin Kong mga nag tatawanan lahat ng mga ito. Tiningnan ko ang harap ng pintuan at sakto namang pumasok ang apat.
Mga apat na may sungay at buntot ang unang nakita ko ngayong araw na dahilan para sumama ang timpla ng araw ko.
Halos mapasabunot nalang ako sa buhok ko pero Hindi ko nalang ginawa. Lumapit sila at agad namang sinabing..
"Hindi naman masama ang transparent slime ano?" Pang aasar sakin ni Kenneth na kasamahan ni Kieth na kitang mong naka ngisi na.
Nagtitimpi lang ako.
"Nicenice hahahaha" tawa naman ni Dave.
"It's not enough." Si Kyle naman ang nag salita.
Pero agaw pansin sakin si Kieth na tahimik lang at naka tingin lang saakin.
"Ano ba problema niyo?" Tanong ko sa kanila.
Hindi naman sumagot ang tatlo at naka tingin lang kay Kieth.
"B-bat ako?" Sabi niya saamin.
"Malamang ako.." pang aasar ko sa kanya na may kasamang pang sarkastiko ang boses.
"It's not my fault this time, sila may pakana nyan." Dugtong niya saakin.
"Woahhhh pare! Kelan mo pa kami nilaglag? Nakakapag taka ha" dismayang sabi ni Kenneth.
Hindi ko alam kung may problema ba siya ngayon o ano, pero pansin Kong balisa siya at pulang pula ang muka. Napatingin rin siya sakin at
"Dont look at me." Sabi niya sakin sabay iwas tingin.
Ano kayang nakain niya at nag ka ganan yan? Tss. Pero wala parin akong pakielam. Mas maigi na nga ring sigurong ganan nalang yan kesa naman pag initan nanaman ako ng ulo Nyan.
"Tss bahala ka." Sabi ko nalang sabay upo nalang ulit.
Alam Kong malagkit na ako kaya umupo nalang ulit ako. Pa salamat nalang talaga at meron akong P.E uniform sa locker ko kung hindi nako.
**
Lumipas mga oras bago nag vacant time, dali dali akong tumayo sa inuupuan ko at palabas na sana ng room nang
"Here." Abot niya sakin, isang paper bag.
Ano to panibagong patibong? Ayoko na sa biro niya kaya tinabig ko nalang ito.
Lalabas na sana ako ng hawakan niya braso ko.
"Bwiset.."Naisip isip ko nalang.
"Ano ba?" Tanong ko sakanya.
Tinitigan lang nanaman niya ako.
Ang lakas ng tama niya ngayon, may problema ba siya?! Ba't niya sakin binubuntong lahat? Arhh.
"Eto nga kasi." Abot niya sakin.
Hindi ko ito kinuha sa kanya at sinabi Kong
"Ayoko! Patibong nanaman yan! Dyan ka na!"
Tatakbo na sana ulit ako pero ang lakas niya kaya Hindi ako maka alis ng pwesto ko.
"Ansakit ah"
"Sinabi na kasi eh, here! Iyo nga yan! Hindi yan patibong, just grab it!"
Nainis na siya sakin at nilagay niya saking kamay ang paper bag. Umalis na ito pag katapos."Ano naman kaya to?" Tanong ko sa sarili ko.
Ako nalang pala mag isa sa room, ibig sabihin kami nalang natira kaninang naiwan, Hindi ko man namamalayan.
Binuksan ko dahan dahan ang paper bag at nagulat ako na panibagong uniform ang nakita ko.
"Aba aanhin ko to?" Natanong ko pa sa sarili ko.
Baka ninakaw pato ni Kieth sa iba at masisi pa ako mahirap na. Ibababa ko na sana yung bigay ni Kieth sakin sa upuan niya nang inalala ko uli ang sinabi niya.
"Sinabi na kasi eh, here! Iyo nga yan! Hindi yan patibong, just grab it !"
Binago ko na isip ko, binitbit ko na ang paper bag at dali dali akong lumabas at pumunta agad ng CR.
"Sabi niya akin daw eh, edi isusuot."
BINABASA MO ANG
Until we meet again (Slow-Update)
Romance"Nagpakatanga ako sayo noong una kaya sa pangalawang pagkakataon sisiguraduhin ko namang ikaw ang masasaktan at hindi ako."