Nag lakad na ako palayo kung nasaan si Kieth, lalayuan ko na yon at iiwasan para iwas gulo ako. Sakto namang nakita ko sina Sharlene at Eunice na siguradong hinahanap ako, madali akong lumapit sa kanila at kumaway agad.
"Hi!" Bati ko sa dalawa.
Nagulat naman ang dalawa sa pag sulpot ko sakanila.
"Ahhh!" Nagulat nilang sigaw sakin.
"Ano ka ba Shana nakaka gulat kaya!" Sigaw sakin ni Sharlene.
"Hahahahah sorry na muka kasi kayong Ewan eh" sabi ko sakanila sabay halakhak uli.
"Walang nakaka tawa Shana." Sabi naman sakin ni Eunice.
"Uyy galit na agad kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Paano ba namang Hindi? Eh kanina pa kaming nag aalala sayo, Hindi ka man lang Namin mahanap." Sabi ni Sharlene
"At akala Namin napaano ka na!" Sabi naman ni Eunice
"Ayy ang sweet naman nila haha, sige promise Hindi na mauulit" sabi ko sakila.
"San ka nga ba galing?"tanong nila sakin
"Nag bugbugan lang kami nung lalakeng nakabungguan ko kanina sa hall." Pag bibiro ko sakanila. Hahahah
"Shana?!" Sigaw nila saakin pareho hahahaha Hindi na mabiro tong dalawang to. "Nag tatanong kami ng maayos Shana kaya sumagot ka ng maayos!" Babala pa nilang dalawa saakin.
Naiintindihan ko naman sila pero masyado sila minsan OA pero kahit na ganoon ay mahal ko Parin ang dalawang to.
"Hahaha sorry na" pag hingi ko sakanila ng paumanhin. "Hinila kasi ulit ako ng lalakeng yun eh tas binangayan lang naman ako pag alis namin sa office ng principal kanina." Sabi ko sa sakinilang dalawa na ngayon ay nakakunot na parehas ang nga noo.
Alam ko ang mga iniisip ng mga yan, mapapasama ata lagay ko ngayon hays.
"Na office ka Shana?" Mag kasalubong na kilay na tanong sakin ni Sharlene.
Paktay na!
"Ah eh ganto yan eh.." pag uumpisa ko. Tumahimik naman sila at alam mo nang handang makinig sa paliwanag mo pero alam kong malabo nilang maiintindihan yon pareho. Napabuntong hininga nalang ako at sumagot ka sakanila.
"Diba nga nakita niyo kami na nagbabangayan kanina sa hall, sakto naman niyon na lumapit ang kaibigan niya at kunsintihin itong wag mag padala sa galit pero Hindi man lang ito makinig." Putol Kong sabi sakanila.
"Then what?at isa pa ba't ka ba napalagay sa sitwasyon na yon?" Tanong naman ni Eunice na mag kasalubong na rin ang kilay.
Nako sabi na eh. Mahabang paliwanagan ito ngayon. Nako po.
"Ganto kasi yan. Hindi ko sadyang mabunggo siya kanina kasi sa sobrang pag mamadali ko at atat na makapunta ng room na papasukan ko, Hindi ko man lang siya nakita at natitigan kaya nabunggo ko siya, pero Hindi naman sobrang lakas ng pa kakabunggo ko sakanya eh, masyado lang talaga siyang maarte." Pag papaliwanag ko sakanila
"And??" Tanong pa nila.
Tss di pa ba? Arghh asar na kaya.
"Tas yun nga nag kabangayan kami hanggang sa dumating ang principal ng school na to na nanay pala nung lalakeng nakabungguan ko." Sabi ko pa.
Napa "ah" nalang sila sa sinabi ko at sinagot nalang nila yon. Malay ko bang magiging magulo unang pasok ko sa eskwelahan na to? Hindi man ako ininform na ganito mangyayari edi sana sumama na nga lang ako sa america para makasama ko pa sina mom and dad especially kuya, but don't take it seriously, Hindi pa din ako sasama dahil mahal ko pa din tong dalawang to at Hindi ko sila kayang iwan nalang. Peaceyow haha.
"Yun lang? Diba sabi mo hinila ka niya ulit kanina?" Tanong nanaman nila. Hays kelangan talaga buong kwento? Nakaka pagod kaya minsang dumada.
" Pag kalabas Namin kanina ng principal office nag kabangayan nga ulit kami sa labas, tapos iyon nga nakita ko kayo at pinuntahan ko na agad. Bwisit kasi yung Kieth na yon eh." Sabi mo sakanila sabay kamot sa batok ko.
Bigla namang natigilan ang dalawa at ganon din ako, tumingin sila sakin nang di kaaya ayang titig kaya nag salita ako
"Ano ba? Ano nanaman?" Banggit ko sa kanilang dalawa.
"Kieth pala ha." parehas nilang banggit saakin.
"Oh? Eh ano?" Tanong ko sakanila.
"May nang yari bang di kaaya aya Shana?" Tanong nilang dalawa saakin na ngayon ay parehas nang kumikinang mga mata nila.
"Ano bang klaseng tanong yan, Sharlene, Eunice? Igagaya niyo ba ko sainyo?" Pang aasar ko sa dalawa.
"Hoy sakit mo namang mag salita, binibiro ko lang diyan na memersonal ka na" banggit sakin ni Eunice na naka pout na ngayon. Sa cute talaga ng asong ito hahahah.
"Yah! Grabe ka naman sa amin kung ganon." Pag rereklamo naman ni Sharlene saakin.
Ano ba yan, mga sensitive talaga tong mga to. Binibiro lang din eh, mga pikon rin hahahah.
"Hindi na kayo na sanay hahaha, sige na sorry na oh, peace na" sabay peace sign sakanila. " Ang daya niyo talaga pag ako nag bibiro lagi niyo nalang akong pag tutulungan, Hindi yon patas ha 2 in 1 eh hahahahah." Banggit ko sakanila sabay tawa. Humalakhak na rin ang mga to at biglang namang may nag salita.
Sino ba yon istorbo..
Sabi ko sa isip ko.Napa tingin nalang kami sa kanya at aba, ANG GANDA NIYA! Napaka puti at kitang kita ang dimple sa kanyang mga ngiti. Napaka cute niya kung tutuusin. Para rin siyang aso.. naisip ko nanaman.
"Ahm Hi pwede bang mag tanong?" Sabi niya saamin.
Nawala naman ang ngiti ko kasi akala ko naging interisado siya samin dahil tawanan kami ng tawanan tapos ngayon mag tatanong lang pala. Asar hmp.
"Ahh ano yon?" Tanong ni Eunice doon sa babae.
Tinitigan ko naman si Sharlene na iniirap irapan ang babaw ng yon kaya ako naman ay nag pipigil ng tawa.
Napansin naman kami ni Eunice kaya bigla niya kami parehas nilakihan ng mata, pero Hindi kami nadala dito o natakot kundi hindi na namin napigilan ang among tawanan.
"Hahahahaahah" tawang tawa naming halakhak ni Sharlene. Naningkit naman ang mga mata ni Eunice kaya natigilan kami saglit pero nag tawanan din sa huli.
Hahahahah grabe ayoko talaga na sinisita kami ni Eunice Hindi kasi Bagay sakanya lalo na sa muka kaya nakakatuwa hahahaha.
"Ahh I guess sa iba nalang ako mag tatanong, thank you anyway." Sabi ng babae samin na naweirdohan ata samin.
Natawa naman lalo kami ni Sharlene kaya ngayon ay inis na inis na ngayon si Eunice.
"Yun na sana yun eh! Edi sana may bago tayong kaibigan pero ano ginawa niyo? Nag tawanan nanaman kayo hmp!" Asar na sabi niya samin, halos pulang pula na muka na parang sili na ang lumabas hahaha kaya nag tawanan nanaman kami ni Sharlene.
"Hahahahah" kaming dalawa ni Sharlene
"Kayo naman eh!" Halatang Hindi na natutuwa si Eunice kaya tumigil na kaming dalawa ni Sharlene
"Sorry na."sabay naming sabi sakanya.
Pikon hahaha.
BINABASA MO ANG
Until we meet again (Slow-Update)
Romance"Nagpakatanga ako sayo noong una kaya sa pangalawang pagkakataon sisiguraduhin ko namang ikaw ang masasaktan at hindi ako."