Yoongi's POV:
Lumapit ako sa kaniya.
"A-ano ba, Y-yoongi.." Napa-tayo siya dahil umiiwas siya sa akin.
Hindi ko siya pinansin at naglakad pa din ako papalapit sa kaniya.
Napa-tigil siya sa paglayo sa akin nang biglang tumunog ang cellphone niya.
Nakawala siya sa akin at kinuha niya ang cellphone niya sa bag niya.
Nakita ko na may kachat siya. Sino kaya 'yon?
Maya-maya ay hindi na ako makapag-intay at kinuha ko sa kaniya ang cellphone niya.
"Ano ba, Yoongi! Ibigay mo nga sa akin 'yan!" Pilit niyang inaabot ang cellphone niya.
Kahit maliit ako, mabilis ako 'no!
Tumigil siya sa pag-agaw niya sa cellphone niya kaya nakita ko na.
Jagiya? Chimmy?
Napa-higpit ang kapit ko sa cellphone niya.
Tiningnan ko siya ng masama at napa-lunok siya.
Kinuha niya 'yung cellphone niya mula sa akin.
"'W-wag ka ngang p-pakielamero.." Sabi niya at nilagay ang cellphone niya sa bulsa niya.
Lumapit uli ako sa kaniya unti-unti. At kabaligtaran naman ang ginawa niya.
Hindi na siya naka-urong pa dahil nasa pader na ang likod niya.
Nilagay ko ang kamay ko sa magkabilang side niya.
"Y-yoongi.. L-layuan m-mo nga ako!!" Tinutulak niya ako palayo pero malakas ako, pero sa totoo lang, malakas siya. Pero mas malakas ako.
"Bakit si Jimin?" Bulong ko.
"E-eh.. Ba-bakit hindi si Jimin?"
Sinuntok ko ang pader at napa-pikit siya.
Tinitigan ko lang siya at naramdaman kong tumulo ang luha ko.
Dumilat siya at pinunasan ang luha ko kahit kinakabahan siya.
Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya at inilagay ko ito sa magkabilang side niya. At..
Hinalikan ko siya.
Sa una ay hindi siya tumugon. Wala siyang ginawa kundi ang kumawala.
Pero maya-maya pa ay bumigay na din siya at tumugon na din.
Binitawan ko ang kamay niya at hinawakan ang pisngi niya.
Biglang bumukas ang pinto at biglang may humila sa akin at naramdaman kong nasa lapag ako at may dugo sa labi ko.
"HYUNG ANONG GINAGAWA MO?!"
"J-jimin.." Narinig kong sabi ni Rose.
"Hyung.. Bakit si Rose?" Tanong ni Jimin.
Tumayo ako at hinarap siya.
"Kasi mahal ko si Rose at--"
"HAYOP KA!" Bigla niya ulit akong sinuntok.
"JIMIN! TAMA NA!" Sigaw ni Rose.
"TULONG! TULONG!"
Naramdaman kong may humila sa amin palayo.
"Jimin! Awat na. Tama na 'yan!" Sabi ni Hoseok.
"Hyung, ano ba 'to?!" Tanong sa akin ni Namjoon.
"Paano na lang 'yung kasunduan natin, hyung ha?! Diba walang patusan?!" Sigaw sa akin ni Jimin.
"Pumayag na akong mapa-sa'yo si Seulgi! At hindi ko kasalanan na nagkagusto sa akin si Seulgi! Pumayag akong ikaw ang maging bida sa barkada! Pumayag ako sa lahat! Ngayon lang ako magiging madamot! Sana naman pagbigyan mo ako! Tangina kasi, nauna ako sa iyo, Jimin! Nauna akong mahalin si Rose! Putangina lang dahil naunahan mo lang ako sa panliligaw!" Sigaw ko din.
"Simula ngayon, kalimutan mo na lang na nagka-kilala tayo, Yoongi. Bitawan niyo ako!" Kumawala siya at umalis na.
Tiningnan ko si Rose at lumabas na lang din siya.
Akala ko kapag sinunod ko ang puso ko, magiging masaya ako. Pero ano 'tong nangyari? Bakit hindi ako masaya?
BINABASA MO ANG
first love「compltd」
Short Story❝ in which these two violent people met through wattpad 。❞ 【story that doesn't have to do with the title #1 ; bangtanpink # 1 】「yoongi X rose」 ◇11/28/16 - 01/24/17◇ xx 28 in ss cover: @tozakisana @saeriinade heheszx