VIA'S POV
Nakaupo lang ako isang balkonahe nakatulala sa langit at pinagmamasdan ang mga bituin. Ganito ang gawain ko gabi gabi, nag iisip ng kung ano anong bagay.
Hi! Im Aislinn Via Montana , you can call me ' Via' but my momma (grandmother) call me Aisle.
Lumaki ako sa grandmother ko, kasi naghiwalay na ang mga magulang ko noong limang taon gulang ako. Kaya iniwan nila ako kay Momma noong anim na taon palang ako. May kanya kanya na silang pamilya. Kami lang ni lola ang magkasama sa buhay. Once in a blue moon lang ako makipagkita sa mga magulang ko, anak ni momma yung father ko.Im 16 yrs old, turning 17 on 14th of February. A fourth year high school student.
"Oh! Aisle iha nakatulala ka na naman dyan, tara na at maghahapunan na tayo" bumalik ako sa realidad ng dumating si lola.
"Yes momma susunod na po ako"Malakas pa si momma, kitang kita mo parin ang ganda niya kahit matanda na kaya nga mahal na mahal yan ni poppa eh. Si poppa (grandfather) naman wala na inatake sa puso.
Tumayo na ako at sumunod kay momma sa dining area upang kumain. Habang kumakain napansin ko si momma na nakatingin sa akin.
"Bakit po momma?" tanong ko
"Wala naman iha nakikita ko lang sayo na dalagang dalaga kana" aniya
"Oo nga pala apo mag bibirthday kana ano gusto mo?" dugtong niya
"momma wala naman po akong gusto na kahit na anong bagay e. Okay na po ako kahit katulad nalang last year. Yung ordinary day lang po" sabi ko kay momma.
"Sige apo, basta kapag gusto mo magcelebrate sabihin mo lang sa akin ha. At wag mo ng isipin ang nangyari dati at nakaraan na yon hindi na mangyayari yon"
-
Umakyat na ako sa kwarto ko pagkatapos naming mag dinner ni momma. Nagtungo ako sa bathroom at nagbabad muna sa bathtub at pagkatapos ng ilang minuto nagbihis na ako ng aking pantulog, pajama na kulay gray at sando na black.Pinatay ko ang ilaw at humiga sa kama tumitig ako sa kisame at naalala ko na naman ang nangyari dati na hindi ko makakalimutan. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
~~~~~
First time ko magsulat , beginner pa lang kaya trying hard pa. Hahaha sa mga makakabasa pa comment naman po kahit na anong comment. :)
Follow/add me:
Ig: @sarrahmanalo
Fb: Sarrah Manalo
Twttr: @srhmsnjn
YOU ARE READING
Mysterious Girl meet Gangster Guy
Teen FictionMysterious Girl meets Gangster Guy 'A girl with full of secrets in her life. A guy full of excitement in his life.' Magtagpo kaya ang kanilang landas? May posibilidad ba na maging magkaibigan sila or more than that. O kaya mortal enemy? Ano...