tok! tok!tok! tok!
Nagising ako sa isang katok na nanggagaling sa pintuan.
"Miss Via gumising na po kayo at maghanda pinasasabi ni madam at magsisimba daw po kayo" Dinig kong sabi ng isang kasambahay.
May apat na kasambahay si momma isang tagaluto, isang tagalinis ng bahay, isang taga asikaso sa amin ni momma at isang pinakahead nila si Yaya Lucy bale lima pala kasi kasama ang anak ni yaya Lucy na si Trixie. Ahead sakin ng 5years si Trixie tumutulong din siya dito sa bahay. Meron din na dalawang driver at dalawang guard si momma. Kaunti lang sadya ang kinuha ni momma kasi kami lang naman dalawa sa mansion.
"Okay" sagot ko habang nakapikit pa ang mga mata ko. After sixty seconds tumayo na ako at tiningnan ang orasan 6:18am. Dumeretso na ako sa bathroom at naligo pagkatapos ay nagbihis ng simpleng white dress na above the knee then sandals na skyblue. Sinipat ko ang itsura ko sa salamin then bumaba na ako ng hagdan. Nakita ko si momma na may kausap sa telepono paniguradong assistant nya iyon at about sa company ni momma. Binaba na ni momma ang telepono at sabay napatingin sa akin.
"Goodmorning Aisle lets eat breakfast first before we leave." aniya. Meron na bacon, egg, hotdog fried rice and plain rice. Mas gusto ko ang plain rice kasi feeling ko inaantok ako sa fried rice e.
Umupo ako at ngumiti ng konti. "Morning momma" kumuha na ako ng pagkain at nagsimula ng kumain.
"After natin na magsimba dumaan muna tayo sa office mamaya"sabi ni momma, tumango na lang ako bilang tugon.
Pagkatapos namin magbreakfast, lumabas na kami at tinawag na ni momma si manong Roger ang driver ni momma at pinagbuksan kami ng pintuan parehas kaming nasa backseat ni momma. Tuluyan ng pinaandar ni manong Roger ang sasakyan.
Habang nasa byahe nag uusap lang kami ni momma mga random stuff lang. After 45 minutes nakarating na kami sa San Agustin Church the oldest church in the Philippines. Ito ang paboritong simbahan ni momma kasi dito sila unang nagmeet ni poppa kaya dito kami lagi nagsisimba.
Pumasok na kami sa loob ng simbahan at naupo sa bandang gitna. Nakinig kami sa misa ni father at pagkatapos non ay nagstay muna kami ni momma. Alam kong kinakausap na naman ni momma si poppa sa isip at puso nya. Tumahimik nalang ako sa aking inuupuan at pinagmamasdan ang mga taong lumalabas ng simbahan.
Hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang isang pamilya na masayang nagsisitawanan.
--Flash Back--
11 years ago"Hahahahah!"
"Daddy stop it "
"hahaha hahaha" he won't stopped tickling me.
"No baby i wont stop" he continued again and again and again.
"Hihihi" i chuckled when he fell at the floor.
"Mommy! Daddy! Ayabbyuu hihihi"
"Iloveyoutoo baby" mom said
"Iloveyouthree baby" dad said while laughing.
We laughed together like no tomorrow
--End--
Nagbabadya na ang luha ko na tumulo pero napunasan ko agad ito bago pa man tumingin sa akin si momma at ayain na umalis na.
"Lets go Aisle" momma said
Tumayo na ako at sumunod kay momma papalabas ng simbahan.
Sumakay na kami ng sasakyan at nagtungo sa company ni momma.Nagstay muna ako mag isa sa office ni momma kasi may meeting pala sya ngayon. After nun ay umuwi na kami kasi maaga pa ang pasok ko bukas.
~~~
First time ko magsulat , beginner pa lang kaya trying hard pa. Hahaha sa mga makakabasa pa comment naman po kahit na anong comment. :)
Follow/add me:
Ig: @sarrahmanalo
Fb: Sarrah Manalo
Twttr: @srhmsnjn
ThankYou :*
![](https://img.wattpad.com/cover/77355654-288-k145046.jpg)
YOU ARE READING
Mysterious Girl meet Gangster Guy
Novela JuvenilMysterious Girl meets Gangster Guy 'A girl with full of secrets in her life. A guy full of excitement in his life.' Magtagpo kaya ang kanilang landas? May posibilidad ba na maging magkaibigan sila or more than that. O kaya mortal enemy? Ano...