"H--ha? Patingin nga." Tapos bigla ko na lang hinatak yung cellphone nitong isa sa mga nurse.
Promise anytime sasabog na talaga ang ulo ko sa sobrang sakit at kahihiyan. Mukhang hindi lang ata most embarassing moment ang nakuha ko ko ngayong araw dahil kahit ang most unforgettable moment ko ito na rin.
Gosh! Ano bang gulo itong pinasok ko? Bakit ako kailangang parusahan ng ganito? Saka hindi ba parang napaka-aga naman ata ng karma para sa kalokohang ginawa ko kani-kanina lang?
Kasi naman e dapat talaga hindi ko na lang siya ginamit.
"Ayyyyiiieee.... Ang pamangkin ko nagbla-blush."
"Pwede ba auntie gamutin mo na lang si C.C. dahil mukhang may sprain siya."
"Ay hijo change topic?"
"Auntie naman e!"
"Naku talagang ngang binata ka na. Sa wakas nakakasigurado na kami ng mommy mo na hindi ka tatandang binata ang akala pa na naman namin mauunahan ka pang makapag-asawa ng kapatid mong si Kelie."
"Teka-teka bakit mukhang naririnig ko ata ang pangalan ko diyan?"
"Kelie!"
Finally nakahanap din ako ng kakampi ko.
"C.C.!" Then she kiss my cheeks.
"Kelie hija kamusta ka na?" Tanong nung auntie nila habang chine-check ang paa ko.
"Ayos lang naman po tita."
"Mabuti naman sige maiwan ko muna kayong tatlo at hahanapin ko lang yung pain reliever para kay C.C." Tapos iniwan na kami nung auntie nila kasama yung dalawang nurse.
"Naligaw ka ata asan si Jake?" Seryosong tanong ni Carl sa kapatid niya.
Oo nga naman na saan si Jake? Mukhang isang napakalaking himala atang hindi sila magkasama ngayon ng boyfriend niya.
"Ay kuya kong gwapo si Jake agad-agad? Hindi ba pwedeng kamustahin mo muna yung kapatid mo?"
"Naku pwede bang tigil-tigilan mo ako Kelie? Remember I'm your older brother that's why I know you very well. Spill it out my dear beautiful sister, whats bring you here?"
Astig din mag-usap ang magkapatid na ito talagang nagbolahan pa.
"Fine kuya. Nakaabot lang naman sa P.A. ang video nyong dalawa nitong si C.C. at tulad nga ng sinabi mo magkapatid tayo kaya alam kong dito mo siya dadalhin."
Kung ganoon umabot na rin pala hanggang sa school namin yung video. Haaay, ito na nga ba ang dis-advantage ng high-tec na technology e.
"So how is it kuya? Kayo na ba talaga nitong kaibigan kong si C.C.? Eh paano na sina kuya Kevin at ate Kathleen? Nakipag break na ba kayo sa kani---"
Hindi na pinatapos ni Carl si Kelie sa pagsasalita kasi agad niyang tinakpan ang bibig nito.
"Shhh... Wag kang maingay baka marinig ka ni auntie." Mahinang bulong ni Carl.
"*whisper* Bakit kuya may itinatago ba kayong sikreto ni C.C.?"
O sige OP na naman ako dito. Akala ko pa naman dahil nandito na si Kelie ay makaka-relate na ako sa mga pinag-uusapan kaso mukhang hindi pa rin.
"Kakatapos lang namin makipag-break doon sa dalawa and it's official kami na ni C.C. *smile*"
Eh? Pwede paki-ulit? Parang bigla ata akong nabingi.
"AHHHHH!!!... It's really true kuya? Si C.C. na talaga ang girlfriend mo? Gosh I'm so happy for both of you." Then Kelie immediately hug me.
"Just don't tell auntie about this okay? Ang alam kasi niya matagal ko ng girlfriend itong si C.C."
BINABASA MO ANG
He Loves Me NOT, He Loves Me NOW!
Teen FictionSi Cristine Choi ay isang babae na lagi na lang bigo sa pag-ibig. Her biggest role in th world was to be a certified REBOUND! As in lahat na lang ng taong mamahalin niya ay lagi na lang TAKEN ang puso. May pag-asa pa ka siyang mahanap si Mr. Right G...