Continue....FAST FORWARD,sa garden nila Allison...
Allison: "Bakit po mommy,daddy?"
Gray: "May kailangan kang malaman anak."
Thea: "at siguro,ito na yung tamang panahon na sabihin namin sayo lahat kung bakit ganito ang buhay natin."
Alli: "Sige po mommy."
Thea: "Noong nakalipas na taon,may dalawang magkaibigan."
Thea: "O?Bakit ka umiiyak Bea?"
Bea: "Bestfriend,akala ko ako ang gusto niya,yun pala hindi kasi may girlfriend na siya."
Thea: "Ha?Sino ba kasi yang lalaking yan?Hindi mo pa napapakilala sa akin yan ah?Tsaka hindi ko rin napakilala sayo ang boyfriend ko."
Bea: "Ipakilala?Eh hindi ko naman boyfriend yun eh,gusto ko lang."
Thea: "Hay naku,alam mo,mabuti pa,sumama ka nalang kay tita sa Europe.Total,sinasayang mo lang ang oras mo dito at sa taong yun."
Bea: "Tama ka."
Gray: "Nakalipas ng ilang taon,umuwi si Bea pero hindi niya alam na kinasala na kami ng mommy mo at nagka-anak na kami,at ikaw ang bunga ng pagmamahalan namin ng mommy mo anak."
Bea: "Wala hiya ka Thea!"
Thea: "Bea,wala akong kasalanan,ako ang minahal ni Grayson,susulat sana ako sayo bestfriend pero...."
Bea: "Bestfriend?Hindi na tayo magkaibigan! Ito ang tatandaan niyo,hindi ko hahayaang maging masaya kayo!Magugulat nalang kayo sa gagawin ko sa inyo.At babalik pa ako dito.HIndi pa tau tapos!"
Thea: "Nagalit sa amin si Bea kaya naisip kong pumunta sa isang ispiritista sa sumpa kasi nagduda na ako na ang igaganti niya sa akin ay isang sumpa kasi rin dati,bago kami nagkakilala,mangkukulam daw siya pero hindi yung klaseng kumukulam nalang ng basta basta,may ginagamit siya para sa pagsumpa,ang kuwentas niya,ang Kuwentas Ng Sumpa...."
Thea: "Jen,ano po bang kailangan kong gawin para malabanan ang sumpa ni Bea sa akin.Alam niyo naman po ang kwento kasi ikunuwento ko na sa inyo lahat."
Jen: "Sandali lang,huhulaan ko muna kung ano ang isusumpa niya sayo.......................................................................................................Posibling gawin ka niyang bagay o hayop.Pero hindi lang ikaw ang gagantihan niya,pati pamilya mo."
Thea: "Ayaw kong madamay ang pamilya ko dito kaya magtutuos kami.Ano ba ang pwedeng gamitin ko para kalabanin siya?"
Jen: "Itong kwentas."
Thea: "Ano naman ang kwentas na yan?"
Jen: "Bigay sa akin ng mommy ko.Kwentas ng Kalayaan.Ito ang magpoprotekta sa iyo at sa pamilya mo at kung maaari,wag mong hubarin ang kwentas nayan dahil posibling dumating siya at hindi mo yan suot-suot,wala ka ng chance na maging tao ulit."
Gray: "Isang araw...."
Bea: "Mang-aagaw!"
Thea: "Mang-agaw na kung mang--aagaw pero ako ang minahal niyahindi ikaw!"
Bea: "Oo na!Panalo ka!Pero sa pagkapanalo mo,may kapalit na kamalasan sa buhay mo!Ito!!!!!!!"
Thea: "Wag!"
Thea: "Naglaban kami pero hindi kinaya ng kwentas ko ang lakas ng kwentas niya kaya natalo ako at kami ng daddy mo naging plorera at aso."
Alli: "So,yung Bea ang may dahilan kaya hindi tayo namumuhay ng normal at masaya?"
Thea: "Oo anak."
Alli: "Wag po kayong mag-alala,hahanapin ko po si titta Bea at sisiguraduhin kong mawawala ang sumpa sa inyo.."
Thea & Gray: "Thank you sweetie."
Malapit na mag ala una ng Lunes.......
Thea: "Malapit na ang oras anak."
Gray: "Kailangan na naming bumalik sweetie."
Thea & Gray: "Goodnight anak."
Alli: "Goodmorning mommy hindi na po gabi."
Tuesday ng umaga.......Sa room.....
Raven: "Here comes Ms. Weird!"
Aubrey: "No Raven! She's not Ms.Weird,she's Ms.Aswang.Hhhahahahahaha"
Alli: "Tigilan niyo na nga ako!Wala naman akong kasalanan sa inyo lalong lalo ka na Raven! Bakit?Nagagalit ka kasi hindi ikaw ang iboboto ko sa School Government Day??Sorry pero hindi tlaga,kasi si Patrick ang iboboto ko."
Raven: "Baka naman crush mo si Patrick."
Alli: "Hindi ako ganoong tao Raven,hinding hindi ako magiging ikaw.Plastik.Wala ka ng masabi?Kasi marami pa akong gustong sabihin sayo.Kaya kung ayaw mong pumutok ka sa galit sa mga sasabihin ko sayo,tumahimik ka nalang,ayaw ko na ng away kaya pwede ba?Wag ka nalang manggulo kasi kahit ano mang gawin mo sa akin,hinding hindi kita iboboto."
Raven: "I hate you!I swear I hate you!"
Alli: "I hate you more."