Chapter 6

7 0 0
                                    

RACH

Nandito na kami sa last class namin which is Advance Math. Agad kong hinanap si Firo ngunit hindi ko siya makita. Naupo na kami at umupo ako sa tabi ni Thomas. May bakante sa kanan ko at balak kong paupuin si Firo doon. Paano ko gagawin iyon? Hindi ko din alam.

" Where is he?" mahina kong sambit kay Thomas but he just shrugged.

Bipolar. Tsk. Napansin ko ang mga matang nakatingin sa akin. Marahil iniisip nila kung bakit kasama ko ang mga naggagwapuhang lalaking ito.

" First day of class palang,ganyan na siya. Pabida. " bulong ng isa.

" Oo nga. Awayin daw ba si Kate? Hello? Kate's the owner of this school. " sabi ng isa pa.

Minabuti kong hindi nalang sila pansinin.Hindi sila ang pakay ko dito. Ilang sandali pa ay dumating ang professor namin ngunit hindi ko pa rin nakikita si Firo. Umayos na kami ng upo at natapos na rin ang bulungan.

Tumunog ang cellphone ko to see that Jas texted me. " Si Derek nakatingin sayo. " Agad kong hinanap ang taong tinutukoy ni Jas. And there he is, intently looking at me. I shivered. Nakakapangilabot ang titig niya ngunit tinago ko ito at tinaas ko ang kilay ko. Bakit siya ganyan makatingin? But instead of looking away mas lalo niya pa akong tinignan na para bang inoobserbahan niya ang buong katauhan ko.

Nawala lamang ang kanyang atensyon nang dumating ang aking hinihintay, si Firo. Hindi na siya nag abalang batiin ang aming guro. Tsk. Walang galang. Nakuha niya ang atensyon ng lahat. Huminto siya sa unahan at inikot ang mata. Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at tumabi sa upuan ko. All the jaws of the girls dropped. Nakita ko ang ngisi nina Jas at Olivia.

Tinignan ko siya at nakita ang masamang tingin niya kay Derek. Napakunot ang noo ko, ano ang meron sa dalawang ito? Ngunit marahil ay napansin niya ang mga titig ko sa kaniya, mabilis niya kong tinignan. My heart skipped a beat nang makita ang itim na itim niyang mga mata na puno ng kaseryosohan. Nagulat ako sa kanyang sinabi, " I don't want you looking at other boys. Let's play this game fair. I am yours and you are mine. Let's see who'll be the one to fall first."

Hindi ko alam kung seryoso siya o hindi ngunit napangiti ako sa sinabi niya. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. " Sino ang nagsabi sayo na naglalaro ako ng patas? I'm an evil player."

Dahil sa sinabi ko ay lalong nagseryoso ang mukha niya. He stood up and stretched his hands upwards. Napatingin sa kaniya ang lahat ng tao sa loob ng kwarto. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Naamoy ko ang mabango niyang hininga. Napapitlag ako sa sinabi niya, " I'm going to be your angel then. " and excused himself to get out of the room.

What was that?

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon