All about him

60 5 1
                                    


Hades POV

Nagising ako dahil sa ingay na nangagaling sa kapit bahay namin. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko at tinignan kung anong oras na. Alas dose na ng tanghali kaya naisipan ko ng bumangon. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina.

Naabutan ko si Mama na naghahanda ng panang halian 

"Oh anak mabuti at gising kana, sabihin mo namang kay Rosa kung pwedng mangutang kahit isang noodles at sardinas lang oh, pagnakatanggap nalang kamo ako ng labada tsaka ko sya babayaran"-sabi nya saakin. Wala nalang akong sinagot at lumabas na ng bahay

Pumunta ako sa isang maliit na sari-sari store na pagmamay-ari ni Aling Rosa at nagbakasakaling pautangin ako

"Aling Rosa pautang naman ng isang Lucky me at sardinas sa sweldo ko nalang babayaran"-sabi ko 

"Naku Hades! yan din ang sinabi  mo nung nakaraang linggo nang mangutang ka,na hanggang ngayon ay hindi pa bayad.Oh! last nayan ha mahaba na ang listahan ng utang nyo sakin."-sabi nya at binigay sakin ang isang pakete ng lucky me at sardinas.

"Salamat Aling Rosa"-sabi ko at umalis na 

Sa totoo lang kung susumahin ang gastusin namin sa loob ng isang linggo ay hindi magkakasya ang sahod ko bilang isang waiter sa restaurant.

Bumalik ako sa bahay at inabot kay Mama ang mga pinautang nya.mayamaya pa ay sinimulan na naming kumain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang magsalita si Mama

"Kung hindi lang sana tayo pinabayaan ng ama mo edi sana  mas maayos at masarap ang kinakain mo,Pasensya ka na nak, ha"-sabi ni mama at hinawakan ang knang kamay ko. Ngumiti lang ako at sumagot

"Okay lang iyon ma, Tsaka masarap naman ang ulam natin ha"-sabi ko at nagpatuloy ng pagkain.

Lumabas ako ng bahay at tumambay sa kanto ng marinig kong nag-uusap.Hindi ko na sana pa iyon papansinin ng bigla nila akong lapitan

"Totoy, gusto mo bang magkaroon ng trabaho?"-tanong nya sakin

"Anong klase naman hong trabaho?"-tanong ko naman, ngumiti lang ito sakin at sinaing sumunod sa kanya.

.

.

.

.

..

.

.


.

Umuwi ako ng bahay ng hindi alam ang gagawin.Hawak ko ang kapirasong papel na may numero kung sakali mang mag-bago ang isip ko.

Pumasok ako sa bahay at naabutan wala si Mama roon

"Ma!"-tawag ko at nilapitan si mama na nakahiga sa sahig habang walang malay.

Wala sa sariling binuhat ko ito at namamadaling sumakay sa  tricycle papuntang Hospital.

Inasikaso agad sya ng mga naroon at pinag-intay ako sa labas

"Sino ho ang kamag-anak ng pasente?"-tanong ng doctor na kakalabas pa lang

"ako ho"-sagot ko at lumapit sa kanya

"Kailangan ng nanay mo na magpahinga masyado na syang stress, kailangan rin nya na uminom ng mga vitamins, Hijo, hindi na bumabata si nanay kaya iwas sya sa mga instant na food okay? Sige maiwan na kita"-sabi nya at umalis

Wala pa sa minimum ang sweldo ko sa pag we-waiter kung hahatiin ko ang pambili ng maintenance ni nanay sa pang-araw-araw na gastusin, hindi na kami makakabayad ng upa sa bahay

Ayaw ko namang magkasala dahil lang sa gipit ako pero anong gagawin ko? Kapag hindi nabili ang gamot ni nanay magkakasakit syya kapag napa-alis kami sa bahay mamomoroblema si Mama at mas ma-i-istress sya

Tatangapin ko pa ba ang pagiging isang magnanakaw?










'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

VOMMENTS

Stoling the Rebels Heart (On-Hold)Where stories live. Discover now