Meet Daniel Jed Arrevalo.
I was lying there at the very bottom of the pool, to let the time pass, when a lady swam past me. I could barely see her face, only her eyes. Her hair was everywhere: covering her nose and her lips. I felt curious. I wanted to see more, to see what she looks like.... It's weird, because there's something in my mind telling me that I badly need to know who she is.
Lumangoy ako papunta sa direksyon nya. Nakita ko na tumigil na sya at nakatayo na lang sa may pool, walang tao sa paligid maliban saming dalawa, sinubukan ko syang tawagin para makuha ang atensyon nya.
"Miss?" sabi ko. Haharap na sya, mabagal ang galaw.
Unti-unti ko nang nakikita ang muka nya... konti na lang pero biglang....
KRRIIIING!!
Tumunog ang alarm clock ko.
"Psh. Yun na naman?" Nilagay ko ang braso ko sa noo ko after kong i-off ang eskandalosong alarm clock ko.
Seriously? Ano bang panaginip yon? Ayaw akong lubayan, pero ayaw naman ipakita yung muka ng babae.
Kung nakakamatay lang ang sobrang pagka-curious at pag iisip baka hindi na ko nakapag college pa. Matagal ko nang napapaniginipan ang babaeng yon, since 3rd year high school until now. Actually nung 3rd year sobrang dalas, pero nang tumatagal, nawawala naman, tapos babalik, tapos mawawala, then eto na ulit, ito ang unang pag ulit ng panaginip na yon ng nasa college na ako.
Hindi na nawala sa isip ko yung babae sa pool or should i say, yung babae sa panaginip ko. Tandang tanda ko yung mga mata nya, kaya minsan pag nasa school ako o kahit sa ibang lugar sinusubukan kong tingnan yung mga mata ng mga babae na nakikita ko, pasimple lang malamang, baka kung anong isipin sakin pag nagkataon eh.
Naalala ko pa, 4th year high school ako nang pumunta ako sa school library para manghiram ng libro tungkol sa mga panaginip. Buong gabi kong binasa yung mga relevant information pero one sentence caught my thought. Paulit ulit kong binasa yon at matagal na tinitigan.
"Every face that you see while dreaming you have seen in real life at least once. It is someone who you just don't recognize."
If she is someone I have met before bakit hindi umaabot sa punto na makita ko yung mukha nya? Bakit ako pinapahirapan ng sarili kong panaginip. Ano bang meron sa babae na yon? Hay. Nakakabaliw to ah.
Isang araw, during our vacant time kasama ko ang barkada ko. Naisipan kong magtanong at magkwento sa kanila.
"Tol, may tanong ako" sabi ko sa kanila, kaya natigilan sila sa pag kanta.
"Oh ano na naman ba yan Daniel? kung subject matters lang yan, wag na. Wag ka muna mag aral. mag sawa ka naman dude!" sabi ni Tonio sakin.
"Hindi. Hindi. Wala naman akong aasahan sa inyo pag dating don. hahaha. biro lang. Ano, tungkol sa panaginip."
"Panaginip? as in dream?" sabat naman ni Andrew.
"Gag* magtanong dude? nasan utak mo?" Binatukan sya ni Mykel. kasi naman diba, malamang dream nga, ano pa ba? =_="
Nagtawanan lang sila, pero inopen ko ulit yung topic, kasi nga napanaginipan ko na naman yung weird na yon.
"Eh ano ba kasing klaseng panaginip yan hah Mr. Daniel Jed T. Arrevalo?" tanong ni Andrew, at talagang buong pangalan ko pa pero ang tawag talaga nila sakin, Daniel pati na rin ng ibang mga student at teacher dito sa school.