Nagtataka ako kung bakit hindi nagsasawa ang mga tao sa pangaraw araw nilang buhay. Gigising, kakain ng agahan, papasok sa trabaho o sa eskuwelahan. Araw-araw, ginagawa natin ang pare-parehong mga bagay. Siguro ako lang tong walang magawa sa buhay. At nangyari ang lahat..
Nanunuod ako ng pelikula sa telebisyon. Napakainit nung araw na yon. Ang kapatid ko ay nasa eskuwelahan na. Ako? Siguro mas interesante ang The Italian Job kaysa Physics.
Patalastas na naman. Puro patalastas. Pilit silang nagbebenta ng mga bagay na kadalasan hindi naman kailangan ng mga tao. Naburyo ako, tumayo ako at tinawagan si Shane.
"Oi! Shane, gising ka na ba?", ang garalgal kong boses na madalas gumulat sa nanay nia.
"Pre, kakatamad dito e. Punta ako dian sa bahay nio, ok lang?"
"Ugh.."
"Parang kagigising mo lang ha. Wag ka na maginarte. Punta ako dian mamayang hapon."
Siguro naman hindi ko na kailangan ipakilala sainyo kung sino si Shane. Kaibigan ko siya, isang malapit na kaibigan. Siguro nagising sa lakas ng boses ko. haha! kupal na yun. antukin kasi at madalas magpuyat. Gigising yun ng bandang hapon na kaya madalas wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari sa umaga. Nagtataka lng ako, hindi yung nanay nia yung sumagot ng telepono.
Pagkatapos kong kumain ng pananghalian, Sinarado ko ang pinto at naglakad papunta sa bahay ni Shane. Walang laman ang kalsada. Siguro dahil sa napakainit na panahon. Ang taas ng sikat ng araw. Kelangan kong tumakbo bago pa masunog ang balat ko.
Hinihingal akong nakarating sa bahay nila Shane. Binuksan ko ang pinto at pumasok. Hindi ko naman kelangan na kumatok. Parang pangalawang bahay ko na rin naman kasi yun.
Napakatahimik ng bahay nila ngayon ha. Siguro nakatulog na naman siya. Asan kaya nanay niya? Atlis kelangan ko namang mag "good apternun" bilang tanda ng paggalang.
Pumasok ako sa kuwarto ni Shane at wala siya doon, kaya pumunta ako sa unang kwarto ng pupuntahan niya pagkagising, ang kusina.
At nagulat ako! may kagat kagat siyang braso!
Mukhang ako ang nahuli sa balita ngayong araw na to ha..
Dahan dahan akong lumakad para hindi niya mapansin. Nasa kabilang gilid lang siya ng lamesa. Ang katangahan ko naman ang tumulong sakn na kunin ang pansin nia.
Natabig ko yung baso! Shet!
Nagdulot yun ng nakakarinding ingay. Mga piraso ng baso ay nagkalat sa lapag. Ang tubig ay nagkalat. Buti na lang hindi niya yun napansin.
Kaso..yung tubig dahan dahang gumapang papunta sa kinaroroonan ni Shane..
Tumingala si Shane at tumayo. Naglakad siya papalapit sakn na animo'y humihingi ng tulong. Nagtaka ako, aabutin ko na sana ang kanyang mga kamay ng bigla kong nakita kung kaninong braso ang nginangatngat niya kanina..
Kay misis Walker!
Nagulat ako sa aking nakita! Umatras ako. Kaso, dahil tanga nga, Nadulas ako sa bubog. Ang mga kamay ni Shane ay pilit paring umaabot sakn. Teka, mukhang hindi 'to humihingi ng tulong ha. Putsa! gusto niya akong kagatin!
Nahawakan nia ang kanang kamay ko. Ang kaliwa ko naman sa leeg niya. Ang mga ngipin niya ang naguumpukan. Ang panga niya ay taas baba na gumagalaw na animo'y robot.
Nakuha kong sipain siya papalayo. Taranta akong tumayo at tumakbo papalabas ng bahay. Tumakbo palayo. Hindi ako tumigil. Mabilis akong tumakbo na tila hinahabol parin niya ako.
Nakaabot rin ako sa bahay. Agad kong kinandado ang mga pinto. Sumilip sa bintana. Takot na baka nasundan niya ako hanggang dun.
Nakalipas ang ilang saglit. Tinawagan ko si inay. Nasa ospital siya nun. Wala naman siyang sakit. Nars kasi siya dun.
![](https://img.wattpad.com/cover/1044296-288-k598830.jpg)
BINABASA MO ANG
Roaming Stiff [ongoing]
FanfictionAng inyong sombi sorbaybal gayd. Translated to Tagalog. Nakakahiya magingles eh Want me to continue the story? Drop a comment below or Post on our fan page Tell us what do you want to happen.. Cover Photo by Sinead Murphy