Proloque

20 1 1
                                    

Dearest Mary Ann,

How was your day? I hope it was find. You  know I'm always grateful for God gave me another day  to witness your smile. Those smile that can warmth people's heart. How wonderful it is to wake up by your side. I hope someday I can give this letter to you in flesh and express how much you mean to me. Keep smiling my dear sunshine, I'm always here for you. Everything will be okay. Okay?

                       Love,
                                     Mr. Y

"What the Fck?" Tawang tawa naman yung katabi ko after ko basahin yung sulat na binigay sakin ni Kuya Post man.

"Pren, hindi mo naman sinabi sakin
na may admirer ka pala. May pa-keep smiling my dear sunshine pa nalalaman. Shet. Hahahaha!"

"Tuwang-tuwa ka naman. Isang buwan na yang ganyan. Hindi kaya nagkamali lang si Kuya Post man? What do you think?" Tinago ko na yung sulat sa may drawer ko dahil kinikilabutan talaga ako. Halos mapuno na itong drawer dahil sa mga sulat na yan. Shet. Pati tuloy ako napapa-english wala sa oras eh.

"Pren, Mary Ann T. Dela Cruz  nga ang nakalagay sa sulat. Tumpak na tumpak sa pangalan mo!"

Hindi parin kasi ako makapaniwala na may maglalakas ng loob na magsulat para sakin. Sa ganda kong ito? Charot lang. Pero, sulat? As in Letter? Uso parin ba 'to? Ano 'to PenPal? Kahit yung mga magulang ko siguro di na naabutan to eh.

"Sobrang makaluma naman kung sino man ang nagsulat nyan hindi ba uso sakanya yung meet ups o di kaya sana bulaklak nalang yung pinadala nya-hoy! Ibalik mo nga yan sa drawer!" Kinuha kasi ni Lea ang sulat mula sa drawer.

"Teka lang, may titignan lang ako. Halika pren."

Nakita ko kung paano kumot yung noo nya kaya lumapit narin ako. "Ano ba kasi yan tinitignan mo? Ibalik mo na nga yan sa drawer at--" Pinutol na naman nya yung sasabihin ko.


"Isang buwan ka na nakakatanggap ng sulat diba?" Takang tanong nya at kumunot pa ang noo.

"Oo. Bakit?" Pati tuloy noo ko di maiwasan kumunot.

"At hindi mo man lang tinignan kung galing kanino?" Tanong nya ulit na ikinais ko na.

"Oo. Teka-- bakit ba?" Inis kong tanong. Punyeta. Pabitin kasi, isa-isa ang pagtanong. Kapagod sumagot eh.

"Tignan mo kung kanino galing ang sulat oh" Tinuro pa nyu yung pangalan at tinignan ako ng sobrang gulat. Binasa ko naman 'to at..



"E.L.Y"

Ilang sandali pa bago nag sink in sa utak ko yung initials. Pamilyar sakin ang initials na yan. Sobrang pamilyar. At parang gusto ko nalang higupin ako ng lupa dahil hindi kinaya ng sistema ko ang mga nangyayari.

"Yang E.L.Y ay kay..."

**

Lily's Note:
Ganito lagi ang ending ng isang chapter. Bakit? Wala lang, para maiba. Haha. Para sa mga hindi nagbasa/ walang pakialam/ magbabasa pa lang ng profile ko, I don't do long updates. Baket ulit? Kasi medyo tamad si Lily at alam ko may mga readers din na medyo tamad bagbasa ng mahahaba. (Peace ^_^v)

Love, Rose.

STRANGER'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon