Lily's NOTE:
Oh? Maiksi ba ang chapter 2? Sarreh daw sabi ni Lily, pero hanggang dun lang daw kaya ng utak nya per chapter. Hahaha! Kabaliwan din nun eh. Sino si Mr. Y? Maghulaan tayo, dahil hindi ko rin kilala. XDPS. May Twitter si Mary Ann at Si Mr. Y. Hanapin nyo nalang sa accnt. ni Lily ;)))
♡♡
Mary Ann
"Hi! Good afternoon po." Bati ko sa mga watcher ng pasyente. Lumapit ako may bed ng pasyente at ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"Hello langga. Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ang tummy mo?"
Umiling naman yung bata at ngumiti sakin. Aaaaw. Ang cute. Sarap tirisin. Hahaha.
"Oh, ako na anh nurse mo ngayon huh? Ako si Ate Ann. Ikaw, anong name mo?"
"Mikmik." Nahiya pa sya nung sinabi nya name nya saka sumiksik sa nanay nya. Natawa nalang kame.
"Sige po Ma'am, if may kailangan po kayo or may problema po dito.. hanapin nyo lang po ako sa nurse station o pwede po kayo mag dial, para hindi nyo na po kailangan lumabas ng kwarto." Paliwanag ko sa nanay ng pasyente.
"Sige po nurse, thank you."
Isang nigiti at tango ang sinagot ko saka lumabas ng kwarto. At ganun ang routine ko sa 33 patient hawak ng floor namin. Syempre kahit head nurse ka, kailangan mo parin mag rounds at tingnan ang kondisyon ng bawat pasyente. Buhay ang hinahawakan ko. Buhay ng ibang tao.
Kung bakit sila nasa hospital ay dahil kailangan nila ng tulong. Kailangan nila ng pag-aalaga at comfort. Ang pagiging isang nurse ay hindi lang sa pagpapa-inom ng gamot o pagcha-chart. Kailangan intindihan ang estado ng pasyente at hindi yung buong shift lang nakaupo sa station.
Kung tutuusin, ang hirap maging isang nurse. Kailangan mo pakisamahan ang ibang tao at hindi ganun kadali yun. Dahil bawat tao ay may iba't-ibang ugali. You cannot please everyone ika nga. At isa pa, nakakatakot ang bawat galaw ng isang nurse. Naranasan mo na ba ma-ospital? Diba may curiosity kung ano kaya ang binibigay sayo o kung ano ini-inject sayo.
Haaaay. Sana naging housewife nalang ako eh.
Charot! Boyfriend nga wala ako, asawa pa kaya? Baket? Kailangan ba ng asawa para maging housewife? Eh pano yung mga walang asawa? Eh di house girl nalang? Hahaha. Waley.
Pero pwera biro, mahal ko ang trabaho ko. Taas noo ko 'to pinagmamalaki. Kaya fighting lang! Sabi nga ni Mr. Y, keep moving, keep living.
Speacking of Mr. Y. Naikwento ko na kay bestfriend ang lahat. At nawindang naman ang kaluluwa nya. Yun nga lang, kung may kaluluwa pa yun ngayon.
*Flashback*
"Si Mr. Y ay hindi ko talaga kilala. Puros sulat lang yung natatanggap ko. Ganern." Ilang sandali ba bago magregister sa utak nya yung mga sinabi ko.
"Tengene! PenPal yan! PenPal yan Pren!"
"Baliw! Hindi na uso yan ngayon! Outdated na yan. Ang uso ngayon ay admirer pag rich kid. Pa hinde, stalker!"
"HAHAHAHA!" Pareho pa kame natawa. Ang babaw lang eh.
"Ang harsh mo naman. Pero seryoso? Wala ka ba talagang hinala kung sino yang Mr. Y?"
"Wala eh." Napatingin ako sa bulaklak at napangiti. Haaay. Sino ka ba talaga Mr. Y?
*End of Flashback*
Isang linggo na ako ganito dahil isang linggo narin ako nakakatanggap ng sulat mula kay Mr. Y. Nakakakilig at tagos sa puso ang mga mensahe nya sa sulat. Yun nga lang, after ko basahin ang mga sulat nya ay naiinis naman ako dahil maiiwan na namang tanong kung sino sya?
BINABASA MO ANG
STRANGER'S LOVE
HumorBased on Wikipedia, Love is an emotion explored in phylosophy, religion and literature, often as either romantic love, the fraternal love of others or the love of God. --Alfred Tennyson They say, Love is blind. But, what I've had was Strange Love.