Chapter 2

5 1 0
                                    

Lily's NOTE:
How was the first chapter? Boring noh? Hahaha. Ganern talaga, taong boring din kasi si Lily. Kaya wag na kayo magtaka. Konting push nalang at matatapos na ang story. JOKE!Charot lang! Don't forget to leave some commentS. Kahit commentS lang guyth, para alam ni Lily yung mga suhestyon nyo. Salamat! Mwaaa

♡♡

Mary Ann

Habang naglalakad ako papunta sa Morning Cafe, may nakita akong lalake na patingin tingin sa loob ng cafe. Parang may hinahanap na di mahanap hanap. Anodaw? Lalapitan ko na sana, pero bigla naman itong umalis at sumakay sa kotse-- huwaaaw. Naka BMW si kuya! Yayamanin. Habang ako, kailangan pangkumayod na parang kalabaw para lang mabuhay sa mundong ito.

Naman! Hindi porket nurse eh malaki na ang sahod. Alam mo naman dito sa pinas, walang pakealam ang gobyerno kung mamatay ka man na dilat ang iyong mga mata. Napapaghalata tuloy na bitter sa life. Tse.

"Good morning!" Bati ko sa mga kasama ko. Syempre, ako lagi ang late. Ganyan daw talaga pag megende.

Dumaan muna ako sa locker room para magpalit ng uniform at saka ready ng sumabak sa gera. Sumilip muna ako sa counter, medyo wala pa naman masyadong customer.

Anong trabaho ko? Well, ako ang manager dito sa Morning Cafe. Hindi naman ganon kabigat ang trabaho. Kailangan ko lang siguraduhin na satisfied ang mga customer sa service na binibigay namin, konting tanong, mga ganun. Tapos idaan mo nalang sa ngiti at konting pagtango.

"Ms. Ann, may nagpapabigay po sayo."

"Sulat? Para sakin? Kanino galing?" Ngiting asar naman binigay sakin ni Len, katrabaho ko rin dito sa Morning Cafe.

"Hindi ko nga alam, bata kasi yung nag-abot sakin--don't tell me.. corrupting minors ka!" Tumawa pa sya at sabay hampas sa balikat ko. Close kame? Close kame?

"Ay Ewan ko sayo Lem! Dun ka na nga sa pwesto mo! Shooo! Shooo!" Tinulak ko pa sya para makaalis na. Aba't tinawanan lang ako ng gaga. Kung hindi ko lang sya kaibigan, hinampas ko na sakanya itong sulat na hawak ko.

Nagtungo ako sa maliit kong opisina. Nakakahiya naman kasi kung dun sa labas ko babasahin. Shy me. Hahaha.

Binuksan ko yung envelope saka kinuha yung sulat sa loob. Alangan sa labas? Tse.

"Teka, parang kapareho 'to nung sulat na binigay sakin nung isang araw huh."

Dear Mary Ann,


How was your day my sunshine? Mine was a little exhausting. But then its fine. Where are you? A wasn't able to see you this morning.

Malamang hindi nya talaga ako makikita, eh kasi nandito ako sa Morning Cafe. "Hindi ba nya alam? Halos lahat ng kakilala ko eh alam na dito ang side line ko. Hmmm."

Does your head still hurts? Do you want to take some leave? You should take care of your health. Please don't get sick and be strong.


Hala! Pano nya nalaman na sumakit ang ulo ko? Kaya nga badtrip si Eleanor sakin kahapon dahil panay ang pagsusungit ko sakanya.

I want to hug you and give you comfort. I want to kiss you at your head, to give you assurance that everything will be okay, my sunshine.


Aaaaw. Natats naman ako. Iniisip ko pa lang ay kinikilig na ako. Yung may isang tao magpapahalaga sayo ng sobra-sobra at ipaparamdam kung gaano ka kahalaga sakanya.

STRANGER'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon