Lily'S NOTE:
UPDATES: 2 days after or 3x a week. Depende if kaya sa schedule ni Lily. NO UPDATES EVERY SUNDAY (fam time ^_^)☆☆
Nagmamadali akong tumakbo dahil late na naman ang inyong magandang nurse at baka masita na naman ako ni baklang earth. Juicekoooo. Bakit ba kasi nasa morning shift ako ngayon? Alam naman nila kung gaano ako kapagod dahil sa mga side line ko tapos ginawa ako morning shift ngayon. Shet.
"MS. DELA CRUZ!"
Ayan na, teka lang malapit na ang elevator. Heto na. Nasa 2nd floor na. Makakapasok rin ako. Tiwala lang-
"MS. DELA CRUZ! Didn't you hear me?"
Kung minamalas ka nga naman. Kung kailan nandito na sa harap ko ang elevator at nakabukas na, saka naman naabutan ni baklang earth. Lumingon ako sa gawi nya at ngumiti ng pagkatamis tamis. Saka nagmadali sumakay ng elevator at pinindot ang 5th floor.
"Sumara ka dali. Bilis! Bilis! Bilis!" Bat ba kasi ang bagal gumalaw ng elevator na 'to. Pwede ipa-upgrate 'to tulad nung Hotel dash? Nakita ko naman na umusok na ang ilong ni baklang earth at bago pa nya ako maabutan eh tuluyan ng sumara ang elevator.
"Haaay. Kailan kaya magkakaroon ng upuan ang elevayor na 'to? Kailaaan? Napaka inconsiderate mo naman!"
Chos. Tama ba naman ibuntong sa elevator ang sama ng loob? Hahahaha! Litsi.
"Pren! Late ka na naman!" Singhal ng aking best fremy (best friend + best enemy) Wala eh, ginusto ko yan. Hahaha. K. Korny.
"Wag mo kong inuuna dyan Eleanor. Ilang minuto lang ako nalate." Nag iba naman ang timpla ng mood nya dahil sa pagbanggit ko ng full name nya.
"Leche ka talaga Mary Ann! Alam na alam mo kung paano bumawi. Halika ka na at maaga tayong matapos sa endorsement."
"Same too you Eleanor. Hindi pa ako tapos sayo dahil sa ginawa mo kong morning shift ngayon." Banat ko ulit sakanya. Sarreh naman. Wala pa akong tulog.
At natapos ang araw ko ng ganun. The end.
JOKE.
Syempre, bago ako nakauwi eh dumaan muna ako sa nursing office. At isang mahabang homily ang natanggap ko. Ano pa nga ba ang ginawa ko? Eh di idinaan sa kaliwang tenga at ilabas sa kanan. Alangan sa kaliwa ulit? Ang kulit lang noh.
Hanggang sa makarating ako sa bahay namin ng bestfriend ko. Nakiki-share lang kame sa isa't-isa. Share sa bayad ng upa ng bahay, share sa pagkain, kuryente, kwarto. Kulang nalang pati panty eh magshare kame. JOKE ulit. Eeew lang noh. Hahaha! Buti nalang nga at double deck tong kama, kahit paano may konti as in konting privacy pa kame. Akalain mo yun? Alam pala namin ang salitang privacy. Hahahaha
"Best place ba kamo? Syempre KAMA. Nakakapagod talaga. Kailan ba ako hindi pagod? Hahaha!"
Pinitik ko yung noo ko dahil nababaliw na naman ako. Matutulog nalang muna ako tutal 4pm pa lang naman. Pipikit na sana ang magaganda kong mata na may mahabang pilik mata ng may narining akong kumakatok sa gate. Litsi.
"Magandang hapon po Ma'am. Dito po ba nakatira si Mary Ann Dela Cruz?"
"Kakatok ka po kuya tapos hindi ka sure kung dito nakatira yang si Mary Ann? Yung totoo kuya? Nagse-survey ka ba?" Tanong ko kay Kuya Post man na hindi alam kung paano ako sasagutin.
"Sorry po Ma'am sa distorbo. Pero may sulat po kasi para kay Mary Ann Dela Cruz at heto po yun address"
Sulat para sakin? Sulat lang? As in? Wala man lang kasamang package? Hahaha! Ang arte. Kinuha ko na yung sulat at may pinirmahan na kaechosan saka pumasok ng bahay.
"Ano naman kaya 'to?" Binuksan ko yung envelop saka kinuha ang sulat. Takang-taka naman ako. Pertym! Perstym ko makatanggap ng love letter! Chos! Love letter agad? Hindi pwede listahan lang ng mga utang? O di kaya bill ng Globe? Yan tayo eh. Masyado tayo umaasa sa mga bagay-bagay. Hahaha
"Papel pa lang, mukhang mamahalin na." Binuksan ko ang sulat saka binasa.
Dear Mary Ann,
Hi sunshine! How was your day? I hope it was fine. I was looking for you during lunch time, but you were no where to find.Teka? Hinanap nya ako? Eh nasa nurse station lang naman ako buong shift huh?
Did you watch korean drama again? I told you to stop watching that fcking series. You know how much I hate to see you crying for that nonsense story.
Hala! Pano nya nalaman na nanonood ako ng Scarlet Heart Ryeo? Huhu. Maganda kaya yun! Nakakainlove at nakakaiyak. Kahit namatay si Eun. Keribels nalang, buhay naman si Baek Ah. Pero masakit parin. Huhu.
I know, I know. I won't argure with that shitty dramas anymore. As long you're happy. :) Eat well my sunshine. I know life sucks sometimes but your stronger than that. Keep moving, and keep living.
Love,
Mr. YSee! Alam ko naman na magugustuhan din nya ang SHR 2016, umaarte pa.
"Sino kaya ang nagpadala nito?" Hindi ko alam kung bakit, pero napangiti ako sa sulat na 'to. Para kasi kilalang-kilala nya ako.
Napatayo ako wala sa oras at lumabas sa may sala. Dali-dali ko i-activate ang wifi. Hihi. Makiki-wifi muna ako sa mga RLN (Rich life neighbor) Hahaha!
Kaya napag-isipan kong magfacebook at magsearch kung may mga friends ba ako na ang pangalan ay nagsisimula na letter Y. Eport nuh? Malay nyo naman kasi, baka sya na si Mr. Right ko.
In my entire 25 years of existence. Naks. English men. Wag ka, sakto lang yan baon kong english. Hahaha! Mabalik tayo, sa 25 years kong pamamalagi dito sa mundong ibabaw, wala pa ako naging boyfriend. Kahit manliligaw nga eh wala. Don't get me wrong. Hindi naman ako pangit, sexy naman ako atsaka matangos ang ilong ko. Pero hindi ko alam, mauuna pa ata si Barney magkakalovelife kaysa sakin. Kaynis.
"Hoy! Nakabusangot ka dyan?" Ay. Dumating na ang bestfrieng kong si Eleanor. Hahaha
"Kainis kasi! Feeling ko mauuna pa si Barney magkakalovelife kaysa sakin!" Padabog akong naglakad papunta sa kwarto namin at nilock ang pinto Hahaha. Feeling akin lang yung kwarto. Mamaya na sya, mag-iinarte muna ako.
Tinignan ko ulit yung sulat at napangiti. Kinuha ko yung maliit na box na nakatago sa drawer ko. Dito ko kasi nilalagay yung mga importanteng bagay. At dahil first time ko makatanggap ng sulat, napag isipan kong itago nalang dito. Wala lang, for remembrance lang. Na minsan sa buhay ko, may isang taong nagsulat para sakin."Mr. Y..."
♡♡
BINABASA MO ANG
STRANGER'S LOVE
HumorBased on Wikipedia, Love is an emotion explored in phylosophy, religion and literature, often as either romantic love, the fraternal love of others or the love of God. --Alfred Tennyson They say, Love is blind. But, what I've had was Strange Love.